Chapter 8

2.3K 75 4
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Chapter 8

BIGLANG lumitaw sina Janey sa kagubatang nasa harap ng rest house na kanilang tinutuluyan. Kasama ang binatang engkanto na si Edzyr. Binitiwan siya nito mula sa pagkakayakap. Humakbang paatras at tiningnan sa mukha ang dalaga.

"Huwag kana munang bumalik sa gubat Janey."

"Pero bakit?" nagugulohang tanong niya na humakbang palapit sa binata.

"Dahil nanganganib ang buhay mo."

"Pero--"

"Makinig ka Janey. Nanganganib ang buhay mo pag bumalik ka sa kagubatan. Dahil pag nahuli ka ng mga kawal ng kahariang Tirapu Royeume de'Ex, ay ipapatay ka nila."

"Edzyr, paano tayo? Paano ang pag-iibigan natin?"

Natahimik ang binatang hindi masagot ang tanong mg dalaga. Matiim lang nitong tiningnan ang nababahalang si Janey.

"Edzyr.. H-hindi na ba tayo magkikita? Lalayo kana ba sa'kin? Iiwanan mo na ba ako Edzyr?" napaiyak ng wika ng dalaga na yumakap dito.

"Babalik ako Janey.. Pero sa ngayon, hayaan mo munang ayusin namin ang gulo sa pagitan ng dalawang kaharian."

"Paano kung hindi kana babalik Edzyr? Paano kung tuluyan kang ipakasal sa prinsesang ipinagkakasundo sayo? Paano na tayo? Paano na ako Edzyr?" humahagulgol ng wika niya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa binata.

"Basta, babalik ako Janey. Hintayin mong ako ang pupunta sa'yo. At huwag na huwag kanang bumalik sa gubat, mangako ka Janey." sambit ng binatang hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

Napayuko ang dalagan at mahinang sumagot. "Basta mangako ka rin Edzyr, na babalikan mo ako.."

Hindi sumagot ang binata. Bagkos ay binitawan siya nito at tumalikod sa kanya.

"Edzyr? Mahirap bang mangako na babalikan mo ako dito?" pahikbing tanong ng dalaga na hinayaan ang masaganang luha na dumaloy sa kanyang magandang mukha. Narinig niyang malalim na humugot ng hininga ang binata.

"Sisikapin kong makabalik Janey.."

"Huwag Edzyr! Huwag mong sikapin, kundi gawin mo!" malakas ang boses na sambit ng dalaga. "Dahil maghihintay ako sayo Edzyr. Hihintayin kita hanggang sa balikan mo ako."

"Janey.." napaharap na sambit ng binatang engkanto. "Tandaan mo, mahal na mahal kita. Ano man ang mangyari ay ikaw lang mamahalin ko. At ikaw lang ang nag iisa dito sa puso ko." madamdaming wika ng binata na itinuro pa ang puso nito. Lumuluhang yumakap si Janey ng mahigpit dito. Gumanti rin ang binata sa kanya ng yakap. Ng ilayo nito ang sarili mula sa pagkakayakap, ay masuyo niyang hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ng dalaga. Unti-unti nito inilapit ang mukha, sa mukha ng dalaga. Hanggang sa tuluyang dumampi ang labi nito sa mapupulang labi ng dalaga.

Hindi napigilan ni Janey na pumatak ang kanyang luha habang naka-dungaw sa bintanang paharap sa gubat. Isang linggo nang hindi nagpapakita ang binatang engkanto na si Edzyr sa kanya. At bawat araw na dumaan ay parang namamatay ang puso niya pag hindi ito nakikita. Kaya araw at gabi ay lihim siyang umiiyak sa bintana na nakatanaw sa gubat. Kung saan siya palaging hinahatid ng binata.

"Edzyr..." pabulong na sambit niya, habang malayang pumapatak ang kanyang luha. "Na mi-miss na kita Edzyr.. Bakit hindi ka pa rin nagpapakita sa akin? Hindi mo ba ako na mi-miss?" kausap niya sa sariling pinahid ang luha. "Edzyr, please magpakita ka naman sakin. Kahit sandali lang. Kahit mayakap lang kita, ng ilang segundo. Please.. Magpakita ka sakin.." napahikbi ng wika ng dalaga. Hindi na yata siya mabubuhay kung hindi makikita at mayakap ang binatang tinitibok ng kanyang puso.

Biglang napapunas ng kamay ang dalaga sa kanyang mukha ng marinig ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Ang kanyang mama na tila nag alala ang boses na tinatawag siya. Lumapit siya sa pinto at agad na binuksan iyon..

"Anak, mag empake ka. Kailangan na nating umalis dito bukas na bukas din." saad nitong pumasok na sa kanyang kwarto.

"Bakit mama?" nagtatakang napasunod siya sa kanyang ina.

"May bisita tayo ngayon. Nasa salas siya at pinapaalis tayo dito. Anak, nanganganib ang buhay natin sa lugar na ito." natatakot na hinawakan siya ng kanyang inang si Sapphire. "Halika sa salas anak. Para malaman mo ang ibig kong sabihin." dagdag pa nitong hinila siya patayo at lumabas ng kwarto ng dalaga.

Nadatnan nila ang babaeng kausap ng kanyang papa Jon. Seryoso ang pag uusap ng mga ito. Ng tumingin sa kanya ang babae ay bigla itong napatayo at napaatras na tila may kinakaka-takotan.

"Bakit Marife?" napatayo ding tanong ni Mang Jon na nagtaka sa ikinilos ng kanilang bisita. Napalingon ito sa kanila ng kanyang ina na papalapit sa sala. "Siya ang anak ko Marife. Siya si Janey."

"Umalis na kayo dito, bago pa mahuli ang lahat." muling wika ng babaeng nangangalang Marife. Isa daw itong normal na tao na katulad nila. Pero may angking galing daw umano ukol sa mga imortal na nilalang sa kanilang mundo.

"Pero bakit? Paano mo nalamang nanganganib ang buhay naming mag-anak MariFe?" ang papa Jon niya na nagugulohan na sa pinagsasabi ng kanilang bisita.

"Dahil may mangyayaring masama sa inyo dito pag hindi pa kayo umalis sa lugar na ito. At ikaw!" turo nito kay Janey na nabigla.

Biglang nakaramdam ng kaba ang dalaga ng ituro siya ng kanilang bisita. Tila alam nito ang mga nangyayaring siya lang ang nakaka-alam.

"Pag hindi kapa umiwas sa mga taong imortal ay may malagim na mangyayari na iyong pagsisihan!"

"Ano?" sabay na tanong ng kanyang magulang.

Biglang nanayuan ang mga balahibo ng dalaga. Nangingilabot siya sa paraan ng pagtitig ng kanilang bisita sa kanila.

"Janey?! Ano ang ibig niyang sabihin?" tanong ng kanyang ama na lumapit sa dalaga. Ang kanyang ina naman ay nangingilabot at nagsisi-tayuan na rin yata ang mga balahibo nito sa katawan. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkabahala sa anomang maaring mangyari sa kanilang pamilya.

"Papa, mama.." napailing na sambit ng dalaga. Biglang tumulo ang kanyang luha sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

"Baka pwedeng umalis na tayo ngayon din, Jon." wika ng kanyang mama na takot na takot ang himig ng boses.

"Hindi kayo pwedeng umalis ngayon." agaw ni Marife. "Dahil maaabutan kayo ng gabi sa daan. Mas mainam ng bukas na kayo ng umaga umalis dito."

Sumang-ayon ang kaniyang magulang sa sinabi ng kanilang bisita. Kinausap din siya ng kanyang magulang kung ano ang mga nangyayaring kinasasangkutan ng dalaga. At ganun na lamang ang takot ng kanyang magulang ng ikwento niya dito ang lahat. Pati ang nararamdaman niya sa engkantong si Edzyr. Dahil sa natuklasan ng kaniyang magulang ay buo na ang mga itong nag desisyon na lubosan ng lisanin ang lugar na iyon.

Labag sa loob ng dalaga ang lisanin ang lugar kung saan niya nakilala ang binatang si Edzyr. Kaya habang nag uusap ang kanyang magulang at ang bisita nilang si Marife ay nagpaalam siyang umakyat sa kwarto. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay lumiko siya sa kusina. Kung saan ay merong pintuan palabas ng bahay. Agad siyang tumakbo papunta sa gubat. Mabilis siyang yumuko at pumasok sa barbwire. Hindi niya alintana ng masabit ang kanyang damit sa harang na barbwire at bahagyang nasugat ang kanyang balat. Ng tuluyan ng makapasok ay lakad takbo siyang pumasok sa kaloob looban ng kagubatan.

Huwag po kaung mahiyang mag comment :)

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon