Chapter 9

2.2K 72 1
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Chapter 9

NAPAPAGOD na sa kaka-lakad takbo ang dalaga. Kaya napahinto siya. Batak na rin ng pawis ang kanyang mukha. Tiningnan niya ang oras sa suot na orasang pambisig. Mag aalas tres na ng hapon. Muli siyang tumakbo sa lugar kung saan huling nagpakita ang fairy na si Zaira. Ng marating ang bahagi ng gubat na iyon ay huminto siya at umiikot.

"Edzyr! Edzyr!" malakas na tawag ng dalaga. "Edzyr, Nasaan ka!?" ulit niyang mas lalong nilakasan ang pagtawag sa pangalan ng binata. Pero wala pa ring Edzyr na lumitaw sa kanyang harapan. Kaya lumakad siya papunta sa kabilang bahagi ng gubat. Muli niyang tinawag ang pangalan ng binata. Pati na rin ang tatlong fairy na sina Zaira, Friah, at Violet ay tinawag niya rin. Pero wala 'ni isang may nagpakita sa kanya. Ilang beses siyang sumigaw hanggang sa mapagod. Sumasakit na rin ang lalamunan niya. Napahikbi siyang napaupo sa lupa. Nasaan na si Edzyr? Tuluyan na ba siya nitong iniwan? Pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha. Hindi! Hindi pwede Edzyr! May kalakasang sambit ng dalaga.

Napatayo siya ng maisipang puntahan ang batis kung saan sila unang nag kita ng binata. Bahala na kung makita man niya ang halimaw na sinasabi nito sa kanya o si Kingkong pa ang makaharap niya. Basta makita lang niya ang binata. Gusto niya itong mayakap. Makasama at hindi niya kayang mawalay dito. Binilisan pa niya ang pagtakbo patungo sa batis.

"Edzyyyrrrr.!!" malakas na sigaw ng dalaga ng makarating sa batis. Umaalingaw-ngaw ang kanyang malakas na boses. Nagsiliparan pa ang mga ibong nasa paligid ng kagubatan. Merong mga nag gagalawan sa madamong bahagi na hindi niya alam kung ano iyon. Siguro mga malilit na hayop na nagulat sa malakas niyang boses. "Edzzyyrrr! Nasaan kaa!?" ulit niya sa pagtawag sa binata. Ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya. O may nagpakita man lang. Nanghihinaan na ng loob ang dalaga. Nawawalan na siya ng pag asang makita muli ang binatang engkanto na kanyang minahal.

"Edzyr! Please, magpakita ka naman sakin 'uh. Nami-miss na kita Edzyr! Naririnig mo ba ako? Nami-miss na kita!" muling sigaw ng dalaga. Namumuo na rin ang luha sa kanyang mga mata sa isiping tuluyan na siya nitong iniwan. Pero ayaw niyang mawalan ng pag asa kaya patuloy niya itong tinawag sa pangalan nito. Paikot ikot siya sa batis, habang umiiyak. Ngunit walang Edzyr na nagpakita sa dalaga.

"Edzyr... mahal kita Edzyr.." umiiyak na sambit niyang unti-unting napaluhod sa damohan. Puno ng luha ang kanyang mukha. Namamaga na rin yata ang kanyang mata dahil sa kanina pa siyang umiiyak. Nagbabadya na ang pag-kalat ng dilim hudyat na papagabi na. Pero heto pa rin ang dalagang patuloy sa pag iyak habang nakaluhod sa damohan.

Malalakas na yabag ang nagpatahan sa pagtatangis ng dalaga. Napataas siya ng tingin at minamatyagan kung saan nanggaling ang mga yabag na 'yun. Napadaku ang kanyang paningin sa bahaging may matataas na damo. Sa likod niyon ay may nagtataasang punong-kahoy. Hindi niya makikita ang ano man ang naroon sa bahaging iyon. Dahil kalat na ang dilim sa paligid. Nanatili siyang nakaluhod sa damohan. Bahala ng mamatay siya sa loob ng gubat. Dahil para sa kanya ay wala ng saysay ang kanyang buhay. Wala ng saysay ang buhay pag ibig niya dahil wala na ang taong pinakaka mahal niya.

"Nandito siya sa paligid! Hanapin ang taong mortal!"

Biglang nanigas ang katawan ng dalaga. Agad na rumihistro sa kanyang utak ang narinig na boses. Iyon ang boses ng kawal na hinabol sila ni Zaira. Napatingin muli siya sa matataas na damo kung saan niya narinig ang boses na yun. Hanggang sa nakita niyang gumagalaw ang nagtataasang damo. At naririnig din niya ang mga nababali na tuyong sanga ng kahoy. Napapikit siya ng mariin.

"Bahala na! Bahala!" paulit ulit niyang sambit habang papalapit ng papalapit ang mga yabag sa kanya.

"Ayun siya! Huliin siya mga kawal!" sigaw ng isa na agad namang nagsi-suguran ang lahat.

Mas lalong idiniin ng dalaga ang pagkapikit sa kanyang mga mata. Hinintay niya ang matigas at matalim na bagay na dadapo sa kanya buhat sa mga kawal.

"Paalam Edzyr..." mahinang sambit ng dalaga ng maramdaman ang dalawang pares ng matigas na kamay sa kanyang braso. Mabilis siya nitong itinayo at inilapit sa katawan nito. Bago pa man nakalapit ang mga kawal, mabilis silang naglaho sa batis.

"Edzyr!" bulalas ng dalaga ng makilala ang may ari ng matigas na kamay na humila sa kanya. Napaluha siyang yumakap dito ng mahigpit. Na tila ba natatakot siyang mawala ito muli.

Gumanti naman ng yakap ang binata. Ikinulong niya sa mga braso nito ang malambot na katawan ng dalaga. "Bakit ka bumalik dito Janey? Diba sinabi ko ng huwag kang babalik sa gubat?" maya-maya ay wika nito.

"Gusto kitang makita Edzyr. Ilang araw kang hindi nagpakita sakin. Ano ba ang nangyari? Iniiwasan mo na ba ako?" umaagos ang luhang tanong niya dito.

"Hindi ako nawawala Janey. Hindi ako, nawawala sayo. Nasa paligid mo lang ako."

"Pero bakit hindi ka nagpapakita? Bakit hindi mo ako nilalapitan?"

"Dahil hindi pwede."

"Edzyr, b-bakit?" nagugulohang tanong niya sa binata.

"Dahil sinusundan ako ng mga kawal ng Tirapu Royeume de'Ex, Janey. At oras na nagpakita ako sayo, ay malalaman nila kung nasaan ka. Tsaka masusundan ka nila Janey. At iyon ang ayaw kong mangyari. Ayokong may masamang mangyari sayo, at sa pamilya mo. Pero sa ginawa mo ngayon, maari ka nilang masundan hanggang sa inyong mundo Janey. Nanganganib ang buhay mo dahil bumalik ka dito." mahabang paliwanag ng binata na ikinatigagal ng dalaga.

"Edzyr.." hindi makapaniwalang sambit ng dalaga.

"Isang lugar lang ang alam kong ligtas ka Janey.. Na hindi madamay ang pamilya mo.."

"S-saan?"

"Sa Tempore Regis Edzyr."

"Pero, galit ang iyong ama Edzyr.." nag alalang sambit niya sa binata.

"Alam ko. Pero wala na tayong magagawa Janey.." mahinang sambit nito. "Kailangan nating harapin ang galit ni mahal na ama. Para mailigtas ang pamilya mo sa inyong mundo.."

Pinunasan ng dalaga ang luhaang mukha na napayakap sa binata. Ilang sandali lang ay napagkasunduan din nilang harapin ang mahal na hari ng Tempore Regis Edzyr.

Pagkarating ng dalawa sa bungad ng malaking kaharian ng magulang ng engkantong binata ay agad silang sinalubong ng kaibigan ng binatang engkanto na tatlong fairy. Sina Violet, Friah at Zaira na lumilipad sa hangin. Nang makababa sa lupa ay agad na sinabi ni Violet na nasa loob ng kaharian ang mga kawal ng Tirapu Royeume de'Ex. Kasama ng mga ito ang mahal na haring si Ex de Calibre ng naturang kaharian.

"Si Janey ang sadya nila mahal na prinsipe." si Friah na bakas sa mukha ang nararamdamang kaba.

"At huhulihin daw nila ang taong mortal na pumasok sa mundo nating mga imortal." si Violet muli na napatingin kay Janey. "Ipapatay ka ni Haring Ex de Calibre, Janey."

"Hindi mangyayari 'yun." agaw ng binatang engkanto na si Edzyr.

"Pero mahal na prinsipe, ang iyong ama ay pumirma na ng kasunduan sa pagitan ng dalawang kaharian. Ikakasal ka kay prinsesang Donie kaya dapat daw alisin sa mundo natin ang taong mortal ayun kay haring Ex de Calibre." wika naman ni Zaira.

"Nandito na ang taong mortaall.!!"

Sabay silang napalingon na lima sa isang kawal na sumigaw sa kanilang likuran.

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon