A/N:
--------------------------------------------> Si Zoe Cortez nga pala
(Mimie's POV)
"Ate!!!, gising na!! malelate ka na sa school!!, sige ka baka hindi mo makita yung boyfriend mo!!!" sigaw ni Keil mula sa baba.
Umunat muna ako saglit at tingnan ang orasan. Waaaaaahhhhh!!! 6:30 naaaaaa!! Gosh mukhang di pa ata ako makakakain. Kulang ang 30 minutes sakin dahil sa sobrang tagal ko magbihis at maligo.
"Naku, naku!! Asan na ba yung uniform ko? Asan na yung toothbrush ko?! Asan na ba??"
Sorry ganyan lang talaga ako kapag natataranta. Kahit nasa harapan ko na ang hinahanap ko, hinahanap ko pa rin.
Tumakbo na ako sa banyo para maligo at magtoothbrush. Nang matapos na ako, tumingin uli ako sa orasan. Himala 10 minutes lang ako naligo ngayon.
"Okay, okay. Mimie kalma, kalama ka lang medyo madami ka pang oras!"
Tapos na ako. Halaaaa!! 6:50 na?!!. Nagmadali na ako bumaba at hindi na lang kumain.
"Hija di ka ba kakain? baka sumakit ang tiyan mo niyan?" tanong ni yaya.
"Hindi na po!" nakaalis na rin kasi yung mga kapatid ko.
Dati naman mas nauuna pa nga akong magising sa kanila eh. Wera na lang kung nagpuyat ako.
Ahhh pinuyat nga pala ako ni Zoe. Oy kung ano man ang iniisip niyo wag niyo ng isipin.
Di kasi ako natigil kakaisip sa kanya kagabi, kung bakit niya ko pinagtatanggol at tinutulungan. Yun lang wala ng iba pa. Para rin akong shonga na iniisip na may gusto sakin si Zoe kaya niya ginagawa yun. Hayy naku! erase, erase, erase!. Nagiging ilusyunada nanaman ako eh.
Pagkalabas na pagkalabas ko agad na mang may bumugad sakin.
"Ayy jusmiyo marimar! Anong ginagawa mo dito?"
Naabutan ko kasing nakasandal si Zoe sa pader ng gate namin habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa.
"Sinusundo ka. 10 minutes na lang late na tayo. Ang tagal mo kasi"
"Kaya ko naman sarili ko ah!"
"Kaya mo pa rin kaya ang sarili mo kapag sinimulan ka na nilang kutyahin sa school?"
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ang mga nangyari kahapon.
"Sige na nga! Tara na!"
"Teka wag mong isipin na bati na tayo ah!" parang bata talaga to.
"Oo na!" napakamot nalang ako ng ulo.
Nakita ko namang sumakay siya sa bike. BIKE??. BIKE???
"Diyan tayo sasakay? Baka naman mas lalo pa tayong malate niyan?"
"Mas mabilis to, traffic kung magcocomute tayo. Atleast ito nakakasingit kung saan-saan" may point nga naman siya kaya sumakay ako sa likod.
Nakakahiya naman kung yayakap ako sa kanya diba? sa balikat niya ako kumapit. Pabilis ng pabilis siya magbike kaya naibabaon ko na yung mga kuko ko sa balikat niya.
"Aray, aray! Ano ba naman niyan ang sakit!" tumigil siya saglit at kinuha ang kamay ko mula sa balikat niya at ipinaikot sa waist niya.
"Yan jan ka kumapit, hindi sa balikat ko! ang sakit ng kuko mo!"
Hindi na lang ako umimik, kasi nga naman mas komportable talaga pag dito ako kumapit.
"Waaaaaaaahhh!! Zoeeeee!!" ambilis kasi niya magpatakbo eh. Parang nakikipag-racing sa mga kotse. Napapayakap tuloy ako ng mahigpit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect life nga ba ? (On hold)
Teen FictionSi Mimiegail ay isang simpleng babae pero hindi yun ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Perfect life, Perfect girl , basta perpekto at walang kapintasan. Ngunit maging perfect pa nga ba ang pamumuhay niya kapag nalaman niya ang katotohanan...