A/N:
Crush ko yung mga characters ko. Ang popogi eh!!
Si Dwight-------------------------------------------------->>
(Mimie's POV)
"Hindi talaga kayo nagtitino?!!!! Sige!! Hindi ko sasabihin sa mga magulang niyo ito..... DAHIL SUSPENDED KAYO NG TWO WEEKS!!!!"
Anong gagawin ko?? Tunganga sa bahay?. Wala naman siguro ng two weeks si papa eh kaya hindi niya ito malalaman. Enebenemenkeseng buhay ito?
*RIIIINGGG!! RIIIIINGGGG!!
[Aria's calling......]
Si Aria tumatawag?? Bakit kaya??
"Oh bakit ka napatawag?"
["Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo nila Zoe. Kamusta ka naman?"]
"Eto tunganga"
["Eh tutal wala ka naman palang ginagawa, bakit hindi ka ngayon magstart ayusin yung sarili mo?"]
"Bakit ko naman gagawin yon?"
["Para pagpasok mo, Hindi ka na nila asarin at guluhin pa."]
"Ano namang connect nun sa hindi na nila ako guguluhin?"
["Engot ka talaga noh? Ganito kasi yun. Kapag gumanda ka na, hindi ka na nila aasarin. Kapag gumanda ka na, deserve mo na maging boyfriend si Zoe at hindi ka na nila guguluhin pa kasi kalevel mo na si Zoe!!"]
"Ginugulo lang ba nila ako dahil hindi ko deserve si Zoe?"
["Tumpak!!! Hindi kasi nila matanggap na kahit mas dark ang kulay mo kaysa sa kanila, eh malakas pa rin ang karisma mo sa mga gwapo!!!!!!"]
"Uhmm, siguro nga!. Ayy teka parang may mali!! Bakit si Zoe??"
["Alangan namang si Rozhe? May girlfriend na nga diba?"]
"Wala naman akong sinabi ahh!!!"
["Ahh basta!! pupunta ako mamaya jan may bibigay ako sayo at pagkatapos nun pumunta ka na ng mall para bumili ng new clothes. Bye."]
"Wait!-- ayy wala na? tatanungin ko lang sana kung bakit hindi siya makakasama eh."
Maya-maya lang ay dumating na si Aria. Ang daming dalang supot, ano naman kayang mga laman nun?
"Bakit hindi mo kasama si Narsha at Venus?"
"Si Venus makikipagdate daw kay Dwight, Si Narsha aalagaan daw ang nanay niya kasi may sakit."
"Ah, ganun ba? Eh bat ang dami dami mong dala?"
"Ayy, oo nga pala. Eto yung mga gagamitin mong pampaputi. Nagbigay din si Narsha at Venus ng mga try and tested na lotion at sabon. Effective daw kasi ito. May mga cream din akong dinala na pampakinis. Oo makinis ka naman at walang peklat pero naisipan ko na rin bumili para total package ka pag pasok mo."
"Kailangan ko ba talagang gawin ang mga bagay na ito?"
"Nangako ka sa nanay mo diba? At sa tingin ko ito na yung tamang panahon na sinabi mo sa kanya." mahinhin niyang sinabi.
Napaisip naman ako, siguro nga ito na yung time para tuparin ko yung pangako ko sa nanay ko. Hindi naman siguro masama kung itry ko itong mga inaalok ni Aria.
Huminga ako ng malalim. "Sige!"
"Yan!! Panahon na para ilabas mo ang mga talent mo!! Hindi yung binubulok mo yan at kami lang yung nakakakita!!."
"Okay!! Saan natin sisimulan?"
"Dito sa mga sabon, lotion, at cream. Sabi ni Narsha in 2 to 3 weeks daw makikita mo na yung unti-unting pagbabago ng skin mo. Kaya perfect talaga sa timing tong mga ginagawa natin. Baguhin mo rin yung hairstyle mo, ang poga eh, magpahaircolor ka na rin"
"Uhm. Bakit nga pala hindi ka makakasama sakin magshopping mamaya?"
"Busy kasi ako eh. Kahit na gusto kitang samahan, di talaga pwede. Sana maintindihan mo."
"Ahh. Syempre naman maiintindihan ko."
Di rin nagtagal umalis na si Aria. Pagkaalis naman niya naghanada na rin ako para pumunta ng mall. Kailangan ko na rin kasing magbago ng ayos, mukha kasi akong inosenteng inosente sa suot ko. Mahabang palda na abot paa at T-shirt na malaki ang manggas. Panget noh?
Nakarating na ako sa mall. Pumunta ako sa isang salon para sundin ang mga ilang sinabi ni Aria.
"Miss sa tingin mo anong babagay sakin na haircut at color?"
"Ahm ma'am ako na pong bahala, mukhang alam ko po kung ano yung babagay sa inyo."
"Okay."
Nang matapos na ang lahat, medyo nanibago ako sa itsura ko. Totoo nga yung sinabi nila na ang buhok ang nagdadala sa itsura ng isang tao.
Tinungo ko ang isang shop na sa tingin ko ay may mga magagandang damit.
Babayaran ko na sa cashier yung mga napili ko. Anim na dress, tatlong jeans, tatlong sapatos at apat na blouse. Tama na siguro ito. Kinuha ko na yung mga nabili ko.
Habang tumitingin tingin pa ako ng mga damit, may namumukhaan akong dalawang tao. Di ako nagkamali si Rozhe at Akhi.
"Patay!! Nako ayoko munang makausap ng kahit na sino sa kanilang dalawa. Nahihiya ako kay Rozhe, Naasar naman ako kay Akhi!"
Tumakbo ako sa fitting room para magtago. Naku naku naku!! Parang lahat pa ata ng room may gumagamit!!!. Napansin ko na sa dulo ay nakabukas. Tumakbo ako para pumasok doon.
Ni-lock ko ito. Huminga ako ng malalim at ipinatong ang ulo sa pintuan. Humarap ako sa salamin.
O_O
"Waaaaaaaaaaaahhhh!!!! Bakit ka nandito???!!!! Bat kasi hindi mo sinasarado yung pinto?!!" Napatakip ako ng mata. Si Zoe kasi nakashirtless.
I heard him chuckle. "Ikaw bakit ka nandito? Ako ang nauna dito diba? At bakit ka nagtatakip ng mata?" Ibinulong niya sakin with a soft sound. Naramdaman ko ring sobrang lapit niya sakin.
Unti-unti akong umuupo habang nakatakip pa rin ang mga mata. Nakakakilabot kasi si Zoe parang dadakmain ka. "Magtatago lang naman sana ako, andito kasi si Rozhe."
"Tss. Ang lalaking yun nanaman?!" bigla siyang lumayo.
Naramdaman ko naman bumukas na yung pinto at umalis na siya. Wala naman na siguro sila Rozhe jan. Pero bakit kaya parang nabadtrip si Zoe? May nasabi ba akong mali? Topakin talaga ang lalaking iyon.
[END OF FLASHBACK]
--------
A/N:
Sa next chapter, reality na !!!
Sa totoo lang di ko pa alam ang mangyayari !
so bagal ko magupdate noh??
Sorry hah?
Tinatry ko naman yung best ko para mameet yung expectations niyo. haha
Drama ko noh ?
BINABASA MO ANG
Perfect life nga ba ? (On hold)
Teen FictionSi Mimiegail ay isang simpleng babae pero hindi yun ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Perfect life, Perfect girl , basta perpekto at walang kapintasan. Ngunit maging perfect pa nga ba ang pamumuhay niya kapag nalaman niya ang katotohanan...