Chapter 5

13 1 0
                                    

past

Yun ang una naming pagkikita ng pormal. At yun yung time na naging kami din. Nangingilid na yung mga luha sa mata ko.

"click!"

Nakarinig ako ng tunog ng mga camera. Paglingon ko ay pinagkakaguluhan na pala kami dito sa library. May mga tao sa gilid at likod namin. God! we made a scene here! Nakakahiya! Nadala ba ko masyado kaya di ko napansin na pinagkakaguluhan na kami dito?

Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan.

"Baby, stop covering your face. I love seeing it." Dumampi yung kamay niya sa kamay kong nakatakip sa mukha ko. I swear! Namumula na ko!

Narinig ko ang mga tili ng babaeng kinikilig. Dammit! Nakakahiya talaga!

"Si Jalea yun di ba? taken na pala yung crush mo pre" Rinig kong sabi ng isa sa mga lalake siguro na nakapaligid dito.

"Omygosh! Kelangang mavideo ito!"

"Jalea and Dawn Franco? Wow. Couple of the year it is!"

"Di sila bagay no. Ew."

Rinig na rinig ko ang iba't ibang bulungan ng mga students dito sa library. Pareho kaming sikat dito sa school. I must admit it. Kahit nahihiya akong aminim yon. I hate fame. Madaming maninira sayo dahil insecure sila sayo.

"Excuse me! Library ito! Who gave you the right para mag ingay?" Iyon ang librarian. Sumisingit pa siguro siya sa kumpulan ng mga students.

Woo. buti na lang at hindi niya alam na itong si Dawn ang dahilan ng ingay. Madadamay pa ko!

Naramdaman kong may kamay na humahawak sakin ay hinihila ako palayo sa kumpulan ng mga taong ito.

"Hey! bakit mo ako hinihila!" Pabulong kong sinabi sa kanya yon habang bumababa kami sa 2nd floor ng library. Ugh! lalaking to!

Pinagtitinginan kami ng ibang students pagkalagpas namen sa library. Minsan kase ay madaming nakatambay doon.

Nakarating na kami sa Botanical garden. tapat lang iyon ng library. Doon kami pumwesto malapit sa lake. Still, hawak-hawak pa din niya ang kamay ko.

Nagsalita na agad ako dahil bukod sa masakit ang pagkakahawak nya sa kamay ko, medyo awkward na din.

"H..hey! uhm. Bakit mo ba ko hinahatak!" sabi ko sakanya ng nakataas ang kilay. Yes, medyo tensed talaga ko. Nakayuko lang siya habang nakaharap dun sa medyo mabahong human made lake dito sa school.

Iniangat niya ang kanyang tingin sa akin. Shit. Yung mata niya. Di ko alam na sobra na akong naattract sa mga bughaw niyang mga mata.

"Fuck." Tumingin ulit siya sa ibang direksyon pagkatapos niyang sabihin iyon. Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Listen Alexis Jalea Castro. Alam kong alam mo na na crush kita at alam na din iyon ng buong school. fuck shit." he cussed. "and I want you to know na totoo yon." Napamura pa siya ulit matapos sabihin iyon. Wow. ibig sabihin talagang totoo na may crush siya sa akin?! Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. like oh my God. Did the Great Dawn Franco confessed? "And I want you to be my girl Jalea." Wow. Just pure Wow.

Ginugulat talaga ako ng lalaking to! He can't just tell me to be his girl like i'm some cheap whore there! For pete's sake! Ang kapal ng mukha! Grabe Jalea. Ang OA mo magreact!

Buti na lang at walang tao ngayon dito sa Botanical. Meron man yung mga nag-aaral lang na nasa kabilang dulo pa ng botanical.

Magsasalita pa sana ko pero pinigilan niya na ako. "No buts, Jalea." At iniwan niya kong tulala at nabigla.

Through the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon