Chapter 1
(Mimie's POV)
When i was 13 years old, my mom told me to be confident for what and who I am, kasi nga yun daw ang magpapaangat sa akin.
[FLASHBACK]
*sa harap ng coffee shop*
"Anak dalaga ka na, bakit kasi nahihiya ka? Kung tutuusin wala ka namang dapat ikahiya sa sarili mo."
"Mom, alam naman nating dalawa na hindi totoo yang sinasabi mo."
"Anak.."
"Mom baluga tong anak mo at sa tatlong magkakapatid ako lang ang ganito!!!, kahit sa magbabarkada ako rin ang least !!!" nagulat naman ako sa mga sinabi ko at huminga ng malalim "Sorry mom, I didn't mean it."
"Anak kasi, subukan mo lang magpakatotoo, kasi walang mangyayari sayo kung puro hiya lang. Pano mo mapapakita na magaling kang kumanta, sumayaw, at kung anu-ano pa kung ganyan ka?. Dito sa bahay ang ingay mo at walang hiya ka tapos sabi nung mga kaibigan mo ay kulang na lang daw na isuksok mo sa isang sulok yang sarili mo sa school."
"Kasi naman mom, inaasar ako ng mga classmates at schoolmates ko at ang tingin nila sa akin ay .............. isang pangit na babae na pakalat kalat sa campus. Kung sasali po ako sa glee, dance art, drama, at kung anu ano pang club sa school, syempre po sasabihin nila na ang lakas lakas ng loob kong magsasali sa mga ganoong club eh baluga naman po ako." Napayuko naman ako.
*sigh* "Kaya nga anak magayos ka, alam kong kaya mo yun wala ka nga lang lakas ng loob para gawin ang mga bagay na ganun. Ang galing galing mo sa fashion ang ganda ganda ng mga sketch na ginagawa mo, hindi mo naman sinusubukan sa sarili mo." Hinawakan ni mama yung balikat ko.
"Gail, mas maganda kung maiinis at magagalit sila sa totoong ikaw, kaysa naman minamahal ka nga nila at hinahangaan na hindi naman na totoong ikaw."
Ngumiti ako. "Sige ma ita-try kong hindi mahiya pag nasa tamang panahon na. Kung yan ang ikasasaya ng aking magandang nanay!!!!!!."
Nakita kong ngumiti rin siya. "Kahit ano pang sabihin nila, para sakin ikaw ang pinakamagandang nilalang na nilikha ng Diyos sa buooooooooooooong mundoooo, Be strong, tandaan mo na I'm always proud of you!!"
Nagulat kaming dalawa ni mommy ng may biglang malakas na pumutok. Nabigla ako ng yumakap sakin si mommy, na-touch naman ako kaya niyakap ko rin siya at sinabing "I love you mom, you're the best mommy in the whoooooooooooooooooole world!!!" Hindi siya umimik. Nang maramdaman kong may basa mula sa likod ni mommy, agad kong tinignan, napaiyak na lang ako kasi nanggaling kay mommy ang dugong nasa kamay ko.
"Teka mommy?? mommy??? MOMMYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" Wala man lang tumutulong sa amin, tumitingin tingin lang. Nainis ako at hindi ko napigilang sumigaw. "Parang awa niyo na po!!!!!! tumawag na kayo ng ambulansya!!!!! .............
Ilang minuto pa lang kaming nasa ambulansya, and she declared Dead on arrival.
................... Inaantay ko si daddy sa morgue, di nagtagal dumating na siya. Nagexpect ako na iiyak siya at maguusisa sa kung anung nangyari sa amin pero kahit maluha luhang mata eh wala akong nakita. Doon ako nagsimulang magalit sa tatay ko, hindi na nga siya gaanong nagpapakita sa bahay tapos parang wala pa siyang pakialam sa nangyari kay mom.
------------------
Author's note:
Yeahh yeahhh yeahhh !! na-upload ko na rin sa wakas. Bahala kayo kung gusto niyong magcomment, at magvote. O kaya magsuggest kayo okay lang hindi ko iisnob.
:)))))))))))
BINABASA MO ANG
Perfect life nga ba ? (On hold)
Fiksi RemajaSi Mimiegail ay isang simpleng babae pero hindi yun ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Perfect life, Perfect girl , basta perpekto at walang kapintasan. Ngunit maging perfect pa nga ba ang pamumuhay niya kapag nalaman niya ang katotohanan...