Not with you
Mabilis na lumipas ang mga araw. Saturday ngayon at buti na lang wala akong saturday classes. Nandito lang ako sa kawarto ko. Tumitingin lang ako ng mga pwedeng mabiling damit sa mga online shops sa instagram.
Katabi ko si Dawn dito sa kama na nakatitig lang sa akin. Nakayakap siya sa akin at inaamoy amoy ang buhok ko.
"Mind you, hindi pa ko naliligo." Sabi ko habang patuloy pa rin sa ginagawa ko.
Inaamoy pa din niya ko.
"Baby" Yun lang naman ang palaging sinasabi ni Dawn. Kabisado ko na ang tono niya pag sinasabi niya yon.
"You smell so good baby. I love your scent. Everything about you." Pang-ilang ulit niya na nga bang sinasabi ito? Pero di ako nagsasawa. Hinding hindi. Kinikilig pa din ako everytime he says these lines.
Natuon muli ang atensyon ko sa cellphone ko ng may nakitang magandang Iphone cover. Punong puno ito ng swarovski sa itaas na part at doon sa apple. Sinabayan pa ng kulay nitong turquoise. Orderin ko na kaya to?
Napansin kong wala na si Dawn sa tabi ko at nandoon na siya sa table kung saan may picture kami. Lagi niya yong tinititigan. Yon kasi ang first picture namin.
Gwapo talaga si Dawn. Define na define yung muscles niya. Yung katawan niya di mabulge. Tama lang. Nakalimutan ko na bang sabihin na para siyamg western hottie? Kaya di ko maikakaila kung madami ang may hidden desire kay Dawn.
Ngumiti ako ng maalala ko yung mga nangyari noong una kaming magkita. Nung time na naging kami. Frosh pa lang kami nun.
"Jalea!" sigaw ng bestfriend kong si Misty.
"Yep?" Nandito ako ngayon sa ovenmaid sa Square. Square ang tawag dito dahil hugis square ang structure ng parang canteen namen. Dito ay madameng stalls and pwesto ng kainan. Nakapwesto ako sa pinakagilid na table sa ovenmaid. I am eating my favorite mango float.
"Balita ko may crush sayo yung vocalist ng Cx band ha! Gosh! share some hair naman!" what?! ano daw?! am I dreaming?
"ano bang pinagsasabi mo jan Misty? are you nuts?" at sinubo ang last piece ng mango float ko. Kinikilig ako pero kailangan kong pigilan ito sa harap ni Misty.
"what the eff? akala ko pa naman kikiligin ka sa balita ko" Alam kong namumula na ko ngayon pero buti na lang hindi big deal ngayon kay Misty ang pamumula ko.
Ayokomg mapansin iyon ni Misty dahil tiyak akong ipagkakanulo niya ako kung sakaling malaman niya na somehow, gusto ko din na may crush sa akin yung Dawn.
Who wouldn't have a crush on him ba naman di ba? He got the looks, body and the talent. Full package na nga daw di ba? Plus yung pagka mysterious type pa niya. Hindi naman siya suplado pero mysterious pa din siya sa karamihan.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na kami ni Misty sa library. Dun lang kami magiistay for an hour dahil isang oras pa ang break namin. Malamig kasi dito, may aircon. As usual, may mapapansin pa din kaming sumusulyap sulyap saming dalawa. Maganda din si Misty. Kung ako ay mamula-mulang maputi, siya yung tipong pale ang pagkaputi. Medyo naninilaw pa nga. May lahi kasi itong chinese. Kung ako ay may kalakihan ang mata siya naman may pagkachinita.
Kumuha ako ng libro para may magawa.
Napansin kong nakatitig sakin si Misty. Nakakunot ang noo niya.
"whatcha lookin at?" at tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Wala naman. Di ka ba overwhelmed na crush ka ng vocalist ng Cx band?" Nagbubuklat siya ng libro habang sinasabi iyon.
"Hmm. Okay lang. Gwapo naman siya." Nakatingin ako sakanya ng sinasabi ko. iyon. Inaamin ko naman na kinikilig ako. Kaya lang siguro katulad lang din siya nung mga iba na nagkakagusto saken dahil lang sa sikat at maganda ako. At bukod dun may isa pang reason "Pero..." This time nakatingin na sakin si Misty. "I heard kasi pag naging girlfriend ka daw nung Dawn ay ibabash ka lang ng fans niya at di ka man lang ipagtatanggol. Wow lang di ba? like is he a star para ganunin ang mga naging girlfriends niya. And di ba? liligawan mo tapos hahayaan mo lang na maapi? Napakaungentleman di ba?"
"But not with you Miss Alexis Jalea Castro."
Tumindig ang balahibo ko ng narinig ko ying boses na iyon.
Nakatulala lang si Misty sa harap ko hanggang ngayon.
Lumingon ako at nakita ang buong member ng Cx band. Napatayo ako sa gulat. Mula sa babaeng drummer nila sa tabi ng 2 lalaking may nakasabit pang guitar sa likod nila hanggang sa vocalit nilang effortless ang pagiging gwapo kahit na gulo-gulo ang buhok na nasa harapan ko na ngayon.
Lumapit pa ito ng konti saken. Enough for me to smell his manly scent. Kaharap ko ang chest niyang hulmang hulma. Tss. Perks of being a short girl.
"Baby, You're drooling." Salita niya na lalo pang nakapagpanindig ng mga balahibo ko. Tinulak ko ang dibdib niya nang hawakan niya ang braso ko.
"I..i'm not drooling! sino ka ba?!" sighal ko sakanya.
"Really baby?" then a genuine smile form on his lips. Oh God. Kill me now. That smile. "Be my girl Jalea. Try me." Whaaaat?! Ano?!
"wait dude. Why so fast?" Gulat na tanong nung isang lalaking may guitar sa likod. Ito ata yung crush ni Misty sa Cx e. Hmm.
Tumawa si Dawn sa sinabi nung lalaking yon. Lumingon muna siya dito bago ulit ako tinignan.
"Yung relasyon ang pinapatagal dito Brian, hindi yung panliligaw." Tinitigan niya ko matapos banggitin yon. Sobrang nastun ako sa mata niya. Kulay bughaw ang mga iyon. "I don't do courtships anyway. cuz I never had a girlfriend."
Nanghihina ang tuhod ko. Di ako makapagsalita. Para bang nahypnotize ako ng mga mata niya. Kami na?
Words in italic - Flashback
BINABASA MO ANG
Through the Dark
Fiksi UmumPaano mo ba maibabalik ulit ang isang bagay na nawala na? Dapat bang tanggapin na lang ang lahat at hayaan itong mawala na lang? "Hindi!" Dahil para kay Jalea, may mga bagay na hindi kayang palitan ng kahit ano o sinoman tulad na lamang ng taong mah...