Well after 1 week nung "Substituion Incident" na 'yon, di ko pa rin alam pangalan nung poging mokong na 'yun. Nahiya naman ako magtanong sa mga lukaret kong kaklase at baka kung ano pang isipin ng mga 'yon.
Teka, ba't ko pa nga ba siya iniisip?
ABA, EWAN KO RIN!
Anong ginawa nun sakin? Yung totoo, simula nung araw na 'yun, hindi na nawala sa isip ko 'tong mokong na 'yun e. Oh em. What is happening to me? Shems ha. Nak ng tinapa. Nia, anong nangyayari sa'yo!
"Hoy, nakatulala ka nanaman dyan." okay, nagulat ako kay Jovs infairness.
"Ha? Eh..."
"Anong nangyayari sa'yo ha? Simula nung Computer time natin last week-"
"Shut up."
"Kuh, ikaw ha Nia! Si sir ba? Hahaha!"
"Ha?"
"Sabi ni Chris eh..."
"Ano bang pangalan nun?" Okay, bigla ko nalang natanong 'to, seryoso, di ko namalayan bibig ko.
"Nate ata, ewan ko, medyo sikat din 'yun sa mga babae e. Ba't di mo kilala?
"Aba nung nagsubstitute lang 'yung mokong na 'yun ko siya nakita eh."
"Haha! Paktay yan kay Chris!"
Tinignan ko yung relo ko at bigla kong naalala, Computer subject na nga pala uli ang sunod. Hala. Absent kaya uli si ma'am? Sana. Ang sama ko, oo. Pero kasi ano eh.
Ano...
Si..
Si Sir eh..
Sir..
Sir Nate?
Sir Nate nga.
Bumukas 'yung pinto.
Napalingon kagad ako.
Sa kasamaan ng palad ko, nandito si ma'am.
Oh well.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Uwian na. Syempre kasabay ko nanaman 'tong si Chris. Lagi akong hinahatid nito sa service eh. Para daw di ako mukhang loner at magmukha raw akong chix. Kapal rin ng mukha nito eh no? Kala mo siya mukhang chix sa babae.
Ayun, habang naglalakad kami, tinanong ako ni Chris.
"Babes, gusto mo pagkain? Libre kita."
"Yan ang gustong gusto ko sa babes ko eh! Tara!"
Gora naman kami sa canteen. Habang papasok kami dun, may nakita ako.
Uniform ng teacher.
At namukhaan ko. Namukhaan ko 'yung gwapong mokong na 'yun.
Si SIR!
Papalapit kami sa kinatatayuan niya.
...ng papalapit...
...ng papalapit...
...ng papalapit...
at BOOM! Magkatabi na kami. At nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Babes, ano gusto mo?"
"Babes?"
"Huy, babes." pa-ulit-ulit na sinabi ni Chris.
"S-sir?"
At lumingon ang mala-anghel na mukha ni sir sa akin.
"Yes?"
"Sir Nate?"
"Yeah, what?"
"Nothing sir. Good... uhm..." tumingin ako sa relo "Good afternoon."
"Good afternoon."
At ayun... tumalikod at lumakad na siya papalayo.
Alam nyo nararamdaman ko ngayon? One word: HEAVEN.
Teka. Andito pa nga pala kami sa canteen. Andito kami ni Chris. At andito ako para ilibre. Back to reality, Nia, back to reality!
"Crush mo na si sir 'noh?" sabi bigla ni Chris habang kumakain ng nilibre nyang V-Cut.
"Ha? Hindi noh..."
"Wushu. Sige babay na. Ingat."
"Sige."
"Labyu babes!"
"Labyu too...
...sir."
BINABASA MO ANG
He's My Teacher
Teen FictionSa pag-ibig, hindi imporante ang kalagayan, pamantayan, kapurihan, kapintasan, talino, kasarian, estado at EDAD. Paano na nga ba kung mahulog ka sa isang di inaasahang tao?