Ang ingay sa klase, grabe, ang gulo. Parang ako hindi eh 'no? Sino bang nagpasimuno dito? Syempre sino pa ba, edi ako! Hindi ako magpapahuli 'no. Naturingang Vice President pa naman, pasimuno pa ng gulo. ^______^ \/ Ayos diba?
Di bale, isang klase nalang, uwian naaaaaaaaa! Malaya na kami dito sa preso. Computer pa ang subject, oha! Wapakels! Petiks petiks lang! Imbyerna nga lang ang teacher, kuh. Buti na nga lang at mahilig ako magcomputer at dun ko nalang binababad atensyon ko tuwing sinesermonan kami, eh lagi naman!
Teka, asan na nga ba yun? Ang tagal ah? 10 mins late na sya!
Nang biglang pumasok ang isang di ko kilalang mamamayan ng eskuwelahan namin, echos. Teacher. Substitute? Aba, absent si ma'am! Magdiwang! De joke lang.
"Everybody stand up, let us pray." sabi ni sir.
"Psst, gwapo ni sir 'noh? Sir, can you be my boyfriend?" pabulong na sabi sakin nung seatmate ko, Si Jovs. Natawa naman ako.
At nung natignan ko na ng maayos si sir, shems, pogi nga. Chix.
Pagkatapos ng prayer, pinalabas na kami at pinapila. Bababa na kami papuntang Computer lab. Habang nakapila kami, dumaan si sir sa amin.
OH BETS, TAKUBETS, ANG BANGO NIYA. Na-zoom in pa sa akin lalo yung mukha. Woah.
"What?" biglang sabi ni sir sa akin.
Ay tungaw, nakatitig na pala ako sa kanya. At nahuli niya ako. Pahiya dre, pahiya talaga.
"Ah, sir, nothing." sabi ko sabay lumihis ng tingin.
"Ikaw Nia ah." sabi sa akin nung bestfriend kong lalaki, si Chris.
"Oh bakit?" sabi ko naman.
"Sir ka pala ah."
"Ewan ko sa'yo, di ko nga kilala yung tao eh."
"Wushu."
Bumaba na kami sa Comp Lab. Wala naman kaming ginawa. Pinacontinue lang sa amin yung dati naming activity, eh tapos na ko dun. Ako pa! Ayun, bore na bore na tuloy ako. Ano pa bang magagawa ko? Edi syempre magsimula nanaman ng ingay. Odiba. Da best ako dyan eh! Ayun, nakipagdaldalan ako sa katabi ko, syempre si Chris, magkasunod lang kami ng class number eh, katabi ko tuloy. Sawang-sawa na ko sa mukha nito eh, lagi ko banamang kasama.
"May gusto ka kay sir?" sabi ni Chris out of the blue, nung dinadaldal at ginugulo ko siya habang tinatapos niya yung activity niya.
"Utot! Magkakagusto na nga lang ako sa lalaki, sa matanda pa? Di ko carry babes!" Oo, babes ang tawagan namin. Pero OY, WALANG MALISYA HA.
"Weh?"
"Oo nga!"
"Baka kasi ipagpalit mo ko e."
"Tayo ba?"
"Ouch ha!"
"Hahaha, ikaw talaga, seloso!"
"Parang ikaw hindi."
"Hoy kelan ako nagselos ha?"
"Dati..."
"UTOT!"
"Ms. Guzman!" biglang sabi ni sir. Hala naman, napalakas ata boses ko. Teka, lagi naman malakas boses ko e. Pahamak nga naman oh. Nak ng tinapa.
Napatingin lahat ng kaklase ko sa akin.
Habang lumalapit si sir.
Papalapit siya.
...ng papalapit...
...ng papalapit...
...ng papalapit...
"Ms. Guzman!" at BOOM! Okay, nandito na pala siya sa harap ko. At napatitig nanaman ako. Pusa. Ang gwapo pala talaga nitong mokong na 'to.
"Ah... eh... uhm... yes sir?"
"Please keep your voice down, you're disturbing the class." Disturbing the class? Weh? Disturb saan? Sa pagtutunganga nila?
"Sorry sir."
"Or else you will stay outside!" Sabi niya sabay walk out. Aba chaka. Kung hindi ka lang gwapo eh!
"Oh, babes, gwapo talaga 'no?" si Chris nanaman.
"Aba porke't di ka lang nadamay eh, ikaw kaya kadaldalan ko dito!"
"Ganun talaga, gwapo din ako e."
"Ewan ko talaga sa'yo!"
Maya-maya ayun, natapos na ang klase. Nagpaalam na ang gwapong mokong na substitute na 'to. At kahit pa sa huling hakbang nya sa room na 'to, nakatitig pa rin ako sa kanya. Buong oras ata ng klase nakatitig lang ako sa kanya eh?
Ay ewan! Tokwa naman!
Teka, ano nga palang pangalan nun?
BINABASA MO ANG
He's My Teacher
Teen FictionSa pag-ibig, hindi imporante ang kalagayan, pamantayan, kapurihan, kapintasan, talino, kasarian, estado at EDAD. Paano na nga ba kung mahulog ka sa isang di inaasahang tao?