Halos mabasag ang salamin sa loob ng meeting rooom dahil sa sigaw ni Kent. Galit na galit ito sa nangyari. Paalis na nga lang siya nagkaaberya pa sa revising team niya.
"Ganyan ba kayo katanga?! Alam niyo na deadline na yan bukas! Bakit ganito ang nangyari?!" Napakayuko lahat ang empleyado na nasa harap niya.
"Kasi sir--" Hindi pinatapos ni Kent ang isa sa mga emplayado niya magpapaliwanag sana ito pero ayaw na niya marinig pa dahil nangyari na, nag kaaberya.
"Ilang copy ang na print na?!" Tanong niya sa mga 'to.
"Four hundred po sir."
"Shit." Pabulong niya yon sinabi pero narinig pa din yon ng mga empleyado niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit dahil four hundred pieces is a big deal hindi lang basta pera nilabas nila dito.
"Kumusta yung sa fashion team?"
"Hindi rin po okay." Sagot nung isa pa niyang empleyado.
"What do you mean na hindi rin okay?! Tell me everything!! Tawagin niyo ang fashion team specially ang wardrobe at stylist!! ASAP!!" Napahawak na lang siya sa sintido niya. Ang laking problema ang haharapin nila.
Ilang minuto pa at dumating ang mga pinatawag ni Kent. Hindi niya alam paano niya ikakalma ang sarili dahil panigurado siya sa pag nalaman ni Mr. Solano ang kapalpakan ng mga emplayado ng style look hindi yon mag dadalawang isip na tanggalin ang mga taong nasa harap niya ngayon.
"Tell me everything what happened." Mawtorida niya itong tinanong. Hindi siya naupo. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mga empleyado niya.
"Sir nagkaproblema po kasi sa stylist nagkasakit po kasi si Jerry. At sa wardrobe naman po yung...." Huminto sa pag sasalita sa isa sa fashion team niya.
"What?!" Ramdam sa boses ni Kent ang galit samahan mo na ng pagkainis dahil sa stress na inaabot niya ngayon.
"Na-nasira po yung damit nung isang model kaya po--" Hindi pinatapos ni Kent ang pag papaliwanag nito. Binato niya lahat ng folders sa harap niya.
"Lintek naman! Ano kapalpakan ang ginawa niyo?!?! Bakit hindi niyo binantayan?!"
Walang sumagot sa kanya lahat sila ay nakayuko at tahimik lang. Wala silang magawa sa galit ng boss nila, bihira lang ito magalit sa kanila kung magalit man ay hindi ganito katindi.
"How about the summer issue of Tricia Solano?" Tanong ni Kent. Inisa isa niya ng tingin ang mga empleyado niya.
"About that sir....." Nag senyasan ang mga ito. At nakita yon ni Kent.
"Wag kayo mag senyasan sa harapan ko! Yang kapalpakan niyo kasalanan niyo yan. Ilang beses ko kayo niremind about dyan diba?! Hindi ko naman kayo hinayaan na kayo lang mag trabaho, kasama niyo ko nag trabaho niyan! Now tell me what happened sa summer issue?!" Gigil na si Kent. Kung hindi lang niya empleyado ang mga ito baka nakapanakit na siya ng isa.
"Nawala po.. Yung hard copy ng summer issue at kasama po don yung kay Ms. Tricia."
"What?!?! Ang iresponsable niyo naman!!!! Alam niyo naman na matagal natin yon pinagtrabahuhan at plinano!! Alam niyo kung ano hirap natin to reach Tricia! To work with us!!! And you are telling me na wala lahat yon?!?! Ano ilalaunch natin bukas?!?!?!" Halos mapapikit ang mga mata ng empleyado niya dahil sa pag sigaw niya. Wala siyang pakialam kung ano man sasabihin pa ng mga ito sa kanya. Basta ang alam niya galit siya ngayon at hindi niya kaya maging mabait sa ngayon.
"Alam niyo ba ano consequence niyo pag nalaman 'to ni Mr. Solano?!" Tanong niya sa mga 'to pero hindi siya sinagot. At bago pa niya dugtungan ang sasabihin niya napansin niya ang pag ilaw ng kanyang cellphone.
YOU ARE READING
ILS: Bed Roses - COMPLETE
RomanceIt's hard to pretend that you love someone when you don't. But it's harder to pretend that you don't love someone when you really do. If love is sweeter the second time around, let's try to love each other again - Kent Andrada