Chapter 5

18 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at patuloy ko pa rin s'yang pinapabigyan ng note na nagsasabi kung gaano ko s'ya ka mahal.

Na s'ya lang naman ang nilalaman ng puso at Journal ko.

Na gusto ko ng magpakilala pero pilit ko'ng hindi muna kasi hindi pa oras.

Ngunit dumating ang isang araw na kinakatakutan ko...

nakaupo kami noon sa may puno ng mangga, sa bakuran nila Jane.

Hindi kasi nagsasalita si Jane at halos 30 minutes na kaming nandoon.

"Jane, ba't parang 'di ka umiimik?" tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan

"Wala..." sabi n'ya habang tumalikod

"Hindi ka kasi mapakali..." tumingin ako sa kanya

"Wa-wala nga..." sagot niya

"Hoy Kuneho ko, ano'ng nangyari? Ba't ka lumuluha? Umiiyak ka ba? Hoiiii! magsalita ka naman dyan oh!"

"Ti-tipaklong, kukunin na a-ako ni mama. pupunta na ako ng America s-sa susunod na araw. So-sorry Tipaklong..."

"Ano?!? Tang Ina naman oh! bakit ka aalis? bakit ngayon mo lang sinabi? Ano ba Jane!!!" naiinis na ako

"Kahapon ko lang rin naman na laman eh. Pinilit ko naman si Mama na lilipat ako matapos magkolehiyo. Pero yung visa ko kasi naasikaso na. Wala ng bawian Tipaklong."

"Jane naman oh! 'wag mo naman akong iwan. Kahit hanggang pagtatapos lang. Jane please. Bakit ba kasi???"

"Zack..."

"Ano? Kaya naman kitang bantayan dito. 'di ka naman nag-iisa. kung..."

"Zack, 'di mo kasi naiintindihan..."

"Ang alin? Alam ko'ng namimiss ka na ng Mama mo. Pero wala pa namang isang taon ng..."

"Zack, I'm dying..."

"What.???!!!" O.O

"I have no choice. Umuwi dito si mama para samahan akong magpacheck-up. Sabi ng doctor,  dalawang buwan na lang daw kung hindi ako ma-ooperahan."

"A-ano.. bakit? when???"

"No one knows, Zack. Sabi ni Mama, ito rin daw ang ikinamatay ni Papa. Akala ko bangungot lang ang lahat ng ito, pero hindi eh. Gising na gising ako, Zack. Sorry ha, alam ko'ng masakit sa kalooban mo, pero kailangan eh. Kung pwede lang sanang ibalik yung dalawang buwa'ng nalaman ko, gagawin ko para nasabi ko kaagad sa'yo. Masakit na iwan ka Zack, pero kailangan eh. Upang humaba ang buhay ko, para makasama kita ng mas matagal."

Napaluhod na lang ako sa harap niya

wala akong masabi

"Sorry Zack ha... Pero, habang nandito pa ako. Gusto ko sanang sulitin ang mga araw, ay ARAW na lng pala-wala ng MGA, na kasama ka.  hehehe" pinilit niyang tumawa kahit punong-puno na ng luha ang mukha niya

"Jane, babalik ka naman 'diba?"

"Kasi eh..."

"Babalikan mo naman ako 'di ba?"

"Oo Tipaklong. Babalikan kita..."

"Salamat, kuneho ko..." pinilit ko'ng ngumiti

Inisip ko, kahit na masakit. Binigyan n'ya ako ng pag-asa.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon