Chapter 3: She's my babes

184 2 1
                                    

*Chris' POV*

Ako si Chris Borres. Malamang kilala niyo na ko bilang dakilang epal na bestfriend ni Nia diba. Si Nia. Si Near Guzman. Si Near na pinapangarap ko simula palang ng 1st year kami. Swerte ko nga eh, lagi ko siyang nagiging kaklase. Ang swerte swerte ko kasi naging bestfriends pa kami. Pero masasabi mo bang swerte pa rin ba ako kung hanggang 'bestfriend' nalang kami? Sabihin nyo nang tanga pero ako, oo, masasabi kong swerte ako dahil bestfriends kami. Bakit? Atleast, sa pagiging kaibigan ko sa kanya, mas lalo kaming napapalapit, mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo ko siyang nasusuportahan, mas lalo ko siyang naaalagaan, mas lalo ko siyang naiingatan, kaso, eto nga, mas lalo ko siyang minamahal.

Ang ganda ganda ni Nia. Ang talino pa. Sobrang cool din, yung tipong masasakyan nya lahat ng trip mo. Pero at the same time, hinding hindi siya mabibigo sa pagpapangiti sa'yo tuwing malungkot ka. Ewan ko nga kung bakit hindi nya marealize nya sa sarili niya na sobrang amazing niya. Ang daming nagkakagusto sa kanya, alam nya yun, pero di nya pinapansin. Manhid 'yan eh! De, joke lang.

Pero ayun, masakit talaga sa posisyon ko ngayon. Pero masaya rin naman. Masaya rin para sa friendship namin na hindi natitibag.

Nakatulala nanaman 'tong si Nia babes ko. Lagi nalang 'tong ganto ah? Simula nung..

Nung...

Computer time last week.

Yung totoo? Weirdo na kung weirdo pero oo, nagseselos ako dun sa naging substitute namin noon. Aba, yung lahat na atensyon at oras na dapat para sakin eh binibigay ni Nia don. Ano bang nakita dun ni Nia? Mas pogi pa ko dun eh. At isa pa, mukha naman siyang bakla.

Di ko na sinasabi kay Nia 'to kasi baka mainis siya sakin eh. At baka mas lalo pa siyang madevelop.

Narinig kong bumukas 'yung pinto.

Mula sa pagtungo ni Nia, biglang tumaas 'yung ulo niya.

At nung pumasok na si Ma'am na absent last week, tumungo uli siya.

...Alam na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DISMISSAAAAAAAAAL NAAAAAAAAAAA! Oyes!

Pinuntahan ko na si Nia sa upuan nya, tapos sabay na kaming bumaba. Lagi ko 'tong hinahatid sa service niya eh. Sabi ko sa kanya para di siya magmukhang loner at magmukha siyang chix sa ibang tao. Pero yung totoo, gusto ko lang talaga siyang makasama.

Habang naglalakad kami, gusto ko sana siya tanungin tungkol dun sa baklang teacher na 'yun. Pero naisip ko, wag na lang. Baka maging magkaaway pa kami neto eh. Di ko naman to matiis. So ayun, tinanong ko nalang siya kung gusto niya kumain. Syempre libre ko, pogi points eh!

"Babes, gusto mo pagkain? Libre kita."

"Yan ang gustong gusto ko sa babes ko eh! Tara!"

Pagkapasok namin ng canteen, diretso na kami sa counter.

Pagkalingon ko kay Nia para tanungin siya kung ano gusto niya, nakita ko sa tabi niya yung bakla. Sama ko 'no? Disrespect na ko nito eh. Pero ba't ba? Nasaktan ako eh. 

Nakatingin sa kanya si Nia. Ay, hindi. Hindi nakatingin.

Nakatitig.

"Babes, ano gusto mo?"

"Babes?"

"Huy, babes."

Ayaw nya lumingon. Ayaw nya sumagot. Nasasaktan ako. Ba't ako ganito?

Nagsalita si Nia. Kala ko sasagutin nya na yung tanong ko.

"S-sir?"

Ah... </3

"Yes?"

"Sir Nate?"

"Yeah, what?"

"Nothing sir. Good... uhm... good afternoon."

"Good afternoon."

At umalis na ang baklang 'yun. Bakit ganito? Ang sakit. Nasaktan ako. Bakit? Ang babaw ko na. Ang babaw mo na Chris. As if namang papatulan talaga 'yan ni Nia diba? As if namang papatulan din yan ng baklang yun. Ba't ka ganyan Chris, bakit?

Tapos na kaming bumili. Papunta na kami sa service niya.

"Crush mo na si sir noh?" Di ko naiwasang maitanong.

"Ha? Hindi noh..." Alam ko Nia, wag ka na magsinungaling.

"Wushu. Sige babay na. Ingat."

"Sige."

"Labyu babes!"

"Labyu too!"

Tumalikod na ako pero may narinig akong kasunod...

"...sir."

Nasaktan nanaman ako. Ano ba yan. Babaw ko talaga. Sus. Haay Nia, kailan mo kaya ako mararamdaman?

 Teka...

May plano ako!

He's My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon