Chapter 1

32 1 0
                                    

Back

"Baby, wake up."

Pinilit kong wag imulat ang mga mata ko. Natatawa na ko pero pinilit ko pa ding magtutulug tulugan.

"Baby, please."

Now I could feel the frustration in his voice. I immediately open my eyes to see his face. Damn. I love this man. Nakatitig lang sa akin ang mga bughaw niyang mata ng makarinig ako ng katok.

"Anak gising na!"

"Jalea! Open the door!"

Nakatitig lang ako sa pintuan. Si mama talaga. I know concern lang siya sakin. She cares for me. So much.

"Dawn, baby." Ngumiti siya sakin na para bang assurance na hindi niya ko iiwan. He'll never leave me. I know.

"Jalea. Ano? Wala ka bang balak gumising?! You'll be late for school!

Nginitian ko pabalik si Dawn na nakaupo lang sa paanan ng kama ko. Dumiretso ako sa pintuan at bumungad sa akin si Mama na nakaapron pa. I could already smell the freshly-cooked hotcakes here from the kitchen.

"Maligo ka na Jalea."

"Yes Ma." Pumasok si Mama sa kwarto at inayos ang magulong bedsheet ko.

Napatingin ako kay Dawn na ngayon ay nawala. Hala. Nawala na naman.

"Bumaba ka agad after mo maligo K? I cooked your favorite breakfast para naman tumaba ka." Tinignan naman ako ni Mama na para bang naaawa.

"Stop it ma. Magaling na ko. I'm cool with everything now." Tinignan ko lang si Dawn na nakatayo pala sa pintuan ng CR ko. Tss.

Napatingin din si Mama sa direksyon kung saan ako nakatingin.

"Okay, I'll leave Jalea. Bilisan mo maligo ha."

"Opo" Hinawakan ko ang likod ni mama at sinamahan siya hanggang sa pintuan ng kwarto ko.

Tinignan ulit ako ni Mama.

"Don't be so nosy ma!" Si mama talaga, may pagkachismosa din to.

"No Jalea" I'm just happy. Because finally. Mapapanatag na ko..." There. Stop it. Pinigilan ko agad si mama na magsalita pa.

"Yes ma. Yes. Maliligo na ko." I kissed her cheeks then closed the door.

Pareho kami ng cheeks ni mama. Pareho kaming litaw agad ang cheekbones sa konting ngiti lang. Nagmana ako sakanya na may pagkawavy ang buhok at medyo mamula mula ang kutis. Kahit walang blush-on ay namumula na ang mga pisngi ko. Swerte nga daw ako sabi ng mga tita ko dahil di ako nagmana kay Papa na maitim. May itsura din naman si Papa pero sabi ng iba ay maganda daw masyado si mama para kay Papa. Well, I guess dun na papasok yung salitang "true love", hindi mo talaga alam kung sino ang mamahalin mo. May mukha man yan o wala, pag siya na talaga yun. Siya na at wag mo ng pakawalan pa.

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok saglit at bumaba na para magbreakfast.

Nakita ko si Dawn na nakatingin lang sa painting ng The last supper sa nakadikit sa dingding ng dining namin habang nakasandal sa upuan niya.

"Why don't you eat instead of staring at that painting." Sabi ko at umupo na.

Naramdaman kong sabay na napatingin sa akin si Dawn at Mama. Pareho pala silang nakatingin doon kaya tumawa ako.

"Let's eat!" sabi ko at sinimulan ng lantakin ang hotcake na favorite ko since grade 2 ako.

Pagkatapos kong kumain ay kukunin ko na sana ang bag ko ng nagsalita si mama.

"Jalea, your meds. Drink it." Sabi ni mama sa akin habang kumakain siya.

"I said I'm okay ma. Di ko na kailangan yan." at tumayo na. Liningon ko pa saglit si Dawn na nakasunod na sa akin.

Sumakay ako agad ng trycycle patungo sa highway kung saan nandoon ang mga jeep papuntang school. May kotse naman ako. Kami. Kaya lang ay simula ng may mangyari sa akin. Sa amin ni Dawn ay pinagbawalan na ko. Kami. na magdrive. Sabi ni papa ay delikado na daw. Hindi naman kami ganoon kayaman kaya di ako maarte sa mga jeep na yan. Tama lang ang lifestyle ko. Normal lang. Si papa ay nagtatrabaho sa Australia bilang isang agriculturist doon. Si Mama naman ay may maliit na business din dito sa lugar namin kung saan ay supplier siya ng seafoods ng isang kilalang restaurant dito sa Dasmariñas. Sapat na ang mga kitang yon ng parents ko para matugunan ang lahat ng luho at pangangailangan ko.

3rd year college na ako ngayon sa De La Salle University- Dasmariñas. Business course ang kinuha ko. Marketing amd Advertising Management to be exact. Dapat ay sa CSB o College of Saint Benilde ako mag-aaral ngayon sa kursong may kinalaman sa arts kaya lang ayaw daw akong mapalayo ni mama ngayon sa kanya. Besides, Dawn was also studying there kaya walang problema sakin. Masaya din naman ako sa course ko dito sa La Salle kaya no fuss lang saken lahat ng gusto ni Mama.

Nang makarating na sa highway ang trycycle na sinasakyan namin ni Dawn ay nagbayad na ko ng 20 pesos. Kahit mag isa ka lang ay 20 pesos ang babayaran mo. Pag dalawa naman kayo ay 20 pesos pa din. Medyo malayo kasi ang village namin sa highway kaya mahal.

Bumaba na kaming dalawa ni Dawn at sumakay agad sa nakahintong jeep sa highway para magdagdag ng pasahero. 5 kaming nakasakay dun. Isang matandang babae. At 2 lalakeng mas bata sa akin na nag-aaral sa EAC o Emilio Aguinaldo College. Agad na umandar ang jeep pagkasakay namin.

"Bayad po. Dalawa. Sa gate 3 lang" Inabot ko ang bayad namin ni Dawn sa matandang babae malapit sa amin na malapit rin sa driver.

Nang makarating sa driver ang bayad ay tumingin ito sa akin.

"Saan tong bente?" tanong ng driver na hindi ata narinig ang sinabi ko.

"Sa gate 3 lang po. Dalawa" Sabi ko. Malaki ang school na ito. Ito na ata ang pinakamalaking La Salle University sa buong Pilipinas. Tatlo ang gate papasok ng school. Ang gate 3 ay ang pinakamalapit sa building namin ni Dawn. Pagkalabas mo ng gate 3 ay madadatnan mo ang DC park ng Dasmariñas. Ang dalawang gate naman na gate 1 at 2 ay halos magkalapit lang. Bago ka makarating doon ay madadaanan mo muna ang isang wet & dry market at ang Sm hypermarket. Ang gate 1 ay ang pinaka main gate ng school kung saan madaming tambayan at kainan sa harap nito. Sa gate 2 naman ay puro kotse lang ang pwedeng makapasok.

Habang nagmumuni muni ako naramdaman kong dumampi sa hita ko ang kamay ni Dawn. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita kong nakatitig ang dalawang student sa akin. Parang gulat ang reaksyon nila. Bumaba na sila agad ng makarating ang jeep sa tapat ng school nila. Napansin ko pa nga yung isang babae sa tapat ng EAC na parang tinitignan si Dawn. Inirapan ko ito. Parang nagulat ata yung babae nung nakitang masama ang tingin ko sakanya.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kay Dawn, bukod sa bughaw niyang mga mata na malalim kung tumitig ay may matangos na ilong siya at mapulang mga labi na nakakaakit sa babae. medyo maputi din siya, Yung tama lang para sa lalaki. Maganda din ang tikas ng katawan niya at dinadala din siya ng katangkaran niya. Perfect nga daw e. Kaya maswerte ako dahil ako ang minahal niya. Hindi lang dahil sa itsura niya kundi dahil sa alam kong hinding hindi siya mawawala sa tabi ko.

Jalea pronounced as Dyaleya/J as in Jansport.

Dawn pronounced as Don.

Through the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon