(Mimie's POV)
Totoo kaya yung mga sinabi ni Zoe?
Talaga bang napakababa ko ng tao?
Pero naiinis parin ako sa kanya!
Bakit kasi pag lalaki ang nagsabi ang sakit?
Bakit kailangan pa niyang ipamukha? Haiiiist!!!!
"Mimie!! akala ko a-absent ka! kanina ka pa kaya namin hinahanap!"
Nakasalubong ko kasi si Narsha na halatang nagmamadali na dahil male-late na kami.
"Oh, bakit nakasimangot ka? bat ka nakatulaley? Hoy!!! Kausapin mo ako!"
"Ahh, sorry di kita napansin, anjan ka pala"
"Oo teh! kanina pa! Teka nga, bakit ka nakasimangot?"
"Mamaya ko na lang ikukwento sayo."
"Okay!"
Nang makapasok kami sa room, andun na yung ma'am namin.
"Good morning ma'am, sorry we're late" sabay naming sinabi ni Narsha.
Naupo na ako kung saan katabi ko ang mga kaibigan ko. Wala, tulala parin ako. Ni hindi ko nga maintindihan yung sinasabi ng teacher namin eh. Yumuko na lang ako.
"WAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!"
"AAAAAHHHHHHHHHHHHH"
"HAAAAAAALAAAAAAAA!!"
"UWIAN NAAAAAAAAAAA"
Napapiglas naman ako kasi sabay-sabay silang sumigaw. Waaaaaaaahhhh! brownout!! haha uwian na, uwian na!
"Class, mas mabuti pa sigurong lumipat kayo sa kabilang section. Besides, malaki naman yung room nila, atleast doon may bintana at hindi kayo maiinitan dito kulob, titignan ko muna kung anong nagyari sa baba ah, class officers take charge" sabi nung ma'am namin. Edi mas nakakatuwa kasi walang magbabantay samin bwahahaha.
"Okay ma'am!" we said in chorus. Naalala ko namang andun sa kabilang section si Zoe kaya napasimangot ako. Habang lumilipat na kami sa kabilang section tinatanong na ako nila Aria, siguro naba-bothered narin sila.
"Uy bespren! bakit kanina ka pa lutang diyan?"
Nung makaupo na kami sa upuan saka ko lang sinagot yung tanong niya.
"Ganito kasi yun, diba hinahanap niyo ako, papunta ako sa locker kanina, eh saktong andoon yung mga kabarkada nila Akhi."
"Oh anong ginawa sayo?"
"Eh ano pa? kinompronta. Nagaway pala si Akhi at Rozhe dahil sakin. Pero hindi ko sila pinansin kaso pinalibutan nila ako kaya nung makakita ako ng onting awang sinubukan kong umalis kaso pinatid nila ako"
"Dahil doon kaya ka nagkakaganyan?"
"Hindi. Patapusin mo muna kaya ako"
"Ayy sorry, hindi pa pala tapos"
"Ayun, lumapit si Zoe tapos binangga niya yung balikat nung babaeng pumatid sakin at pinag-sorry niya ito. Nung una ayaw niyang umamin pero isang tingin lang sa kanya ni Zoe kinilabutan na siya at nagsorry"
"Hero mo pala siya eh"
"Hmmp! hero hero" sabi ko naman na medyo nagsungit. Kasi naman diba? sakit niya talagang magsalita. Hindi porket hero ko siya, pwede na niyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin.
"Tapos ano na?"
"Umalis na yung mga barkada nila Akhi. Dapat aalis na rin si Zoe pagtapos kong magpasalamat. Ewan ko ba kung bakit ko siya pinigilan, gusto ko kasi siyang makausap eh. Tinanong niya kung ano daw bang gusto kong pagusapan namin, di ko alam kung anong sasabihin ko, kaya kinuha niya yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa canteen."
BINABASA MO ANG
Perfect life nga ba ? (On hold)
Teen FictionSi Mimiegail ay isang simpleng babae pero hindi yun ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Perfect life, Perfect girl , basta perpekto at walang kapintasan. Ngunit maging perfect pa nga ba ang pamumuhay niya kapag nalaman niya ang katotohanan...