Sa pag-ibig hindi importante ang KALAGAYAN, PAMANTAYAN, KAPURIHAN, KAPINTASAN, EDAD, TALINO, KASARIAN at ESTADO.
Kasi pag nagmamahal,
Walang SINO?
Walang ANO?
Walang BAKIT?
Walang PAANO?
Walang SAAN?
at
Walang ILANG TAON?
Ang importante ay ang nilalaman ng puso at ang tunay na nararamdaman. Hindi ang sinasabi ng ibang tao.
~~~
Ako nga pala si Near Guzman, for short Nia. 3rd year student na ako at butihing mag-aaral ng isang eskwelahang hindi ko na papangalanan. Basta maraming magaganda at pogi doon! De joke lang. Sa totoo lang kahit masakit man aminin, boyish ako. Ewan ko, sabi nila eh. Pero nakikisang-ayon na rin ako sa kanila kasi mukha nga.
Pero alam nyo, satin satin lang 'to ha. Baka kasi mapagtripan nanaman ako.
Nagiging babae rin ako.
Well, oo babae naman kasi talaga ako.
Pero as in yung babaeng galaw.
Dre kakaiba diba?
Pero sa isang lalaki lang 'yun.
Sa isang lalaking... di ko inaasahan.
At di nyo rin aasahan!
Oo, siya ang teacher ko.
~
(A/N: Sa mga nakakita po ng dati pong story na ganito din yung title, akin rin po yun. Dinelete ko nga lang po sa isang makabagbag damdaming sikretong dahilan. Oha, drama diba. Basta 'yun. Remake na po to. Sana po may magbasa pa rin katulad ng hindi ko akalaing may magbabasa sa storya ko noon! :) Salamat!)
BINABASA MO ANG
He's My Teacher
Fiksi RemajaSa pag-ibig, hindi imporante ang kalagayan, pamantayan, kapurihan, kapintasan, talino, kasarian, estado at EDAD. Paano na nga ba kung mahulog ka sa isang di inaasahang tao?