Ang sakit sakit sa kalooban ng nalaman ko'ng wala na akong magawa.
Mahal ko siya pero 'di ko siya pwedeng hayaang magdusa na ayon sa kagustuhan niya...
hirap na akong huminga,
hanggang sa nakita ko ang sulat sa likod ng papel...
~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~
Mahal kong Tipaklong,
Una sa lahat, alam mo ba kung bakit tipaklong yung tawag ko sayo? eh, kasi ang hina-hina mo. Alam ko namang ikaw si MR. ANONYMOUS eh. Hindi nila nalaman na ikaw yung kasi hindi pa nila nakita yung PRINTED HANDWRITING MO! Cursive ka lang kasi ng cursive.
Oh, nagtataka ka kung saan ko nakita yung printed na sulat kamay mo?
Eh kasi ganito yun. Last year, naghahanap ako ng ballpen kasi yung sa akin na iwan ko sa bahay. Inisip ko kung mayroon ka kaya tinignan ko yung bag mo. Laking gulat ko nang may nakita akong notebook na may guhit ng larawan ko sa cover page, kaya inuwi ko sa bahay. Nang gabing iyon ko lang din nalaman na....
JOURNAL MO PALA YUN!!!
Ng dahil doon, nalaman ko'ng may gusto ka pala sa akin. Alam mo, ang saya-saya ko nun... Talo na ang Rocket sa taas ng talon ko!
Alam mo kung bakit?
Kasi nung 1st year highschool pa lang tayo, crush na kaya kita. Kahit 'di mo ako pinapansin noon, okay lang basta magkatabi tayo ng upuan. Noong mga panahong yun, kay saya ko kasi inalok mo akong maging kaibigan.
Naging close naman tayo noong 2nd year highschool. Ngunit, masakit na taon yun para sa akin kasi nagka-girlfriend ka, at naging kayo ng crush mo. Alam mo, gumuho ang mundo ko nun! ang sakit eh. Pero, okay lang, maghihintay pa rin ako. Alam ko'ng darating rin ang araw na mapapansin mo ako. At yun nga...
3rd year Highschool. Oh nagbago ang itsura ko ano!!! 'di na ako yung "geek type" kaya mas tumaas yung kompyansa ko sa sarili ko na balang araw ay magiging tayo rin.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.
Mahal kita Zack, pero wala akong lakas ng loob para sabihin sayo yun. 'di ko naman sinasadya at ginustong magkasakit Zack. Pero ito talaga eh. Alam kong gusto mo'ng ibigay ang puso mo sa akin... Hello! noong nagka-dengue kaya ako nung 1st year college tayo, ikaw kaya ang nagdonate ng dugo para sa akin. Pero, ngayon, 'wag na Zack. Ito naman talaga ang kapalaran ko.
Salamat ha! Salamat sa lahat! Sa pag-aaruga at kabaitang ipinamalas mo sa akin. Na kahit minsan, iniiwan kita sa ere, 'di ka pa rin nagdadalawang-isip na sundan ako. Zack, salamat sa pagmamahal mo sa akin.
Pasensya ka na ha, na 'di ko kayang suklian ang pagmamahal na inilaan mo sa akin. Alam kong mahirap pero kaya mo yan! Alam kong makaka-move on ka, ikaw pa!
Zack, sana makakahanap ka ng babaeng maalaga, maunawain, 'wag yung selosa ha, sadyang lapitin ka kasi ng mga babae eh. At higit sa lahat, sana makahanap ka ng babaeng kaya suklian ang pagmamahal mo.
Sana maging masaya ka Zack. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung ano man ang mangyari, ito ang nararapat. God's will, ika nga.
Zack, Ikaw ang bukod tanging nagpatunay sa akin na meron palang Diyos na nagbabantay sa atin, na nag-aalaga sa atin. Pinatunayan mo na sa kabila ng lahat, malalampasan rin natin ang kung anumang hamong tinatahak natin basta't may paniniwala at paninindigan tayo.
Salamat Zack dahil hindi ka bumitaw. Dahil hindi mo ako iniwan. Zack, ang bait-bait mo at buong buhay akong nagpapasalamat dyan.
Hindi ko ginustong iwan ka, Zack. pero kailangan eh. Hindi ko mapigilan.
Zack, 'wag kang magpapabaya ha. Umayos ka. Ayokong mawala ang tiwala mo Zack. 'Wag sanang maglaho ang mga hangarin mo. Sana patuloy mo pa ring abutin ang mga pangarap mo at mga pangarap nating dalawa kahit na wala na ako. Kasi ako, natupad na yung natatangin hiling ko Zack... Yun ay ang malaman kong Mahal Mo rin Ako.
Ingat ka palagi Zack.
Huwag ka ng umiyak.
Smile ka naman ha.
MAHAL NA MAHAL KITA TIPAKLONG!
Tanging sayo,
Kuneho... :)
~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~
pagkatapos ko'ng basahin ang liham na iyon, naramdaman ko na lang na parang tinuhog ang puso ko ng paulit-ulit.
Mahal ko siya, pero kailangan ko siyang bitiwan...
Sa mga sandaling iyon, nagkagulo ang ospital...
Doon ako natauhan...
"Paalam tanging Kuneho ko,
Love, Mr. Anonymous..."
BINABASA MO ANG
Mr. Anonymous
RomanceWhen you fall in love, you must always have the courage to tell the person you had fallen for... The possibilities are either: he or she accepts you or either he or she declines... but what if its too late??? what if your chance flew away??? would y...