Finale

4.2K 83 14
                                    

Forbidden Love

By: CatchMe

Finale

HINDI makapaniwala ang lahat sa nasaksihan. Dahil ang espadang papatay sa taong mortal na si Janey at sa imortal na prinsipe ng mga engkantong si Edzyr, ay sa katawan ng prinsesang si Donnie tumama. Lahat ay napanganga, nakaramdam ng takot, pagkabahala, at pagkalito. Kung ang kanina ay puno ng iyakan ngayon ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa panlalaki ng mga mata ng mga ito at nakalagay sa baba ang mga kamay dahil sa hindi makapaniwala na reaksyonh ng mga ito sa nangyari sa prinsesang si Donnie.

"Doonniiieeee!!!!" malakas na sigaw ng reynang si Mekaila na mabilis na tinakbo ang prinsesang si Donnie.

Ang malakas na sigaw ng prinsesa ay biglang naglaho. Bahagya pa itong napa-nganga ng bumaon sa kanyang katawan ang matalim at mahabang espada na hawak hawak ng kanyang amang hari na si Ex. Napahawak siya sa kanyang tyan kung saan bumaon ang espada. Hanggang sa rumaragasa ang paglabas ng dugo sa kaniyang tiyan. Napatingin pa ito sa kanyang amang hari na tila na estatwa sa kinatatayuan. May sinasabi pa ang prinsesa na hindi na nila maintindihan dahil tila bulong na lamang ang paraan ng pagsalita nito. Bago pa man makalapit ang ina nitong reyna na si Mekaila ay unti-unti na itong napapikit at bumagsak ang katawan sa lupa.

"Prinsesang Doonniieee!!!" pasigaw na sambit ng reynang si Mekaila habang yakap ng mahigpit ang prinsesa.

"P-prinsesang D-donnie.." pautal na sambit ng haring si Ex na hindi makapaniwala sa nangyari. "H-hindi. H-hindi! H-hindi." paulit ulit na sambit nitong napailing ng kanyang ulo. Hanggang sa isigaw nito ang pangalan ng prinsesa ng ubod lakas.

"Edzyr.." pahikbing yumakap ng mahigpit si Janey sa binatang engkanto. Gumanti rin ito sa kanya ng mas mahigpit na yakap. Na tila ba wala ng makakapag-hiwalay sa kanilang dalawa. Hanggang sa kapwa nila narinig ang malakas na boses ng haring si Ex de Calibre..

----------------------------------------

Nakangiting nakaharap sa malaking salamin si Janey. Suot niya ang magandang damit na kulay puti. Sa kanyang ulo ay may nakapatong na koronang gawa sa bulaklak. Nasa kanyang likod sina Zaira, Friah at Violet. Masayang inaayos ng mga ito ang kanyang buhok. Habang si Friah naman ay inaayos ang suot niyang damit. Napatayo siya at pinagmasdan ang kabuo-an sa salaming. Hanggang sa unti-unting lumawak ang kanyang ngiti sa labi.

"Para na akong prinsesa ng kagubatan.." sambit niya sa tatlong fairy.

"Anong prinsesa?" si Zaira na lumapit sa kanya. "Ang sabihin mo ay magiging reyna kana ngayong araw pag naikasal na kayo ni prinsipeng Edzyr."

Nilingin niya ang kaibigang si Zaira na malawak ang ngiti. "Hindi pa rin ako makapaniwala Zai.."

"Ano naman ang hindi mo mapapaniwalaan?" natatawang tanong nito sa kanya.

"Na ako, isang mortal ay ikakasal sa isang imortal na katulad niyo. Kay Edzyr.."

"Walang imposible sa mga nilalang na totoong nag mahal. Tulad din ni Marife, isinuko din ang pagiging fairy niya para makasama ang mortal niyang asawa na si Joseph." nakangiting sagot ni Zaira ng mapuna ang paglungkot ng mukha ng dalaga. "Bakit naman at bigla kang lumungkot?"

"Zai," si Janey na lumingon sa dalagang fairy. "May kapangyarihan naman kayo diba? Lalong lalo na ang hari.. B-bakit hindi pinagaling ni haring Ex si prinsesang Donnie?"

"Kasi, pag ang kawal ang gumawa nun sa prinsesa o sa kapwa namin engkanto, maaaring mapagaling pa. Pero pag ang hari na ang kusang gumawa 'nun, ay wala ng pag asang gumaling ang mga engkantong pinapatay ng hari. Kahit pa si prinsesang Donnie, dahil si haring Ex ang gumawa ng ganun sa prinsesa. Kaya hindi na nailigtas si prinsesang Donnie." paliwanag ni Zaira na muling inayos ang mahaba niyang buhok.

Forbidden Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon