Chapter 7

65 6 9
                                    

A/N:

Dedicated po sa kanya kasi, pinakaiintayan po niya itong reality. Haha. O yan Erika! Saya saya mo na. hahahahaha!

--------------------------------------------------------------->> Si Mimiegail Flore

Chapter 7

Fourth year highschool na sila. In the middle of the school year. Halos ganoon pa rin at walang pinagbago. Si Rozhe at si Akhi pa din. Si Venus at Dwight ay magboyfriend pa rin. Si Mimie lang ang nagbago. Gumanda, Sumikat at dumami ng manliligaw.

(Mimie's POV)

"Tss. Ang lalaking yun nanaman?!"

Tapos lumayo siya, binuksan yung pinto at umalis na. Bakit ba kasi? Ano ba yung ikinagagalit ng lalaking yun?

----

"Hoy babae !! Ano nanamang iniisip mo jan at tulaley ka nanaman? Kanina pa ako nagsasalita dito !!" sabi ni Venus.

"Ahh. Sorry naman. May iniisip lang!"

"Oh alam mo ba kung ano yung pinagsasabi ko dito?"

Sa totoo lang ?? Hindi!!! Malay ko ba na dakdak ng dakdak tong babaeng to dito.

"Ahm... Hinde"

"Kita mo na? Ang sabi ko gigimik tayo nila Dwight! Doon na lang tayo sa bahay namin magpalit. Kasya naman siguro yung mga damit ko sayo eh."

"Sasama ako? Ngayon? Bakit?"

Eh hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako pinapansin ni Zoe. Kung magpapansinan man kami, siguro mga tatlong words na palitan lang tapos alis na. Ewan ko ba kung bakit nanlamig yun sakin.

"Malamang!! Kaya nga sinasabi ko sayo ngayon diba? Oo ngayon!" Nga naman! Anong kwentang tanong naman kasi yung naitanong ko?

"Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganyan diba?" Pagdadahilan ko na lang. Pero totoo yun. Good girl ako eh. Pangit kasing tignan ang isang babaeng manginginom.

"Minsan lang naman. Birthday kasi ngayon ni Dwight!" Uhm kaya naman pala.

"Pero kasi..."

"Wala ng pero pero!" Pagbigyan ko na nga lang ito! Alam ko namang hindi ako titigilan nito eh.

"Sige na nga! Kulit, kulit, kulit mo!!"

"Mauna ka na sa may kanto! Doon na lang tayo magkikita kita!"

"Okay sige!"

Tinungo ko na yung kanto ng street ng school para maghintay.

"Ayy! Naku naman kasi!! Tagal tagal!! Makakain nga muna ng kwek kwek!"

Naubos ko yung kwek kwek at wala pa rin sila. Baka naman kasi iniwan na nila ako? Mga siraulong iyon oh!

Naramdaman ko namang may tumusok sa beywang ko. "Ayy anak ka ng kalabaw! Ikaw pala Rozhe"

"Uuwi ka na ba? Hatid na kita?"

"Ah hindi pa, gigimik pa ako kasama yung barkada eh. Nasaan si Akhi? Bakit hindi siya ang ihatid mo?"

"May gagawin pa daw eh."

"Uhm. Ganun ba? Aray!!!!! Aray!!! Ang sakit ng mata ko!! Sh***t!!!!!!"

"Uyy!! Anong nangyari sayo?!!!! Bakit??Bakit?!!" panic mode si Rozhe!! Eh ang sakit naman talaga kasi eh !!!!!!!!!!!

"Napuwing ako!!!"

"Asan ba? dito?" Turo niya sa kanan kong mata.

"Opo!"  Hinawakan niya ang mukha ko at tinaas dahil nga mas matangkad siya sakin. Tapos Inihipan niya.

Perfect life nga ba ? (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon