Chapter 12

2.3K 76 0
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Chapter 12

NAKAKASILAW na liwanag ang sumalubong sa dalaga ng imulat niya ang mga mata. Muli siyang napapikit dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mata. Maya-maya pa ay muli siyang dumilat. Nilagay niya ang kanyang kanang braso malapit sa kanyang mata para hindi masilaw. Tsaka niya narealize na nasa isang kwarto siyang napipinturahan ng kulay puti. Nagtatakang inikot niya ang paningin. Nakita niya ang maliit na lamesita sa gilid ng hinihigaan niyang kama. May mahabang bangko din sa kabila na may nakapatong na malambot na sapin. Tsaka niya napansin ang dextrose na nakasabit sa kanyang paanan.

"Nasa ospital ako?" tanong niya sa sarili ng biglang bumukas ang pintuan.

"Janey!" ang tiyahin niyang si Shandy. Kasama ang tiyuhin niyang si Ram. Kasunod ng mga itong pumasok ang kanyang mga pinsan na sina

Sarah, Angel, Kai at Kelsie na nag alala ang mga mukha.

"Tita, Shandy.." mahinang sambit ng dalaga. Nilapitan siya ng mga ito at niyakap. Hinalikan din siya ng kanyang mga pinsan sa pisngi.

"Kamusta kana hija?" tanong ng tito Ram niyang hinagod siya sa buhok.

"Medyo okay na po ako, tito." ani niya dito. "Ano po ba ang nangyari?"

Nagkatinginan ang kanyang tiyuhin at tiyahin.

"Janey, namasak--"

Hindi natuloy na sagot ni Sarah ng sikohin siya ng kapatid nitong si Angel.

"Tita Shandy, bakit po?" nagugulohang tanong ng dalaga. "Sina mama at papa nasaan?"

"Janey.."mahinang sambit ng kanyang tita Shandy. "Huwag ka sanang mabibigla.."

"B-bakit tita? Anong nangyari? Bakit ako nandito sa ospital?"

"Janey, hija.." nahihirapang sambit ng tita Shandy ng dalaga. "P-patay na ang magulang mo, hija."

"Po?!" gulat na sambit ni Janey. "Hindi po totoo 'yun tita. Nagsisinungaling lang po kayo. Hindi totoong patay na si mama at papa. Hindi! Hindi!!" nag he-hestirikal na wika ng dalaga.

Napilitan namang tumawag ng doktor ang kaniyang tito Ram. Agad siya tinurokan ng nurse ng pampakalmang gamot. Hanggang sa unti-unting nanghina ang dalaga at tuluyan ng hinila ng antok.

DALAWANG linggo ng nakaraan matapos ang insidenteng nangyari sa pamilya ni Janey. Ulilang lubos na ang siya na naiwan sa pangangalaga ng tiyahin niyang si Shandy. Nakauwi na rin sila sa Maynila kasama ang labi ng kanyang mga magulang. At isang linggo na rin ang nakaraan ng mailibing ang kanyang magulang.

Hanggang ngayon ay nagugulohan pa rin siya sa nangyari sa kanilang mag anak. Ayun sa tita Shandy niya ay namasaker daw umano sila ng taong halang ang ligaw ng bituka. At iyon din ang lumabas sa imbestigasyon. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang may pakana ng lahat? Ang tanong na-umuukilkil sa utak ng dalaga.

Napabuntong hininga siyang umupo sa kanyang kama. Dahan dahan siyang nahiga at ipinahinga ang pagal na katawan. Napahaplos ang kanyang kamay sa kanyang hita kung saan ay sinaksak daw umano siya ng suspek sa pagmasaker sa kanyang pamilya.

"Mama.." nag-iinit ang kanyang mata ng maalala ang magulang. Hindi niya napigilang dumaloy ang kanyang mga luha. Hanggang sa napahikbi siya. Hikbing nauwi sa paghagolgol. Hinayaan niya ang sariling umiyak ng umiyak. Hanggang sa mapagod at nakatulog ng may luha sa mata.

"Edzyyrrr!!!!"

Napabalikwas ng bangon ang dalaga. Sapo niya ang sariling dibdib dahil sa bilis ng tibok nito. Namamasa na rin ang kanyang noo dahil sa pawis. Kinapa niya ang sarili at inikot ang paningin. Tsaka siya nakahinga ng maluwag ng masigurong nasa loob siya ng kanyang kwarto. Pilit niyang inalala ang kanyang panaginip.

"Edzyr..?" mahinang sambit niya sa pangalang kanyang isinisigaw sa kanyang panaginip. Meron siyang naaalala pero malabo sa kanya. "Edzyr.." ulit na sambit niya. Bahagya pa niyang hinilot ang kanyang batok na tila doon kinukuha ang sagot sa kanyang panaginip.

Mariin siyang napapikit at pilit binalikan ang kanyang mga nakikita sa panaginip. Maya-maya pa ay may lumitaw na imahe sa kanyang utak. Siya. Habang mabilis na tumatakbo. May kasama siyang tatlong babae. Tatlong babae na nakadamit ng maiiksing damit. May narinig siyang boses. Boses ng lalaki na isinisigaw ang kanyang pangalan. Unti unting lumilinaw ang lahat sa dalaga. Nang mamukhaan ang tatlong babaeng kasama niya.. Napabalikwas siya ng bangon habang pinagpawisan ng malapot. Mabilis din ang tahip ng kanyang dibdib..

"Zaira.." mahinang sambit ng dalaga. "Friah.. At Violet.." muling sambit niya. Sunod-sunod ng bumalik sa kanyang alala ang lahat. "Si Edzyr.. Kailangan kung bumalik sa lugar na iyon. Kailangan kong balikan si Edzyr.." tumutulo ang luhang sambit niya sa sarili.

Bumaba siya sa kanyang kama at tinungo ang aparador. Kumuha siya ng kanyang damit at inilagay sa maliit na travelling bag. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang kama ng maramdaman ang pananakit ng kanyang hita. Mahina siyang napaungol at napa-upo. Ilang sandali lang ay nawala rin ang kirot ng kanyang hita. Muli siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Wala ang kaniyang tiyahen kaya nag iwan na lamang siya ng sulat para dito. Sumakay siya sa dumaang taxi ng makalabas ng bahay. Nagpahatid siya sa terminal para balikan ang lugar kung saan niya nakilala si Edzyr. At kung saan namatay ang kanyang magulang.

Mag-aalas tres na ng hapon ng dumating si Janey sa dating bahay-bakasyunan. Kung saan ay kanilang tinutuloyang mag anak dalawang linggo lang ang nakalipas. Malalim na napabuntong hininga ang dalaga ng makapasok sa bahay. Inilapag niya ang dalang travelling bag at pinag-masdan ang paligid. Wala na ang bakas ng gulong nangyari sa loob ng bahay. Wala ring bakas ng dugo ng kanyang magulang. Malinis na rin ang paligid. Hindi tulad noong nangyari ang kagulohan na nagkalat sa kanilang bakuran ang pambudbod na hinalo-halo ni Marife.

Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mata sabay tulo ng kanyang mga luha. Ng dahil sa kanya ay nasawi ang kaniyang magulang. Pinunasan niya ang luha at umakyat sa taas kung nasaan ang kanyang kwarto. Pagpasok niya sakanyang kwarto ay agad niyang binuksan ang bintana. Dumungaw siya doon at nakatingin sa kaharap na gubat. Nakaramdam siya ng pangungulila dahil sa nag iisa na lamang siya ngayon.

"Edzyr..." paanas na bulong niya. Ilang sandali pa ay umalis siya sa kinatatayuan. Mabilis niyang isinara muli ang bintana at ang pintuan. Pupunta siya sa gubat. Kailangan niya makita ang binatang engkanto. Wala na siyang dahilan para hindi ipaglaban ang pagmamahal niya dito. Nawala na rin lang naman kanyang magulang dahil sa bawal na pag ibig na kanyang nararamdaman sa binatang prinsipe ng mga engkanto.

Tinungo niya ang barbwire kung saan nagsisilbing harang sa lahat ng magtatangkang pumasok sa gubat. Ng tuluyang makapasok ay lumakad siya sa loob ng kagubatan. Tinawag niya si Edzyr ng makarating sa batis. Wala man siyang kadala-dala kung tawagin pero wala na siyang pakialam. Mas gugustohin pa niyang mamatay na ipinaglaban ang kanyang pag ibig kesa naman sa talikuran na lamang niya iyon.

"Edzyrrr!! Naririnig mo ba ako?!" malakas na sigaw niya sa tabi ng batis. "EdZyr! Magpakita ka sakin! Mahal kita, Edzyr!! Mahal na mahal kita!!" muli niyang sigaw na humakbang pa paikot sa batis.

Nakakailang tawag na ang dalaga ng walang marinig na ingay. Kaya naisipan din niyang puntahan ang kabilang bahagi ng gubat. Kung saan sila nagkita ni Zaira noon. pagdating doon ay muli niyang tinawag ang pangalan ng binata. Ilang beses siyang sumigaw ng sumigaw hanggang sa manakit ang kanyang lalamuna. Nakaramdam nanaman siya ng paninibugho ng walang may nagpakita sa kanya. Bakit ba ang tahimik ng paligid? Bakit wala man siyang may nakasalubong na mga hayop. O kahit na ang mababangis na halimaw na nakakasalubong niya noon ay naging mailap fin sa kanya. Ano ba ang nangyayari sa kagubatang iyon? Nagugulohan ang dalagang napasandal sa malaking puno. Sinubukan niya muling tinawag ang binata. Pati sina Zaira, Friah at Violet ay tunawag niya rin. Pero walang may sumasagot sa kanya. Nawawalan na siya ng pag asang makita muli ang binata. Padausdos siyang napaupo sa naka-usling malaking ugat ng puno. Namumuo na rin ang butil ng kanyang luha sa mata ng makaranig ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.

"Janey!?"

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon