Chapter 4

3.1K 77 3
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Chapter 4

MAAGANG nagising si Janey. Suot niya ang maiksing black walking short na may kapares na puting t-shirt. Naka suot din siya ng havaianas na tsinilas bilang sapin sa paa. May dala nanaman siyang back-pack na may lamang ektrang damit at mga sitsirya. Lumabas na siya sa kanyang kwarto para tumungo sa hapag-kainan. Napag desisyunan niyang bumalik sa gubat. Gusto niya muling makita ang binatang nagligtas sa kanya. Ewan ng niya, pero hindi siya nakatulog kagabi. Katunayan ay halos isang oras lang ang tulog niya. Pero maya-maya ay napamulat naman siya ng mata. Dahil naglalaro sa kanyang balintataw ang gwapong imahe ng binatang engkanto. Napangiti siyang naupo sa hapag-kainan ng lapitan ng kanyang mama.

"Saan ka nanaman pupunta Janey?"

"Ha? Ahm.. Mamasyal lang po ako ma."

"Anak, pwede bang dito ka nalang manatili sa bahay? Baka mawala ka pa niyan? Hindi mo kabisado ang lugar na ito. At nag alala ako sayo.." ang kanyang mama na bakas sa mukha ang pag-alala.

"Ma, malaki na po ako. Tsaka, bumalik naman ako kahapon diba? Huwag na po kayo mag alala sa'kin ma. Kaya ko na ang sarili. Tsaka diyan lang naman ako pupunta sa gubat.." sagot niyang nagsalin ng mainit na gatas sa kanyang baso.

"Pero anak--"

"Ma," putol ng dalaga sa ina. "Relax.. I know what I'm doing. Mamasyal lang naman ako diyan sa kabila. Babalik naman ako agad.."

Napabuntong hininga na lamang ang inang tinitigan siya. "Mag ingat ka Janey. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawala ka.." seryosong wika nito na hindi pa rin maitago ang pag alala.

"Yes ma. I will. Huwag na po kayo mag drama. Hindi po bagay sa inyo." natatawang biro niya sa ina. "Si papa pala ma, nasaan?"

"Ayun, may binalikan lang sa bayan. Babalik din daw agad." nakatalikod ng sagot ng ina na tumungo sa kusina.

Binilisan na lamang ni Janey ang pag-kain. Agad siyang nag-toothbrush at nagpaalam na sa inang aalis na siya.

Kakapasok lang ng dalaga sa barbwire, at nagpalinga linga siyang nakiramdam sa paligid. Maya-maya ay humakbang na rin siya, papunta sa kaloob-looban ng gubat. Lumiko siya sa kaliwa, paiwas sa direksyon ng batis kung saan may marami pa daw na halimaw ayun sa binatang engkanto na nagligtas sa kanya.

"Saan ko kaya makikita ang lalaking 'yun?" naisatinig ng dalaga habang naglalakad. Kanina pa siya paikot-ikot sa gubat, ngunit parang wala siyang nakikitang mga bahay. "May bahay ba talaga ang mga engkanto dito?" muling tanong niya sa sarili.

Naglakad pa siya sa dakung unahan ng may makitang nagsisilaparang mga ibon. Nakaramdam siya ng takot ng maalala ang mukha ng malaking halimaw kahapon na gusto siyang dakpain. "B-baka, nandun si Kingkong.." kinakabahang sambit niya sa sarili. Lalo na ng makitang papunta palapit sa kanyan ang mga ibong nagsisiliparan. Dahil sa kabang naramdaman ay agad na tumalikod ang dalaga at mabilis na tumakbo paalis sa lugar na iyon.

"Dyos ko po! Ano itong naririnig ko?" natatakot na bulong niya sa sarili habang ang lakas ng tambol ng kanyang puso. Dinig na dinig niya ang malalakas at papalapit na mga yabag. Tila yabag ng isang heganting tumatakbo. Dahil bawat yabag niyo ay tila lindol na gumagalaw ang lupang kanyang tinatakbuhan. Mabilis pa siyang tumakbo. Inubos na niya ang lahat ng pwersa sa pagtakbo para hindi siya maabutan ng kung ano mang halimaw na tumatakbo pasunod sa kaniya. "Baka si kingkong nanaman yun. Huwag naman sana!"

Pabilis ng pabilis ang takbo ng dalaga. Hindi na niya alintana kung nagkakanda sugat man ang kanyang braso dahil sa paghampas ng mga sangang kanyang nadadaraanan. Ang gusto lang niya ay makatakas at makaiwas sa anumang halimaw na nasa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang lingunin para tingnan ito dahil sa sobrang kaba. Ngunit sa kanyang pagmamadali ay hindi niya napansin ang nakausling bato. Dahilan ng kanyang pagkatumba sa damuhan. Agad siyang tumayo at nagtago sa isang malaking puno.

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon