Chapter 9

45 4 0
                                    

(Venus's POV)

Magkakasama kami nila Aria at Narsha sa kwarto ko, nang may naalala akong hindi ko pa naikukwento sa kanila.

"Alam niyo? May kukwento ako sa inyo." sabi ko. Iniintriga ko pa sila kung interisado ba sila sa kung anong ikukwento ko.

"Ano naman yun?" they said in chorus.

Mukha naman. Sabay pa sila nagtanong eh. Mga chismosa ko talagang kaibigan!!

"Nung birthday ni Dwight, alam niyo bang may nangyaring kababalaghan?" Tinitignan ko pa rin kung maeexcite sila eh. Hahahaha :">

"Oh talaga?? Ano yun? Ano yun? Kwento mo naman!!" sabi ni Aria.

"Oo nga!!! Bilis!! Di ka nagsheshare ahh!" pilit ni Narsha.

"Eto na nga! Diba hiniram ni Zoe yung kotse ko, kasi iuuwi na niya si Mimie nun. Habang palabas kami, biglang nagsalita si Mimie. Tinatanong niya kung ganun daw ba siya kapangit. Ewan ko kung anong pinagusapan nila bago kami lumabas."

Natatawa ako habang nagkukwento kasi yung mga mukha nila, chismosang chicmosa yung dating eh.

"Tapos sabi ni Mimie, baka daw pag natikman ni Zoe yung mga halik niya eh magrequest pa ng isa. Hahahahahaha!!"

"Ahahahahahaha!! Talaga sinabi niya yun? Iba pala talaga si Mimie kapag nakakainom eh!!" tawa ng tawa si Aria habang sinasabi yun.

"Yun nga!!! Si Zoe naman nagbablush dahil dun sa mga sinabi ni Mimie. Pinatitigil na lang ni Zoe si Mimie sa pagsasalita kasi naiingayan siya. Pagkatapos, hinalikan ni Mimie si Zoe sa noo, ilong at sa magkabilang pisngi."

"Anong reaksyon ni Zoe?!!" ata na tanong ni Aria.

"Yun iritang irita. Di kasi siya makaiwas sa halik ni Mimie kasi nga buhat niya to."

"Buti hindi hinalikan ni Mimie si Zoe sa lips? Gaga talaga ang babaeng yun." tanong ni Narsha.

"Hahalikan nga dapat ni Mimie kaso nilayo ni Zoe yung mukha niya. Bilib din ako kay Zoe eh. Kahit nasa ilalim siya ng impluwensya ng alak di pa rin niya nagawang magtake advantage kay Mimie."

"Dapat may gawin tayo ngayon!!!" sigaw ni Aria.

Sinabi ni Aria yung plano niya. Wala rin silang magawa dahil weekend naman. Kaya kinuntsaba nila kung sino man ang pwedeng ka-kunstaba sa gagawin nila.

(Mimie's POV)

"HAAAAAAAAAAYYY NAKOOOOOOO!! WALANG MAGAWAAAA!!!!!" sigaw ko. Nakakainis naman kasi eh!! Walang magawa!! Nakakabored dito sa bahay. Kakauwi palang ni Papa, umalis na agad siya. Napakaresponsable diba?

 Tawagan ko na nga lang si Venus, siguro naman hindi siya busy ngayon. Kinuha ko yung cellphone ko, pero bago pa ako makatawag may tumatawag na. Astig noh?

"I'd like to be everything you want

Hey girl, let me talk to you

If I was your boyfriend , never let you go

Keep you on my arm girl, you'd never be alone

I can be a gentleman, anything you want

If I was your boyfriend, I'd never let you go, I'd never let you go....."

Oh diba ang ganda ng ringtone ko?? Justin Bieber! Hindi ko naman siya Idol, nakikiuso lang. Haha!! Ang pangit kasi nung ringtone ko dati eh, wala sa uso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect life nga ba ? (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon