Chapter 4

23 2 0
                                    

Sabay na kaming pumasok ni Jane sa school.

"Jane, may nagpapabigay pala sa iyo..." sabi ng isang kaklase namin.

"Sabi 'nino???" tanong ni Jane

"Bilin n'ya kasing huwag ipaalam sa iyo eh... sorry talaga." sabay takbo paalis ng kaklase namin.

"Oh, ano na naman 'yan?" sumbat ko

"Basahin mo nga..." utos niya sa akin.

~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~

Dear Jane,

          Kamusta?

          Sana naging maayos ang araw mo kahapon. Sana maging maayos rin ito ngayon. Huwag ka sanang magagalit sa pinaggagawa ko ha. Ito lang naman kasi ang nakikita kong paraan para ipaalam sa'yo ang nararamdaman ko. Mahal kita! Sana 'pag nalaman mo kung sino ako, hindi ka magagalit. Sana tanggapin mo ako.

PS: Smile ka din!

-Mr. Anonymous

~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~o~~

"O.A. naman n'yan!" reklamo ko...

*Aray ang sakit ng sinabi ko. Sinaktan ko lang ang sarili ko huhuhu :'(*

" 'di ha! 'pag nalaman ko kung sino 'to, hinding-hindi ako magagalit kasi parang mahal ko na rin s'ya eh..." hayag niya

"ANO???!!!" ^_^

"Wala... sabi ko, tara na... Late na tayo..." lihim niya

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon