Chapter X

60 5 1
                                    


"Sir" Tawag sa kanya ng secretary niya.


"Monet, i told you i'am busy." Kahit hindi na niya harapin ang secretary niya alam na niya ang sagot nito sa kanya. Panigurado tinaggihan ulit ni Tricia ang proposal para sa summer issue nila this year. Ilang beses na sila tinuturn down ni Tricia at ilang beses na din sila sumubok ng ibang modelo pero hindi tinatanggap ng iba nilang creative dahil kahit boss siya kailangan niya pakinggan ang opinyon ng mga kasama niya sa trabaho tungkol sa mga ilalabas nilang issue. 


"Sir about po kay Ms. Solano po kasi." Kahit isnabi niyang busy siya hindi pa rin siya nito tingilan. 


"Mamaya na lang Monet. I have to go may meeting pa ko sa mga line up writers." Iwas niya. Ayaw niya marinig na decline na naman ang offer nila sa dati niyang asawa. Lumabas na siya ng opisina niya pero sinundan pa din siya nito. 


"Sir Ms. Solano accept our offer and she wants her glam team back at sa new york ang shoot as her per request dahil tayo ang nag offer." Tuloy tuloy nito sabi kaya napahinto siya at pag lingon niya abot tenga ang ngiti ng sekretarya niya dahil sa wakas pumayag na ang dati niyang asawa.


"Sigurado ba yan?" 

"Oo nga sir! Pero may  isa pa request sir.." Biglang nalungkot ang sekretarya niya. 

"What?" Alam na niya sagot pero gusto pa din niya malaman kahit masakit. Dahil kung don sasaya si Tricia pagbibigyan niya ito o lalayo na lang siya. 


"Ayaw niya daw po kayo makita sa mismong photoshoot. At gusto niya si Mr. AA ang photographer." 


Ilang beses na niya gusto tanggapin sa sarili niya na ayaw na siya makita nito kahit dumadalaw siya sa anak nila ni anino nito hindi niya nakikita. Kung hindi pinsan ni Tricia ang maghahatid o sasama sa kanya para mag kasama sila mag ama eh si Allen ang pinasasama nito. Naiisip pa niya na tingin ni Tricia na mas safe ang anak nila pag si Allen ang kasama nito. 


Napabuntong hininga na lang siya.  Kung yon ang kailangan gawin para sa trabaho nila gagawin niya. Pero hindi siya basta basta magpapatalo don sasama siya sa new york pero hindi siya mag papakita dito. Gagawa na lang siya ng paraan para makita ito. 



--


Busy ang lahat para preparasyon ng photoshoot niya nasunod lahat ng gusto niya yung glam team niya ang mag aayos sa kanya kasama na dito ang kaibigan niyang si Dom na masaya para sa kanya dahil sa pgababalik niya sa dati niyang propesyon. 


"Buti naman at pumayag ka na sa proposal nila. Ilang beses sila nag hahabol sayo hahaha!" Pang aasar ni Dom sa kanya habang inaayos ang suot niyang damit. 


"Naisip ko kasi kailangan ko ng income for Lois future. Hindi naman ako pwede umasa kay Kent noh. Wait. Dom masyado naman revealing 'to!" Nakita na kasi niya ang sarili niya sa salamin hindi niya aakalain na ganito ka sexy ang ipapasuot sa kanya ni Dom. Isa lang naman yon sobrang fit sa katawan niya kitang kita ang hubog ng katawan niya. 


"Okay lang yan! Summer issue daw eh tska hindi lang yan may swimsuit ka pa." 


"Ano ka ba Dom! Nanay na ko hindi na ko pwede dyan." Reklamo niya, 


"Gaga! Edi sana tinanggihan mo na lang ulit ito. Tska ano naman kung nanay ka na? You're a hot momma bitch!" 


Inirapan niya lang ito. Wala naman  din siya magagawa dahil wardrobe stylist niya si Dom kaya kailangan niya sumunod dito. 



Tinatanaw lang niya ang kanyang asawa sa malayo. Hindi pa nag uumpisa ang photoshoot kaya may pagkakataon pa siya makausap ang mga staff at creatives ng project na 'to. Ito din ang unang pagkakataon na makita niya ulit si Tricia, dahil hindi naman ito nag papakita sa kanya tuwing susunduin niya ang anak nila para ipasyal ito. Pinag masdan niya ng maigi si Tricia siguro kung nakakatunaw ang tingin niya panigurado lusaw na si Tricia.


--


Lumipas ang ilang linggo at nilabas na ang litrato ni Tricia, ipepresent ito ng head creative team na inasign ni Kent sa New york. Lahat sila nakatingin sa screen kung nasan ang ilalabas nilang issue ngayon summer. Natuwa ang team nila dahil maganda ang pag kakasulat ng mga article, mga sponsor, advertisement, at mga interview sa ibang kilalang tao sa bansa. Sumunod naman ang lirato ni Tricia laking gulat ng mga kasama nila sa kwarto 


Nakatingin lang siya sa mga litrato ni Tricia. Napatingin siya sa mga kasama niyang lalaki na kung makatingin sa litrato ni Tricia parang hinihubaran na ito. 


Sa sumunod na litrato mas lalo nag diin ang mga panga niya. Hindi niya inaasahan na ganito ang kalalabasan ng photoshoot ni Tricia ano ba naisip ni Dom at ganito ka-daring ang suot ng ex wife niya. Given na summer issue ang ilalabas nila pero hindi niya inasahan ang makikita niya kumbaga hindi siya prepared pati na ang isa pa niyang nararamdaman. Umayos siya ng upo dahil alam niyang may nagagalit na sa baba at ayaw niya iyon mangyari dahil siya lang ang mahihirapan. Tinuloy niya ang meeting niya hanggang sa matapos silang lahat kailangan paspasan na ang trabaho dahil nagkasundo sila sa deadline. 



"Monet." Tawag niya sa secretary niya bago ito makalabas ng meeting room.

"Sir?"


"Cancel all my meetings and other appointment for 1 month. Mag leleave ako. Then hanapan mo ko ng ticket flying to New york now or tomorrow morning. I need it. Asap." Utos niya dito. Hindi na niya kaya pa mag tiis. Gustong gusto na niya makita si Tricia, gustong gusto na niya ito bawiin at makapaling ulit. Kung kailangan niya mag effort o pumasok sa butas ng karayom eh gagawin niya balikan lang siya ng dati niyang asawa.


Muli, ay tinignan niya ang litrato ng dating asawa. 


"Damn it. Tricia. I hate you for doing this."



a/n:

Mga galawan ni Kent nangangamoy ano kaya uuwi ng new york. Hahahaha!








ILS: Bed Roses - COMPLETEWhere stories live. Discover now