Chapter IX

67 6 3
                                    

Tatlong taon ang lumipas mula nang umalis si Tricia sa Pilipinas at mag desisyon iwan na si Kent. Na grant ang annulment nila ilang buwan nang makalabas siya sa hospital kahit ano pag mamakaawa ni Kent sa kanya hindi niya iyon pinansin, pinilit niyang tiisin ang sakit na iwan si Kent. Tiniis niyang mag isa si Kent na lumaban sa mga problema dahil bago siya umalis ng bansa malaki ang hinarap ni Kent na problema sa kompanya nila nakita niya kung gaano kabagsak si Kent pero dahil buo na ang desisyon niya mas pinili niyang umalis. Pero bago yon halos mapatay niya ang ate niya sa galit matindi ang pag aaway nila hindi niya alam paano niya nakaladkad ang ate niya palabas ng pamamahay nila Kent dahil akala niya tapos na ang namamagitan sa asawa niya at sa ate niya pero hindi pa pala nahuli niya ito mismo sa pamamahay nila na halos hubaran na ang asawa niya, alam niyang ayaw iyon ng asawa niya dahil naabutan naman niya ito pumapalag sa ginagawa ng ate niya. 

Napahawak siya sa sintido niya nang maalala na naman ang pangyayari. Kaya nga siya umalis para makalimot sa masasakit na nangyari sa kanya sa Pilipinas pero hindi siya tinitigilan ng aalala niyang iyon. 

****

Dalawang linggo ang lumipas nang makalabas siya sa hospital laking pasasalamat niya na hindi nawala ang anak niya at malakas ang kapit nito dahil kung nawala man ang anak niya hinding hindi niya mapapatawad si Kent at ang ate niya. Hindi rin siya umuwi sa bahay nila ni Kent mas pinili niya na umuwi sa dati niyang tinitirihan na kung saan nag i-stay si Rose, pinakiusapan siya ng magulang niya na sa kanila na siya umuwi pero tinaggihan niya iyon dahil  hindi niya kayang makita ang ate niya. 

"Dom. Samahan mo ko sa bahay kukunin ko lang mga gamit ko." Lumapit siya dito kung saan nag dedesign ito ng bagong ilalabas niyang  design for summer. Pero tinignan lang siya nito at binalik ulit ang tingin sa ginagawa nito. 

"Kaya mo ba makita kung ano man madadatnan mo don?" Tanong ni Dom sa kanya hindi ito nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ayaw niya muna pumunta si Tricia doon dahil nabalitaan niya na madalas nandoon si Tracey.

"Gamit ko lang kukunin ko don Dom." Protesta niya. 

"Okay. Prepare yourself Tri dahil for sure kakausapin ka ni Kent. Papasundo na lang tayo kay Alex."  Lumabas ng work room si Dom at iniwan siya doon. Hindi naman niya masisi ang kaibigan kung ganon umasta ito. 


Nakarating sila sa bahay nila mag asawa katulad nga ng sinabi ni Dom sa kanya mag handa siya sa kung ano man makikita niya sa loob ng bahay nila. Huminga muna siya ng malalim bago siya lulmabas ng sasakyan. 

Nang makapasok siya sa loob hindi na siya umasa na si Kent lang makikita niya don. Una palang sinabihan na siya ni Dom pero tumuloy pa din siya para kunin ang gamit niya na kakailanganin niya paalis papuntang New york. Nakita niya ang ate na nasa sala na akala mo siya ang may ari ng bahay. Instead na pansinin niya ang ate niya mas minabuti niya na wag pansin ito at magtuloy tuloy papunta sa kwarto nila mag asawa. 

"For good na yang pag alis mo?" Nilingon niya ang kapatid niya na naka sandal sa pinto at naka halukipkip. Hindi na naman niya ito pinasin at mag patuloy siya sa pag hahakot. 

"Iiwan mo na si Kent? Makikipag hiwalay ka na talaga?" Rinig mo sa boses ni Tracey na nang aasar ito. Sa totoo lang matagal na siya nagtitimpi sa ate niya mula sa pagkakastay niya sa hospital hanggang sa makalabas. 

Nagpatuloy lang siya sa pag aayos hanggang sa matapos siya dahil mas pipiliin niyang iwas ang ate niya kesa makipag usap dito dahil baka hindi na siya makapagtimpi. Lumabas na siya ng kwarto nila wala siyang pakialam kung mabangga man niya ang ate niya. 

"Ayan! Tapos ka na din. Dyan ka naman magaling Tricia. Hilig mo umalis." Mapanuya na pagkakasabi ni Tracey sa kanya. Napahawak siya nang mahigpit sa bag niya.

ILS: Bed Roses - COMPLETEWhere stories live. Discover now