Chapter 2

3.7K 93 4
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Part 2

Kasabay ng kanyang malakas na sigaw, ay may malakas na pwersang humablot sa kanyang katawan. Napapikit siya sa sobrang takot. Sa kanyang pagdila't ay muli siyang napasigaw. Napuno ng pangamba at pagkalito ang kanyang magandang mukha. Mabilis niyang tinanggal ang matitigas na brasong nakayakap sa kanya at malakas na itinulak ang may ari 'nun.

"N-nasaan ako?" kinakabahang tanong ng dalaga ng mapansing wala na siya sa batis. Nasa isang malawak na garden siya at puno ng mga bulaklak.

Hindi siya makapaniwala sa naganap. Para siyang hinila na hindi niya maintindahan dahil sa bilis ng pangyayari. Na sa isang iglap lang ay napunta siya mala-paraisong lugar.

"Paano nangyari 'yun?" nagugulohang tanong niya sa sariling tiningnan ang mukha ng taong humila sa kanya. Ni hindi man lang ito nagsalita, bagkos ay matiim siya nitong pinagmamasdan.

Bigla siyang napasinghap ng masilayan ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya. Teka lang. Hindi pala basta basta lalaki. Kundi isang adonis na griyeko. Parang dinukwang ang puso ng dalaga sa kagwapohan nito. Dahil sa kumikinang na balat nito. Ang mga mata nitong tila napaka misteryoso. Ang matangos na ilong nitong, tila nililok ng napakagaling na iskultor. At ang labi nitong... "Wow! He's the one!" ani ng dalagang hindi maalis ang paningin sa mukha ng binata.

Pilit niyang inaalala kung sino ang kamukha ng istrangherong binata. Parang si.." Jay-r Siaboc!?" sigaw ng kanyang utak. Ngunit biglang napalis ang kanyang ngiti. "Hindi, hindi si Jay-r Siaboc ang kamukha nito.. Kundi si Sam Milby!" muling wika niyang pinagmamasdang maigi ang mukha nitong hindi mapuknat-puknat ang pagkakatitig sa kanya. "Teka, parang hindi eh." ani niya ng maalala kung sino talaga ang kamukha nito. Tama! Hindi nga si Jay-r Siaboc ang kamukha nito. At mas lalong hindi si Sam Milby.. Dahil ang kamukha nito ay si.. "Enrique Iglesias!!! My God! Si Enrique Iglesias nga? As in ENRIQUE IGLESIAS??!" (hahaha,magrere-act si Janey?? Hahaha :D )

Pero hindi pa rin niya mapigilang bumaba ang paningin sa katawan ng binata. Sa malapad na dibdib nitong kay sarap yakapin. Ang braso nitong namumukod sa matitigas na muscle. At ang abs nitong.. 'My God, of my goddess!! This is it??" napahugot ng hiningang wika nanaman ng dalaga na hindi pa napigilang kagatin ang pambabang labi. Dahil sa malabakal nitong abs. Ang sick pack abs na pinapangarap niya sa isang lalaki ay perpektong perpekto na nasa kanyang harapan. At kailangan na yata niyang tahiin ang kanyang baba para hindi siya maglalaway sa kanyang nakikita.

Bumaba pa ang kanyang paningin sa puson ng binata. Lihim siyang napanganga nanaman dahil sa kanyang nakita. Bakit nakikita niya ang pipis na balahibong nasa puson nito? Patungo sa... Hala! At mabilis pa niyang ibinaba ng pababa ang paningin.

"Waahhh!! Bakit naka-bahag!??" sigaw nanaman ng kanyang utak na mabilis ibinalik ang paningin sa mukha nito.

"Ahhh! Sino ka!?" paatras na sigaw ng dalaga ng makita ang kabu-uan ng binata. Napatakip siya ng kanyang mga mata sa nakakatulo-laway na kanyang nakikita.

"E-- Edzyr ang pangalan ko."

Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang mga mata ng magsalita ang binata. At muli siyang napasigaw ng mas malakas.

"Aaahhh.!! Talikod ka! Tumalikod ka.!!!" mulagat ang matang itinulak niya ito at patalikod sa kanya. "My God! Nakita niya ang magandang katawan ko! Waahhh!!"

Ni hindi manlang naalala ng dalagang wala pala siyang magarang saplot sa katawan. Maliban na lamang sa maliliit na undies niyang tanging pribadong parte ng kanyang katawan lamang ang natatakpan.

"Kaya pala. Kaya pala ni hindi manlang ito nakakapag salita at inalipusta na ang mala dyosa kong katawan??" ani niyang pinag tagpi tagpi ang lahat na nangyari.

Mula sa kanyang paliligo sa batis. Sa kanyang pag ahon, sinalubong siya ng mga paro-paro. Sa pagtaas niya ng mukha, ay isang halimaw ang aakmang susugod sa kanya. Ang halimaw na si Kingkong! Mapagkamalan pa yata siya ni Kingkong na si ----Tsaka niya naramdaman ang matigas na brasong humapit sa kanya. Kasabay ng malakas na hangin ay tila kidlat na nasa isang maganda at malawak na garden na siya ngayon.

Nakatalikod sa isang istrangherong nakabahag. Habang siya nama'y tanging undies lamang ang suot. Nasaan na ang kanyang mga gamit? Nasaang lugar na siya naroon? Paano siya napunta dito? Paano siya makakaalis dito? Paano siya makakabalik sa bahay nila? Sa kanyang magulang? Paano na siya? Ano na ang mangyayari sa kanya?

Mga katanungang nagpapagulo sa dalaga. Nilukob na siya ng pag alala, at takot. Hanggang sa bigla siyang napahikbi. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay yakap yakap niya ang katawan.

Nakaramdam ng pag alala ang binata ng marinig ang mahinang paghikbi ng dalaga. Alam niyang natatakot ito. Dahan-dahan niya itong nilingon. Ngunit nakatalikod rin ito sa kanya.

Nang makita niya kanina ito, na masayang naliligo sa batis ay maiigi niya itong pinag aralan. At bilang isang imortal, na may angking galing sa lahat ng majika ay nalaman niyang isa itong mortal. Isang magandang mortal na may lakas ng loob na pumasok sa kanilang kaharian.

At ano itong nararamdaman niya? Bakit parang lumokso yata ang pihikan niyang puso ng makita ang ang alindog nito? Ang magandang mukha nito, na mas nahigitan pa ang ganda ng kanilang prinsesa. Ang prinsesa ng "Tirapu Royeume de'Ex", na nakatakdang ipakasal sa kanya.

Nagugulohan siya dahil biglang pag usbong ng kakaiba sa kanyang puso. Bakit siya nakaramdam ng hindi maipaliwanag sa isang mortal? Ano ang ibig sabihin nito? Nagugulohan na rin ng binata. Ng maalala ang kalagayan ng dalaga sa kanyang likuran, na wala itong suot sa katawan ay bumalik sa kanyang isip ang gamit nito.

"Edzyr?" ani ng dalaga na dahan dahang nilingon ang binata sa kanyang likuran. Ngunit ganun na lamang ang kanyang takot ng hindi ito makita. "Diyos ko! Ano bang nagyayari dito?" takot na wika niyang pinahid ng palad ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi. "Bakit nawala na ang taong iyon? Paano na ako ngayon dito?" dagdag pa niyang hindi kayang igalaw ang sariling katawan para humakbang. "Edzyr!? Edzyr, nasaan ka?" subok niyang tinawag ang pangalan ng binata. Nagbabaka-sakaling marinig siya nito at balikan. Ngunit mas lalo siyang natakot ng maramdaman ang may kalakasang hangin na dumampi sa kanyang balat.

Pilit niyang magpakatatag. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'yun. Kailangan niyang makabalik sa kanilang bahay. Sa kanyang magulang. Tiyak na nag alala na ang kanyang mama Sapphire at papa Jon. Pero paano siya makakaalis sa lugar na iyon? Nagugulohang napaluha nanaman ang dalaga. "Bahala na." ani niyang inihakbang ang mga paa. Naka tatlong hakbang pa lamang ang dalaga ng biglang..

"Ay!" hintatakutang napaurong siya ng lumitaw sa kanyang harapan ang may pinaka-gwapong mukha sa balat ng lupa. Ang kanyang taga-paglistas na hayop! Ang hayop sa gwagapohang empakto! Ay este greyiko ng mga macho na adonis sa kanyang paningin. At take note, hindi na ito naka-bahag. Dahil nakasuot na ito ng pormal na damit ng tao. Hawak nito sa kanang kamay ang kanyang back pack.

"H-huwag kang lalapit! Nahihintakutan nanamang sambit ng dalagang muling pinunasan ang luha-ang mukha ng humakbang ito palapit sa kanya. Habang siya naman ay humakbang paatras. "Huwag ka sabing lumapit!

Ngunit, imbis na makinig ito sa kanya, ay mabilis na naman siya nitong hinila, palapit sa katawan nito. Sabay silang naglahong tila bola sa mala-paraisong garden.

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon