Ganoon nalang ba talaga ang love? Kung hindi masaya, mapanakit?Ba't nga ba palagi nalang may kasamang pain ito?
Ano bang ginawa ng mga tao noon sa pag-ibig?
Ba't ngayon tayo ay nasasaktan?
Ba't ngayon, iniwan mo ako?
----------------------------------------
I blew out a smoke.
Putchang pag-ibig 'to. Walang nagagawang tama.
Di ko akalaing makakapagyosi pa 'ko ulit. Kinalimutan ko na 'tong buhay na 'to. It feels good inhaling it, even if I know it's bad for me.
Eh siya nga, she's good for me, yet she chose to hurt me. Sinaktan niya ko.
Ano bang ginawa ko di'ba? I did everything. Heck, I even changed for her. Pero she did back? Iniwan niya ako.
She made me miserable. She left me in pieces.
Sinira niya ako.
I gave her my heart. Whole of it. I gave her everything. Ginawa ko yun kasi alam kong siya na. She's the one I'm spending my life with. Clinaim ko na agad, pero ano nangyare?
She left. She left me with nothing but my broken heart. Putcha, tinapon niya yung 7 years! Andami naming plano para sa kinabukasan namin. Pero lahat ng 'yon, burado. Sira. Wasak. Di na mababalik.
"Maki, punta ka dito."
"'To nanaman ba tayo, Bei? Di ka ba napapagod?"
"Alam mo na sagot ko diyan, Maks."
Napabuntong hininga siya. Pati ata bestfriend ko napapagod na saakin. Iwan na rin ako. Napangiti nalang ako ng mapait.
"Kahit munggago ka na sa sitwasyon mo ngayon. Alam mong di kita iiwan. Hintayin moko. I'll be there at 12."
Sinabi ko na bang nandito ako sa party ng mutual friend namin? Hindi pa ata. Di ko rin naman alam kung pupunta siya eh. I guess, di naman.
Nasa poolside lang ako ng bahay nila. Kakabigay ko lang ng regalo sa friend ko. It's her 33rd birthday, and ngayon lang ako nakapunta. Everytime na iniinvite ako, di ako pumupunta. Ito rin kasi ang date nung anniversary namin. Saya diba?
"Bea, oh." Inabot niya saakin ang cup of wine.
"Salamat." Tinanggap ko naman ito at tipid na ngumiti sa kanya.
"Kamusta ka?" Tanong niya sakin at nakatingin lang siya sa malayo.
"Di ko alam. Di ko parin alam." Pagkasabi ko non, ngumiti ako sa kanya.
"Bea, kahit anong ngiti mo dyan, alam ko naman kung anong totoo. Dude, it's been 3 years? Di ka parin nakakamove on? Akala ko ba BEAst ka?"
"Kianns, alam mong di madali yon."
"I know, it's hard. Pero look at yourself. Iba ka na sa Bea na kilala ko. You look so much worst. Sa tingin mo ba, matutuwa siya na nagkaganyan ka?"
BINABASA MO ANG
Collective Mumbles (JhoBea oneshots)
FanfictionRoller coaster ride. This is just a product of my imagination. It's purely fictional.