Accept
"In order to move on you must understand why you felt what you did and why you no longer need to felt it."
Napatigil ako sa pagiisscroll pababa ng mga tweets ng kakilala ko ng nabasa ko ito. Retweet lamang ito ni Misty. Bestfriend ko na nasa Ireland na ngayon.
"Makes sense" bulong ko sa sarili pagkatapos basahin yung retweet ni Misty. Pinindot ko ang favorite. Bakit? Hmm. Ewan ko.
Kanina pa kami nakauwi ni Dawn. Pagkatapos naming magchikahan saglit ni Shane ay nahanap ko si Dawn sa Botanical garden. Nakaupo habang tulog doon. Just like the old times. Buti nga at walang mga babaeng palihim na kumukuha sa kanya ng pictures habang tulog. Dati kasi parang artista yan.
Nandito ako ngayon sa sala. Nagwawifi lang. Si mama ay nanunuod lang ng T.V.
Maya-maya'y lumingon sa akin si Mama.
"Jalea? Dinner na tayo?" tanong ni Mama sakin.
"Wait ma. I'll ask Dawn first. Nasa kwarto siya ngayon natutulog. Maaga pa naman. 6:45 pa lang." Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng nagsalita pa si mama.
"Anak" maluha luha niyang sabi.
"Stop with the drama Ma. I'm happy okay? Wag ka ng komontra." tumawa ako pagkatapos kong sabihin yon.
Oh please. Magdadrama na naman ata si Mama. Naalala na naman niya siguro yung mga time na gusto nang kalimutan ng lahat.
Paakyat na ko at naghanda na din si mama para sa dinner. Kulit talaga.
Kahit ayaw ni mama sa mga gusto ko ay wala siyang nagawa kundi dito na si Dawn tumira kasama ko sa bahay. Sa buhay ko. Habangbuhay.
"Hey, baby kain na tayo?" Salita ko sa kanya.
Nakita kong nakatayo lang si Dawn sa tapat ng bintana sa kwarto ko. Katulad ng dati. Dun lagi ang pwesto niya pag inaantay ako galing school. Okay sila noon ni Mama kaya kahit sa kwarto ko siya maghintay ay okay lang. Yun yung mga time na hindi pa siya dito sa bahay nakatira. Mayaman sila Dawn. Kaso siya lang mag-isa sa bahay nila since nasa US lahat ang kapatid at parents niya ngayon. Mas minabuti ko na lang na kasama ko na lang siya palagi dito sa bahay at tumira kasama siya.
Napatigil lang ako sa pagmumuni muni ng sumigaw na si Mama sa baba. Nakahain na siguro yung dinner. Bumaba na kami ni Dawn.
Pagkaupo ko sa dining ay nakita kong dalawang plates lang ang nandoon. Napansin ni Mama na nakatingin ako doon.
"Wait ma. Kuha lang ako ng isang plate for Dawn." Sabi ko at binalewala na lang ang ginawa ni mama.
Pagkabalik ko galing kitchen dala ang isang plate, spoon at fork para kay Dawn ay tinitigan ako ng masama ni Mama.
"Alexis Jalea" it sounds like a warning for me. Alam kong ayaw ni Mama na kasama ko si Dawn. She wants me to dump and forget him. May reason si mama pero himdi iyon valid para sakin para bastusin niya si Dawn ng ganito.
Ilalapag ko na sana ang pinggan ng hawiin ito ni mama. Muntik ng mahulog iyon.
"Ma. Ano ba naman? Can't you show some respect para kay Dawn?" tumingin ako kay Dawn na nakayuko lang. Di ko makita yung bughaw niyang mga mata. Please baby, show me.
"What? I've been showing respect to him for a year Jalea. Ginagawa ka ng baliw ng mga gusto mo! Ni Dawn!" Singhal ni mama sa akin.
"Bawiin mo yang sinabi mo Ma! Dawn's here! Sinasaktan mo siya. Kami Ma." Di ko na napigilan ang sarili ko na sagutin si mama.
"Jalea! Accept it! You said you're cool with everything now? Pero ano to?!" napabuntong-hiniga ako sa sinabi ni Mama. Pinipigilan ko ang sarili kong magwala pero di ko kaya. Si Dawn na ang agrabyado. I should defend him.
"No ma, You are the one who's going to accept everything here! Mahirap ba yun?! Mahirap bang intindihin ako? Yung mga gusto ko? Baliw ako?! I admit it! Baliw ako sakanya Ma! aaah!" Naluluha luha na ko. Di ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Gusto kong sumigaw ng malakas para mawala tong sakit. Tama isisigaw ko na lang to. Kasi bumabalik na naman lahat.
"Aaaaaaah!" Isigaw mo lang Jalea.
"Jalea. Calm down! Please." Hinawakan ni mama ang balikat ko habang patuloy ang pagsigaw ko.
Muli sa pagsigaw ko ay unti unting nanghina ang boses ko. Umiiyak na ako ngayon sa harap ni mama. Yumuko na lang ako. Its been a year since I cried like this.
"Jalea... Anak." natataranta ang boses ni mama.
Humihikbi ako at nag-angat ng tingin kay Mama.
"Matinding pang-unawa ma. That's what I need right now. Can't you try Ma?" Humahagulgol ulit ako. I'm begging you Ma. Just try to understand me. Us.
"Yes anak. Yes. Just calm down. Please"
Niyakap ako ni Mama. I'm still crying. Gusto ko lamg ilabas lahat ng to para isang bagsak lang. Isang sakitan lang ulit.
Pinainom naman ako ng tubig ni Mama ng tumigil na ko sa pag-iyak.
Nang nahimasmasan na ko ay napatingin ako kay Dawn. Nakaupo lang siya. Nakatitig sa akin ang bughaw niyang mga mata. Malungkot iyon. Hindi siya nakeelam kanina dahil alam niyang wala din siyamg magagawa.
"Baby, be strong" mahinang bigkas niya.
Yes Dawn. I'll be strong. Kaya ko to. Natin. Just don't leave me.
"Let's eat Jalea. I'm sorry." Hinawakan ni Mama ang kamay kong nakapatong sa mesa.
Tumingin lang ako kay mama at nginitian siya. May bahid pa ng luha ang mga mata ko.
"Sorry din Ma." tugon ko kay Mama.
Nilingon ko si Dawn at kinausap siya. Bago ako nagsalita ay pinunasan ko muma yung mga natirang luha sa mata ko.
"Dawn, kumain ka." Kinuha ko yung pinggan niya at nilagyan ito ng kanin at ulam. Nakangiti ako habang ginagawa ko yon.
Suminghap si Mama sa ginawa kong 'yon.
BINABASA MO ANG
Through the Dark
Ficción GeneralPaano mo ba maibabalik ulit ang isang bagay na nawala na? Dapat bang tanggapin na lang ang lahat at hayaan itong mawala na lang? "Hindi!" Dahil para kay Jalea, may mga bagay na hindi kayang palitan ng kahit ano o sinoman tulad na lamang ng taong mah...