sorry

84 2 0
                                    

Gising na ako

Nagulat ako sa sarili ko dahil nasigaw ko yun hindi naman ako ganon pero shit bat ganon?

Siguro sobrang hindi ko malimot ung sandaling kasama ko ang mama ni alley kasi kahit panaginip nandon sila.

Yung tipong kinakasal ako kay alley at nandon ang buong pamilya ko at pamilya nya parang ayoko na gumising nung sandaling nandon ako sa panaginip na yon pero sa kabilang banda kailangan ko gumising para matupad sa katotohanan ang mga yon.

Nakasabayan ko sila mama at papa kumaen pero nasa school na ang mga kapatid ko kaya naman kaming tatlo lang sa lamesa.

Mukang ang ganda ng gising ng anak ko sing ganda mo anak.
Bungad na salita ni papa ng pagkaupo ko palang sa upoan

Haha di naman po papa.
Sagot ko naman.

Malamang excited na sya sa pageant ..
Sabat ni mama at nagpakawala ng malaking ngiti.

Huh ma sinabi mo na pala kay papa?
Pagtataka kong tanong.

Oo anak baket may problema ba?
Sagot ni papa

Ah wala naman po pa. hehe.
Pagpapanggap kong sagot.

Love baka naman pinilit mo itong anak mo alam mo namang tomboy yan.
Seryosong sabi ni papa.

Si papa kase tanggap nya ako di gaya ni mama palagi nya din ako pinagtatanggol.

Love hindi ko pinilit si christine tanong mo pa.
Sagot ni mama.

E anak masaya ka naman ba dyaan sa pageant na yan?

Huh? Ano pa?
Kunwaring di ko nadinig ang tanong ni papa.

Sabi ko masaya kaba sa ginagawa mo at sa pagsali mo sa pageant ?

Para sa inyo pa masaya ako.
Agad na sagot ko sakanya.

E para sa sarili mo?
Tanong muli ni papa.

Oo naman pa.
Agad kung sagot baka isipin ni mama hindi totoo ung paguusap namen nung gabi na un.

Pumasok nako sa skwela.
11am na non at 11:40am pa yung first subject.

Kaya naman hinanap ko muna si steve chaves. Kaklase ko sya mamaya pero di nako makapag hintay na makausap sya humingi ng tawad at magpasalamat.

Kaya naman kahit malawak ang school ay talagang nag tyaga ako hindi kaya ng konsensya ko ang manahimik sa ganong pangyayari lalo nang ipagtanggol nya ako .

Pumunta muna ko sa library para hanapin si miggy dahil dito tumatambay ang nerd na kaibigan kong un at alam ko namang hindi ko makikita sa library si steve dahil mukang hindi matalino. Hehe

Pero nagkamali ako at nagulat.
Dahil si steve nakita ko sa library na nagbabasa ng libro at seryosong seryoso.

Gwapo sya pero mas gwapo ako
Napansin ko kasi yung muka nya lalo nat tinatamaan ang muka nya ng liwanag.

Nilapitan ko sya agad agad.
Steve sorry for disturbing can i talk to you.
Hindi nako nahiya kase nagmamadali nadin ako malapit na ang klase.

Lumingon sya at..
Christine?
Nagulat sya!

Oo ako nga
At nginitian ko sya.

Tumitig lang sya saken ewan ko ba napatitig din ako sa mata nya.
Pero binasag ko kagad ang mga titig na un.

Ah e can i talk to you in a minute Yung tayong dalawa lang?
Tanong ko na pinagpapawisan pa kahit naka aircon pa sa library baka mapagkamalan kase kaming couple dahil sa sinabi nya kahapon.

I am lesbian but accidently falls with a manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon