Chapter 10

2.3K 73 1
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Chapter 10

MABILIS na itinago ni Edzyr si Janey sa kanyang likuran. Habang ang tatlong dalagang fairy ay natakot na tumabi at hinayaang ang mahal na prinsipe ang humarap sa mga kawal.

Zaira, iligtas niyo si Janey. Ibalik niyo siya sa kanilang mundo. Ngayon din bago pa kayo masundan ng mga kawal!" mabilis na utos ng binata sa tatlong fairy.

"Masusunod mahal na prinsipe." sabay sabay namang sagot ng mga ito na nilapitan ang dalaga.

"Edzyr,," nag alinlangang kapit ni Janey sa braso ng binata.

"Sumama kana muna sa kanila Janey."

"Pero, paano ka?"

"Susunod ako, pangako. Sige na umalis na kayo!" muling tulak ni Edzyr sa kanila.

Nagsilapitan na rin ang mas marami pang kawal. "Ayun, ang mortal! Hulihin natin siya at patayin!" sigaw ng mga kawal na sumugod sa kanilang kinatatayuan.

"Umalis na kayo!" muling sigaw ni Edzyr kina Zaira na agad namang tumalima.

"Edzyrrr!!!!" umiiyak na sigaw ni Janey habang mahigpit siyang hinahawakan ng tatlong magkakaibigang fairy.

"Sundan silang apat!" narinig nilang sigaw ng haring si Ex de Calibre.

"Huwag! Huwag mo siyang pakialaman!" sigaw din ni Edzyr. Tumakbo ang binata papalapit kina Zaira ng bigla siyang hinablot ng mga kawal at hinawakan sa braso. Nagpupumiglas ang binata para makawala. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanyang katawan. Nakita niyang sinundan nga ng iba pang mga kawal ang daang tinahak nina Janey kaya nabahala ang binata. Sinuntok niya ang kawal na pumipigil sa kanya habang sumisigaw.

"Huwag niyong pakialaman si Janey! Maawa kayo, huwag niyo siyang pakialamaannn!!!" malakas na sigaw niya sa mga kawal na sumusunod kina Janey. Ngunit tila walang narinig ang mga ito na patuloy lamang sa pag habol.

"Huwaaagggg.!!!"

"Edzyr!!" malakas na balik sigaw ni Janey ng marinig ang malakas na pagsigaw ng binatang engkanto.

"Hawakan niyo si Janey," utos ni Zaira na agad namang sinunod nina Violet at Friah. Tumigil sila sa pagtatakbo. Humarap si Zaira sa mga kawal at itinuon sa mga ito ang hawak na magic wand.

"Abra kadabra!" malakas na sigaw ni Zaira sabay laho sa kanilang kinatatayuan.

Lumitaw silang apat sa harap ng bahay nina Janey. Madilim na ang paligid at tanging ilaw na nanggaling sa bahay ng dalaga ang nagsisilbing liwanag.

"Janey, pumasok ka sa loob ng inyong bahay!" agad na utos ni Zaira sa dalaga. Mabilis namang sumunod ang dalaga. "Violet, doon ka magbantay sa kabila, sa likod ka naman Friah" utos din nito sa dalawang kaibigan.

"Janey! Anak, saan kaba nanggaling?" umiiyak na salubong ng mama ng dalaga na si Sapphire.

"Mama.."

"S-sino sila?!" gulat na tanong ng kanyang papa ng makita ang tatlong dalagang nakadamit ng kakarampot na tela lamang.

"Papa, mga kaibigan ko sila.." sagot ni Janey na nilapitan ang papa Jon nito.

"Mga fairy sila sa kahariang Tempore Regis Edzyr" napabaling silang mag anak kay Marife na nakatanaw sa tatlong dalagang nasa labas ng bahay.

"Kaharian?" nagugulohang tanong ni Jon.

"Oo, mahinang sambit nito tsaka lumabas ng bahay. "Zaira?" tawag nito sa dalagang fairy.

Napalingon sina Zaira, Friah at Violet sa babaeng lumapit sa kanila. Nagtataka si Zaira kung paano siya nito nakilala. Hanggang sa lumiwanag ang mukha nito ng makilala ang kaharap na babae.

"Marife? Ikaw ba 'yan?"

"Zaira, ako nga." patakbong lumapit si Marife kay Zaira at yumakap dito. Napabalik naman sina Violet at Friah palapit kay Zaira ng ngayon ay mahigpit ng kayakap si Marife.

"Violet, Friah, kamusta na kayo?" baling nito sa dalawa.

"MariFe? Buhay ka?" sabay na bigkas naman nina Friah at Violet na niyakap din si MariFe.

"Magkakilala kayo?" si Janey na nasa kanila ng likuran. Kasunod nito ang magulang na sina Sapphire at Jon.

"Janey, siya si Marife. Isa din siyang fairy noon na isinumpa ni haring Ex de Calibre dahil umibig siya sa isang mortal na katulad mo." paliwanag ni Zaira.

Bigla namang hinimatay ang mama ng dalaga na si Sapphire dahil sa natuklasan. Agad naman itong dinaluhan ng asawang si Jon at pinangko papasok sa bahay.

"Zaira, nasundan kayo ng mga kawal ni haring Ex." si Marife ng biglang matigilan na nakatanaw sa kagubatan,

"M-may kapangyarihan ka pa rin ba Marife?" si Violet.

"Wala. Pero nararamdaman ko pa rin ang enerhiya ng mga katulad natin Violet. Lalong lalo na ang masasamang enerhiyang nasa katawan ni Haring Ex." sagot nito. "Kailangan nating maghanda ng panlaban para hindi sila makapasok sa bakurang ito."

"Anong ibig mong sabihin?" si Janey na nasa tabi na nila.

"Pumasok tayong lahat sa bahay. Gumawa tayo ng panlaban para hindi makapasok sa inyong bakuran ang mga kawal ni Ex de Calibre, Janey. Dahil nanganganib ang buhay mo, pati na ng iyong magulang."

"Diyos ko po!" napahawak sa dibdib na sambit ni Janey.

"Tara na! Huwag na tayong mag aksaya ng oras! Malapit na sila!" muling sambit ni Marife.

Mabilis na kumilos ang lahat. Inihanda ang lahat ng mga bagay na hiningi ni Marife. Pinag halo-halo nito lahat sa isang palanggana.

"Asin! Kailangan ko ng maraming asin." lingon nito kay Janey na hindi magkakaundatal sa ginagawa. Agad nitong inabot ang bayong ng asin.

Hindi maintindihan ng dalaga kung ano ang pinanghalo-halo ni Marife sa palanggana. Nawawala na yata siya sa kanyang sarili dahil sa kabang nararamdaman.

"Jon," tawag nito sa ama ng dalaga na agad namang lumapit. "Magsindi ka ng goma. Kailangang tatlong goma ang nakasindi na nakapaligid sa bahay." utos nito.

Lumabas naman si Jon at tinungo ang maliit na bodiga. Kinuha nito ang sirang gulong ng bisikleta na nakita nito noong isang araw sa bodiga. Agad niya iyong sinindihan hanggang sa kumagat ang apoy. Inilagay niya iyon, ayun sa utos ni Marife.

Ilang sandali pa ay lumabas ng bahay sina Janey, Zaira, Friah at Marife. Pinagtutulongan ng mga ito ang palangganang may lamang ng kung ano-anong pinag halo ni Marife.

"Bilisan natin! Nandiyan na sila!" wika nitong binilisan pa ang kilos. Binudbod nila paikot sa bahay ang pinaghalo-halong panlaban ni Marife para sa mga kawal.

Tapos na sa likuran," si Zaira kasunod si Friah.

"Tapos na rin sa gilid." si Janey, na pinunasan ang pawis.

"Sa harap nalang, bilisan natin." si Marife.

Mabilis na kumuha si Janey ng pambudbod para sa harap. Naagaw ang kanyang pansin ng sumigaw si Marife.

"Bakit?"

"Pumasok ka na Janey! Andito na sila!" si Marife na ipinagpatuloy ang paglalagay ng pinaghalo nitong panlaban. Patakbo namang pumasok si Janey sa bahay. Pinagtulungan nila ng kanyang amang si Jon ang pagsara ng mga pinto at bintana. Habang ang mama niyang si Sapphire ay wala pa ring malay.

Ilang sandali pa ay pahangos na tumakbo palabas si Violet. Pahagis nitong ibinigay ang magic wand ni Zaira at Friah. Habang si Marife ay pilit na tinatapos ang ginagawa.

"Sugorin sila!!"

Malakas na boses ang nagpa-panic sa kanilang lahat. Sabay nito ay paglitaw ng mga kawal sa paligid. Mga kawal na ang papangit ng mukha. Handang handa sa patayang labanan na may hawak na mattalim na espada. Ang iba ay tila may mga pangil pang hindi maintindihan ang mukha. Kung mga engkanto ba talaga ang mga ito o mga empaktong isinumpa. Mabilis ng mga ito sinugod si Marife na patapos na sa paglagay ng mga binubodbod nito sa lupa. At isang lagay na lamang sana iyon at matatapos na siya. Pero hindi siya nagtagumpay ng malakas siyang itulak ng isang kawal na lumitaw sa likod nito.

"Marifeee!!!" malakas na sigaw ni Zaira sabay tuon ng hawak na magic wand sa isang kawal na tumulak sa kaibigan.

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon