Chapter 1

46 1 0
                                    

Minsan nang bumili kami ng kaibigan ko ng mga school supplies. Naisipan ko'ng bumili ng sticky-note.

"Ohoy! Tang Ina! Ang bading mo Zack! Anong gagawin mo dyan? pangpunas mo sa pwet mo pag natatae ka?" sabi ng kaibigan kong si Satan. Ay! Stan pala...

" 'di naman, trip ko lang..."

"oh sha! sige na! magbayad na tayo para makauwi na rin..." reklamo niya

Nang makarating sa bahay, inisip ko kung ano'ng gagawin ko sa sticky-note.

Lumipas ang ilang minuto at napangiti na lang ako sa aking iniisip.

"Alam mo, para ka'ng tanga dyan!" singit ni SATAN, ay stan nga...

"Alam mo, panira ka ng moment!"

"Alam ko yun. hello! Gagraduate na tayo ng kolehiyo at halos 4 na taon na tayong magkasama sa kwartong ito..." depensa niya

"Oh, eh ano ngayon?"

"Wala, alam ko lang kung anong nginingiti-ngiti mo dyan..." satsat niya.

"oh sige nga, ano?"

"hindi ano... SINO! Si Jane na naman. Si Jane na walang malay. Si Jane na halos 6 na taon mo ng mahal... Ewan ko sa'yo Zack!"

"Eh kasi naman ito oh!" tinapon ko sa kanya ang sticky-note na hawak ko

"Oh, ano naman ang kinalaman nito sa tahi ng puso mo, aber?" tanong niya na may mukhang halatang walang bakas ng kaalaman.

"Hay, Stan! Kahit kailan, ang kitid talaga ng utak mo!" insulto ko sa kanya "Bibigyan ko siya ng nota araw-araw starting tomorrow, since unang araw ng pasukan bukas..."

Napatunganga si Stan at ngumiti "Alam mo Zack, gwapo ka naman ah. Maraming babae naman dyan ang nagkakandarapa para mahalin mo. Ikaw nga yung tinagurian nilang 'Crush Ng Campus'. pero, 'eto ka ngayon... Ang torpe mo braaaad!"

"Aray, ang sakit naman. Suportahan mo na nga lang ako Friend!"

"Oh sha! Pero binabalaan kita, mahirap magtago ng isang bagay sa taong sobrang lapit sayo... Bestfriend mo pa naman yun!" sabi ni Stan habang lumakad papaalis

Bigla na lang akong natahimik at natauhan.

Sa walong taon ng aming pagkakaibigan, anim na taon doon ay patago ko s'yang minahal ng lubusan.

Ngunit, kahit minsan 'di ako nagkaroon ng tibay ng loob para magtapat sa kanya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Sinimulan ko ng isulat yung nota ko para sa kanya...

~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~

Jane,

          Magandang Araw! pero, paano ba 'yan, mas maganda ka pa 'ata sa araw eh.

           Sana maging maayos ang araw na 'to para sa iyo, ayoko kasing nakikitang nakasimangot ka.

           Sige, hanggang dito na lang muna.

-Mr. Anonymous

~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon