Chapter I

311 6 7
                                    

"Ooh Ke--" 

Naputol ang pag halik ni Kent sa babae nang bigla magring ang phone nito, tinignan niya kung sino ang natawag sa kanya at mariin na napapikin ang mata nito. 

"Yes? Okay. Nasa V.I.P ba siya? Sige papunta na ko." Agad siyang tumayo at kinuha ang mga damit na nagkalat sa sahig. 

"Hanggang kailan ka ba ganito Tricia?" 

Tanong na nasa isip niya. Napatingin siya sa babaeng kasama niya, naka simangot ito at halata ang pagkabitin sa nangyayari sa kanila. 

"Hey. Aalis na ko. I'll make it up to you, okay?" Sabi niya sa babae at hinalikan niya ito. Pero bago pa siya makalabas ng pinto nag salita ito. 

"Hindi mo ba kaya mag file ng annulment?" 

Napabuntong hininga siya at tinignan ang babae kasama niya, nakaupo na ito sa kama. Hindi niya naisip na kakayanin niya pasukin ang ganitong sitwasyon, ilang beses na nito hinihiling sa kanya na mag file na siya ng annulment kay Tricia pero hindi niya ginagawa. Napakagat labi na lang siya at sinalubong ang tingin ng babae.

"What?!" Mataray na tanong nito sa kanya. 

"Not now Tracey. Please." Pakiusap niya. Dahil ang totoo hindi pa siya handa sa mangyayari kung mag fifile na siya ng annulment kay Tricia, hindi niya alam kung ano hahantungan niya pag nakipaghiwalay na talaga siya sa asawa niya. 

"Again? Seriously Kent?! Hindi ka pa ba handa na hiwalayan si Tricia? Kung iniisip mo ang kahahantungan mo after niyo maghiwalay kaya ko ibigay yung binibigay ni papa!" Sigaw ni Tracey sa kanya. 

"Napagusapan na natin 'to diba? Hindi ganon kadali Tracey." Napayuko na lang siya. Sa totoo lang wala na siya mahugot na sasabihin kay Tracey dahil hindi nga ganon kadali na hiwalayan ang asawa niyang si Tricia. 

"Hindi ganon kadali o ayaw mo talaga? Pera ba talaga ang importante sayo Kent?" Tanong ni Tracey sa kanya. Naiyukom niya ang kamay niya kailangan niya pigilan ang umuusbong inis sa isip niya dahil sa mga angal ni Tracey. 

Mas pinili na lang niya hindi sumagot at umalis. Napipikon na siya ganon ba kababa tingin ni Tracey sa kanya? Pera ang importante. Sabagay kahit noon pa man mababa na tingin nito sa kanya kahit girlfriend niya ito. Hindi pa siya nakakalabas ng bahay ni Tracey nang mag salita ito sa likuran niya.

"Kung wala kang balak hiwalayan si Tricia..." huminto ito sa pag sasalita at huminga ng malalim.

"Ako ang magsasabi sa kapatid ko at kila papa ang relasyon natin."

Yumuko lang siya at iniwan si Tracey..

---

She felt dizzy and yet she's still drinking gusto niya magpakalasing para pag uwi niya itutulog na lang niya ito. Wala siyang pake kahit may trabaho pa siya bukas at magkaroon ng hangover sa ginagawa niyang pag inom. 

"That's enough Tricia. Madami ka na nainom." Saway ng kaibigan niya. 

"Shut up Adam. I'm fine. I can handle myself!" Sigaw nito sa kaibigan niya. 

"Tatawagan ko asawa mo." Banta ni Adam sa kanya. 

Tinignan niya lang ito ng masama at iniripan niya, natawa naman siya bigla ng maisip niya na kahit ano pa gawin ni Adam walang paki sa kanya ang asawa niya. 

"Yeah whatever Adam. Go ahead call him, let's see if he will come."  Tumayo siya at pumunta sa V.I.P lounge wala siyang paki kung mamedia man siya o ano basta malimutan lang niya ang sakit na nararamdaman niya. Ayaw na niya itong sakit na 'to dahil hindi na tama ilang taon na siya nagpakakatanga at umaasa na maaayos sila pero mukhang wala na talagang pag asa yon.

ILS: Bed Roses - COMPLETEWhere stories live. Discover now