Chapter 3

89 5 0
                                    

A/N:

Sorry talaga kung matagal ako magupdate!

--------------------------------------------------> Si Akhi

(Mimie's POV)

Si Zoe ay napaka .. take note ahh napakamisteryosong lalaki. Sabi kasi ng mga chismosa kong kaklase matalino daw siya kaso masungit. Madalas raw siyang magisa pero ang nakakapagtaka lang eh may mga kaibigan siyang pasaway, at isa pang nakakaintriga dito ay wala pa daw nagiging girlfriend tong gwapong 'to. Hindi kapanipaniwala kasi kung ikaw nasa kalagayan ko, hahalayin mo na siya. Joke ! bata pa ako para dun.

"Aria, Narsha, Mimie !!!" Lumingon kami sa tumatawag samin na si Venus na tumatakbo papalapit samin "pwede niyo ba akong samahan bukas??"

"Saan naman??"

"Mag-cheer tayo kay Dwight sa basketball."

"Ngek, pano yung section natin?"

"Hayaan mo na!, yun na nga lang magagawa ko para kay Dwight ehh, medyo nagtampo ata siya sakin."

"Baka naman magalit yung mga classmate natin satin. Baka sabihin nila traydor tayo??"

"Eh kung mas bet natin yung kabilang section wala silang magagawa, sige na kasi please!!"

*sigh*

"Hay nako kung hindi ka lang talaga namin kaibigan ehh"

"Wahhhh !!!!! salamat!! sabi ko na di niyo ako matitiis ehh"

Intrams na kasi namin bukas. Kaya hakutan na ng mga tagasigaw to. Section namin at section nila Dwight pa naman ang magtutuos. Gusto ko sanang magcheer para kay Rozhe kaso di ko naman pwedeng injanin tong bestfriend ko, at naisip ko na marami namang mag-ti-cheer kay Rozhe kasi andun naman sila Akhi at yung mga barkada niya.

*Kinabukasan*

"Bilisan niyo na!!!!! sila na ata yung maglalaro ehh"

"Oo, heto na masyado ka namang excited ehh, mag-ti-cheer lang naman tayo ehh"----Ako

"Nga naman, anong feeling mo? hindi magiistart yung laro kung wala tayo?"----Narsha

"Hayaan niyo na, yun na nga lang yung paraan para makabawi siya kay boyfiiii eh"----Aria

"Eh gusto ko lang naman makitang nagpapalit siya ng jersey ehh"

"Asus! meaning to say, gusto mo makita yung katawan niya"

"Hindi noh!!!!!, grabe ka naman!!"

"Eh ano pa bang ibig sabihin nun?"

Halata namang kinikilig si Venus.

"Tara na nga! mas magtatagal tayo nito kung magtutuksuhan pa kayo ehh!"

Nang makarating kami sa may court, naghanap kami ng maayos na mauupuan yung kitang kita namin yung mga naglalaro, At ayun andoon kami sa harap, harap na harap!. nakakaloka talaga tong si Venus.

"Zoe!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!".Tinawag ni Venus si Zoe at lumingon naman ito. Kaya naman pala, nakita niya na walang katabi yung mga kaibigan ni Dwight. Sinenyasan naman niya si Zoe na paki-save na lang yung upuan para samin.

Tinulak ako ni Venus para ako yung unang makaupo. Super excited kasi tong babaeng to ehh, ayan tuloy katabi ko si pogi!. Nakakahiya naman kay Zoe kasi nababangga ko siya kakayugyog ni Venus sakin.

Medyo kumalma na si Venus kasi magsisimula na yung laban at nagmumukhang tanga na siya.

"Sorry ahh, Hi! diba ikaw si Zoe??" tumungo siya. Lumingon siya saglit sakin pero agad niyang ibinalik yung tingin niya sa magsisimulang laro.

Perfect life nga ba ? (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon