Nang makabalik sila ng manila ganon pa din ang trato sa kanya ni Kent. Hindi siya nito kinakausap gusto niya mag paliwanag dito pero hind niya magawa, hindi niya alam paano niya sisimulan.
"Tricia magsisimula na presscon mo." Si Rose. Tumango na lang siya dito.
"Sinabi sa'kin nung writer na hindi mo daw chineck yung mga pwede itanong sayo. Sigurado ka ba na sasagutin mo lahat kung sakaling magtanong sila na hindi related sa topic?" Pag mula nito, nag aalala ito kay Tricia dahil sa mga pwede itanong sa kanya.
"Don't worry Rose. I can handle it, I answer all the question with full of honesty." Ngumiti siya dito.
"Okay. Yung braso mo?" Napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin.
"Okay na 'to. Malayo sa bituka. Tatakpan ko na lang ng make up." Biro niya.
Nag umpisa na ang presscon nila. Akala niya siya ang unang tatanungin ng mga press pero mas inuna nila si Ira.
"Ira totoo ba na hiwalay na kayo ni Ice?" Tanong ng isang press dito.
"No. We're both okay." Casual lang na sagot nito, si Ira yung tipong kayang kaya maglaro ng interview kung hindi mo kilala si Ira talaga hindi mo mahahalata sa kanya na nagsisinungaling siya.
"My question is for Tricia Andrada. Diba alam mong nasa Hong kong si Ice?" Napagitla siya nang bigla yon itanong sa kanya. Sinimplihan niya ng tingin si Ira na ngayon ay nakunot ang noo sa kanya.
"Uhm. No." Matipid niyang sagot. Bumalik ulit ang mga tanong kay Ira. Hinanap niya ang asawa niya kung andon ito at hindi naman siya nabigo. Ngumiti siya dito pero isang malamig na tingin lang ang binigay sa kanya.
On going lang ang presscon nakahinga naman siya ng maluwag dahil ang question sa kanya ay related lang sa show nila ni Ira.
Pero hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari bigla siya tinanong ng isang reporter.
"Tricia Andrada ano masasabi sa kumakalat niyong litrato ni Mr. Allen Andrada which is your husband's cousin? And your ex boyfriend. Ayon sa kuha ng aming source sabay kayo lumabas ng hotel ni Mr. AA."
Nakita niya itong nag smirk sa kanya, pamilyar ang reporter na ito. Kung hindi siya nagkakamali isa 'to sa mga naging babae ng asawa niya. Halos nanahimik lahat at nasa kanya ang atensyon.
Bago siya sumagot tinignan niya muna ang asawa niya, matalim ang tingin nito sa kanya. Parang kulang nalang saktan siya ulit nito.
"Asshole. Eh isa sa mga naging babae mo 'tong nagtanong sa'kin."
Hindi niya maiwasan mag salita gamit utak niya. Nang gigigil siya sa inaasta ng reporter na babaeng ito kung pwede nga lang sungalngalin ng mic ginawa na niya.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
YOU ARE READING
ILS: Bed Roses - COMPLETE
RomanceIt's hard to pretend that you love someone when you don't. But it's harder to pretend that you don't love someone when you really do. If love is sweeter the second time around, let's try to love each other again - Kent Andrada