Nang makarating siya sa bar ni Adam papasok pa lang siya alam na niyang takaw pansin na siya dahil madalas siya ma-featured sa mga magazine at sa iba pang balita at higit sa lahat ay asawa siya ng isang sikat na super model.
"Bro." Agad niyang nakita si Adam at tinapik ito sa balikat. Hindi ito kumibo tinuro na lang niya kung nasan si Tricia, agad naman niya ito pinuntahan.
Nang lapitan niya ito kita kita sa mukha ng asawa niya na lasing ito hindi niya muna ito ginising bagkus tinitigan lang niya ito. Bakas sa mukha ng asawa niya ang pag kastress nito nakaramdam siya ng konsensya dahil panigurado lagi siyang inaantay nito umuwi sa bahay nila.
"Nakokonsensya ka na ba?" Si Adam. Naramdaman niya ang pag tabi nito sa kanya.
"Bakit kasi hindi ka na lang makipag ayos at tapusin yang katarantaduhan mo Kent?" Tanong nito sa kanya.
"Hindi ko alam paano.." sagot niya. Kaya natawa ng bahagya si Adam.
"Kent tinutuhog mo silang mag kapatid. Kung hindi mo mahal talaga si Tricia hiwalayan mo na, alam naman natin na pilit lang yang pagsasama niyo. Ilang taon na kayong kasal hindi mo pa din ba natutunan mahalin si Tricia? O baka mahal mo na dinedeny mo lang sa sarili mo."
"Kaibigan ko din si Tricia at kung ikaw kaya mo makita siyang nagkakaganyan, ako hindi. Nasasaktan din kami para sa kanya. Umuwi na kayo bago kayo maabutan ng pag dagsa ng tao dito." Iniwan na siya ni Adam. Wala naman siya choice kundi sumunod na lang, binuhat niya si Tricia at sa back door na sila dumaan.
"Tricia. Wake up. We're here." Gising niya dito dahil nasa tapat na sila ng bahay nila.
"Hmmm."
Huminga lang siya ng malalim. Sa totoo lang ayaw na niya pumasok sa bahay nila at balak lang niya ay ihatid lang si Tricia at aalis din siya agad. Pero kahit anong gising niya dito ay hindi ito magising kaya ang ginawa na lang niya ay binuhat ito at dinala deretso sa kwarto nila noon. Ni hindi nga siya nag atubiling buksan man lang ang mga ilaw at umasa na lang siya sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bahay nila.
Pag dating nila ng kwarto hindi niya lubusan na maisip na ganon na ito kagulo dati naman ay hindi yon hinayaan ni Tricia na magulo. Maayos ang kanyang asawa pag dating sa gawaing bahay iisipin mo na hindi siya anak ng mayaman at hindi isang sikat na modelo na kung saan saan na dedestino para lang mag trabaho.
He has a wife that everyone wants and he is so lucky to have Tricia as his wife. Pero sinasayang niya kung malalaman 'to ng mga followers na lalaki ni Tricia panigurado boycott na kompanya nila.
"Kent?" Nakatingin lang siya sa asawa niya. Nakakaramdam na siya pagkaguilty sa ginawa niya. Halata naman sa mukha ni Tricia na lagi itong puyat at umiiyak. Knowing her wife maalaga talaga ito kahit sa sarili nito kahit pag pupuyat hindi nito ginagawa kaya laking gulat niya na tinatawagan na siya ng mga kaibigan niya para sunduin si Tricia dahil lasing ito.
"You're home.." Nakangiti sa kanya si Tricia, kaya ginantihan din niya ng ngiti ito. Alam niya sa pagkakataon na iyon may sagot na siya sa mga tanong niya lalo na sa tanong ni Tracey.
YOU ARE READING
ILS: Bed Roses - COMPLETE
RomanceIt's hard to pretend that you love someone when you don't. But it's harder to pretend that you don't love someone when you really do. If love is sweeter the second time around, let's try to love each other again - Kent Andrada