Chapter 4: "Date"

161 1 0
                                    

*Nia's POV*

Grabe, hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. 

Nia. Nia. NIA! Bakit ka nagkakaganyan?

Hindi na siya mawala sa isip ko.

Na-stuck na ko dun sa moment namin sa canteen kanina.

Yung mukha niya...

Yung ngiti niya...

Yung boses niya...

Yung amoy niya...

NIAAAAAAAAA! Ayoko na. Grabe. Nia ano ba. Hay nakoooo. Sa dinami-dami ng lalaki sa mother earth, sa dinami-dami ng lalaki sa school, bakit ikaw paaaaaaaaaaaa? Bakit siya pa? Bakit si sir-

~Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sa'yo ang awit ng aking puso

Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin~

Ay, tumunog cellphone ko, panira ng moment ha.

Teka, panira nga ba? Eh parang binackground music lang sa moment ko eh. Echos! Drama mo Nia! Sino ba 'to? Gabing gabi na ah?

Nia my babes ko :* sori sa istorbo sa byuti sleep mo, gala tyo bukas ha? 1pm sa SM. intayin kita ah! sa dating tagpuan!! sigi gudnyt na :) >:D<

Si Chris. Ano kayang pumasok sa kokote nito at nagyayang maggala bukas? Sa bagay, wala naman kaming masyadong homeworks at petiks petiks lang kami ngayong weekend. Makapagreply nga.

Chris babes! sino sino kasama?

tayo lang :)

Aba, kami lang? Ano 'to date? First time 'to ah? I mean, first time kaming gumala na kaming dalawa lang. Kuh. Anyare dito? Sige nalang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan

Nia babes koo asan ka na? :(

Malapit naa! :3

Syempre joke lang 'yun, paalis pa lang ako ng bahay 'noh. Banaman, 12pm na ko nagising. Edi kumain pa ko, alangan naman magutom ako? Kawawa naman ang precious stomach ko. Echos.

-After 15 minutes-

"BAAAAAAAAAAAABES!"

"Oy!" Okay, nagtinginan samin lahat ng tao sa SM. Kararating ko lang. Bilis ko 'no? 5 minutes lang naman kasi ang byahe.

"Kala ko ba kanina malapit ka na? Eh ba't parang isang oras pa bago ka makarating dito? Kaw babes ah!"

"Ano ka ba, di ka pa ba nasanay sakin? Pag "malapit na" ibig sabihin, paalis palang!"

"Ewan ko sa'yo babes! O ano, tara nood sine." ngumiti ng nakakaloko si Chris.

"O anong meron sa ngiting yan? Pusa baka reypin mo ko ah! Ba't ba tayong dalawa lang ang nandito?"

"Eh ano kasi. Ahm. Gusto kita makasama."

"Kuhhhh! Drama mo chong. Sawang sawa na ko sa mukha mo sa school, tapos ikaw gusto mo pa kong makasama? Naks naman, landi ng bestfriend ko ah."

"Ouch naman, talagang diniinan ang pagsabi sa bestfriend ah." Anyare dito kay Chris? Bestfriend naman talaga kami ah? Ayaw nya? Kuh :3 Nakakatampo. Haha.

"Ayaw mo, bestfriend nga eh. Ikaw ang the best sa lahat ng friends!" inakbayan ko siya.

"Eh kasi..."

"Kasi ano?"

"....wala. Ang cute cute mo kamo!" ^_^ pinisil nya yung pisngi ko ng napakaaaaahigpit. Pag 'tong precious pisngi ko lumawlaw, nako! Paktay sakin 'tong si Chris!

Teka teka teka. Tama ba 'tong nakikita 'to?

Nag-iilusyon nanaman ba ko?

NIA! Gumising ka!

*Kurot sa sarili*

Totoo nga!

OH BETS!

SI SIR!

"BABES! Tignan mo yun oh. Yung sa may CR." hinarap ko yung mukha nya sa way na tinitignan ko "Sino nakikita mo?"

"...bakla. De joke."

"Ay. Salamin ata nakita mo e?" sinampal ko sya ng mahina.

"Nia... naririnig mo ba yun?"

"Ha?"

"Yung puso ko... nabasag."

"Drama mo chong! :P Favor naman oh?"

"Ano?"

"Sundan natin si sir. Pleaaaaaaaase! Please please please. :3" oo, alam ko magmumukha kaming stalker nito. Pero ba't ba. Minsan ko lang 'to makita sa school eh. Ngayong may pagkakataon na, ba't di ko pa kunin? Tanga lang ang pakakawalan 'to!

Hinila ko na kagad si Chris.

At ayun, nag-ala ninja stalker kami.

Mula sa pagwiwindow shopping ni sir, sa pagCCR muli, sa pagkain, sa pagsine nya, nakasunod lang kami. Grabe diba? Feeling ko nga nakachansing sakin si babes nung nanonood kami ng sine eh. Haha! Kanina pa kasi nagyayaya, swerte nya nadinig kuno ni sir ang gusto niya.

Habang sinusundan pa rin namin si sir, hinila ni Chris yung kamay ko.

"Nia."

"Oh? Anyare sa'yo? Uy, naglalakad na uli si sir oh. Tara." hinila uli ako ni Chris. "Uy? Ano ba? Naglalakad-"

"NIA! IKAW ANG ANO BA! Niyaya kita magdate para makasama kita. Para makapagbonding tayo. Para kahit papaano, makuha ko naman ang atensyon at mahiram ang ilan sa oras mo. Mga atensyon at oras na binibigay mo sa ibang tao! Kasi ako, alam mo, sa'yo lahat eh. Sayong sa'yo." binitawan nya na yung kamay ko at umalis na sya.

He's My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon