Chapter 2

29 1 0
                                    

Pumasok na kami ni Stan sa school, pero 'di ko pa rin nakikita si Jane. Kapag ganitong oras kasi nakaupo na 'yon sa tambayan namin.

Lumipas ang ilang segundo nang may biglang yumakap at tinakpan ang mga mata ko. Ng hinawakan ko ang mga kamay, nalaman ko na kaagad kung sino iyon...

"Jane naman oh! Kakaplantsa ko lang ng polo ko tapos gugusutin mo lang... NakakaTurn-off kaya... Ayokong maglakad sa hallway na magusot ang damit nakakahiya sa mga babaeng nag-aabang sa akin" kinawayan ko naman ang mga babae sa harapan ko na kanina pa ngiti ng ngiti sa akin.

"Zack naman ang O.A masyado. Iwasan mo na nga 'yang pagkababaero mo. 'di kasi bagay sa'yo eh." hayag niya

"Alam n'yo, kayong dalawa, talo n'yo na ang asukal sa tamis. Hala sige! kayo na! kayo na ang ihahalo ko sa kape ko mamaya..." singit na NAMAN ni SATAN

"Alam mo rin Stan, hindi ka pa rin nagbabago kahit papano. Satsat ka pa rin ng satsat." sabi ni Jane

"Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa klase eh..." sabi ko, hiyang-hiya na kasi ako eh, baka kung saan pa tutungo ang usapang iyon.

Pagdating namin sa silid, naisipang magC.R. ni Jane, habang ako naman ay nagkaroon ng chance upang ilagaya sa bag niya ang note ko.

Pagkatapos ko'ng ilagay ang note, nagpasama naman si Stan sa cateen upang bumili ng I.D sling.

*kung 'di lang kami magkabarkada nito, iisipin ko talaga na may gusto sa akin 'to, kung saan-saan kasi nagpapasama eh*

Maya-maya ay bumalik na rin kami sa silid.

Pagkapasok at pagkapasok ko sa silid ay nakita ko si Jane na kasing pula na ng kamatis habang hawak ang nota na nilagay ko sa bag niya.

"Uy, ano 'yan ha! Parang may secret admirer na 'ata tong si Jane, guys!!!" sigaw ng katabi niya

At naghiyawan ang buong klase

"Pero alam n'yo guys, parang pamilyar ang sulat kamay na 'to..." hayag ni Jane habang...

habang...

habang...

habang...

habang...

NAKATINGIN SA AKIN

*Sheeeeet! Wala na... Bistado na ako*

"Akin na nga! Patangin!" sabay hablot ni Stan sa papel "Ang pangit ng sulat kamay... Mas maganda yung sa'yo Zack!"

"Ewan..." Yun lng talaga ang nasabi ng Tanga.

"What's with the noise class!!!" Singit ni Ma'am Fordes

*Hay salamat...*

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon