Chapter IV

63 4 5
                                    


Allen was her first love, si Allen talaga ang kasama for the past four years bago sila ipanagkasundo ni Kent. Saksi siya kung gaano nasaktan si Allen nang malaman na ikakasal siya kay Kent. Nung gabi na pinagkasundo sila, yun din ang gabi na tinapos niya ang meron sila pero hindi tumigil si Allen na mahalin si Tricia.


Ayaw niya makita si Allen na nasasaktan ng ganito, hindi maatim ng konsensya niya na saktan ang lalaking nasa harap niya ngayon na walang ginawa kundi mahalin siya.


----

Umalis siya sa hotel na napupuno ng galit sa magulang niya. Alam naman nila na she's having an affair with Kent's cousin which is Allen Anrada, the young successful photographer kilala siya bilang AA dahil ito ang ginamit niya bilang initials sa bawat kuha o event na ginagawa para sa kanya. Dumeretso sa bahay nito dahil may usapan nila na after family dinner pupunta siya sa bahay ni Allen dahil may paguusapan daw sila.


Hindi niya alam paano niya sasabihin sa binata ang desisyon ng papa niya at ng tito niya. Naiiyak siya sa galit.


Bakit kay Kent pa siya ipapakasal kung tutuusin pwede naman kay Allen di hamak naman na mas okay si Allen kesa kay Kent.


"Babe!" Sinalubong siya ng yakap ni Allen. Mas lalo tuloy siya naiyak. Hindi deserve ni Allen na masaktan. Umalis siya sa pagkakayakap kay Allen. Kaya takang taka ito sa pinapakita niya.


"What's wrong babe? Kumusta dinner niyo?" Tanong ni Allen. May excitement sa boses ni Allen halata sa mata ni Allen na masaya siya.


"It's--" pero bago pa siya makasagot hinila na siya ni Allen papuntang garden. Hindi niya inaasahan ang makikita niya don. Gusto niya magpalamon sa lupa kung saan siya nakatayo ngayon. Naroon mga kaibigan niya pati ang mga tao na malalapit sa kanila at sa ilang segundo lumuhod si Allen sa harap niya.


"Tricia Solano, will you marry me?" Mas lalo siya umiyak iniisip niya na ano ba nangyayari sa buhay niya bakit parang pinaparusahan siya.


Nasasaktan siya sa nangyayari, sa mga iniisip niya.


"Allen..." Halos mapiyok si Tricia sa pag tawag ng pangalan ni Allen.


"I'm sorry... I can't.... I can't marry you.."


Lahat nang tao sa paligid nila parang nabuhusan ng malamig na tubig. Tinignan niya ang kaibigan na si Dom at Rej kita kita sa mga mukha nila na dismayado sa sagot niya. Napatingin siya kay Allen na ang mga mata ay nag tatanong na bakit.


Instead na magpaliwanag siya mas minabuti niya na umalis na lang siya dahil hindi na niya kaya pa ang nangyayari sa paligid niya. Pero bago pa siya makasakay sa sasakyan niya nahabol siya ni Allen.


"Babe wait! I need your explanation please..." Pag mamakaawa ni Allen sa kanya. Namumula ang mata nito, nangingilid ang mga luha na babagsak na.


"Allen.."


"Tricia! Please! Why?!" Pumiyok si Allen dahil ang luha na pinipigilan niya ay sunod sunod na bumagsak na.

ILS: Bed Roses - COMPLETEWhere stories live. Discover now