Matagal na panahon na ang nakalipas. Pero nandito parin siya sa puso't isip ko.Kinuha ko ang color pencils at lapis sa cabinet. Hinanap ko naman ang drawing pad sa ilalim ng kama ko.
Idradrawing ko ulit siya. Kung gaano kaganda ang ngiti niya. Kung gaano kaamo ang mukha niya. Kung gaano ko siya minahal.
May mga pumupunit nanaman na luha sa mga mata ko. Pero wala akong pakialam.
Drawing lang ako ng drawing hanggang tumatak sa isipan ko yung mukha niya. Yung mukha niyang minahal ko ng sampung taon. Yung mukhang walang ginawa kundi ang makakabuti para saakin.
"Anak, bumaba ka na dyan. Kakain na tayo." Nakapasok na pala sa kwarto ko ang mama ko, 'di ko namalayan.
"Susunod na po ako." Sagot ko sa kanya at patuloy parin na gumuguhit.
"'Nak, 'di ka ba mapapagod?" Natigilan ako sa ginagawa ko. 'Di ba talaga ako mapapagod? Tumingin ako sa kanya.
"Hinding hindi ako mapapagod, Ma." Sagot ko sa kanya at ngumiti habang may mga luhang pumapatak saaking mga mata.
Ngumiti lang siya sakin nang malungkot. Alam kong nahihirapan na siya saakin. Alam ko 'yun. Pero masisisi niyo ba ako? Mahal ko ang mama ko, sobra. Sadyang, masakit lang at matindi ang naranasan ko kaya di ako ganun kadaling makamove on.
Finally, natapos ko rin ang walang katapusang pagpapaint at pagdradraw sa mukha niya. Sa ganitong paraan ko nalang muling makikita siyang masaya.
"Beatriz.." hinaplos ko ang mukha niya sa painting. "I love you.." ngumiti ako kasabay ng pagluha muli ng mga mata ko.
Nilapag ko ang painting sa bed, at muli itong pinagmasdan. Mukha talaga siyang angel. Napangiti nalang ako sa nakikita ko.
Bumaba muna ako para kumain. Baka tuluyan nang magtampo si Mama sakin.
"Jho, andyan ka na pala. Halika, kain." Excited niyang sabi. Hinila niya pa ang upuan para saakin. I appreciate the effort, Ma.
"Thank you, Ma." Tipid na ngiti ko sa kanya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya.
"Oh, paborito mo yan diba? Kain ka marami. Nangangayayat ka na oh." Pagpisil niya sa braso ko.
Oo, sobrang payat ko na unlike sa dati kong katawan. I stopped playing volleyball. I lost interest with it. Wala narin namang kwenta kung patuloy pa kong maglalaro.
Napaisip nanaman ako sa kanya. Kahit saan, lagi ko siyang naaalala.
Umiling ako. Kahit ngayon lang, please. Ayaw ko na munang masaktan.
"Jhoana, meron palang gustong kumausap sa'yo. Kahit ngayon lang, 'nak, pagbigyan mo na. Miss ka na niya eh." Malungkot na ngumiti ang mama ko.
"Sige po, Ma." Nagulat naman siya.
"Totoo ba 'yan, anak?" Tuwang-tuwa niyang sabi saakin. Ngayon lang kasi ako pumayag eh, pagkatapos ng lahat.
"Opo." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ko ito. I'm okay with Mama being happy. Kahit siya nalang sumaya.
Tuwang-tuwa naman ang mama ko dahil doon. Kwento siya ng kwento saakin tungkol sa mga maraming bagay. Sa paborito niyang musika, teleserye, at iba pa. Natuwa naman ako dahil don, kahit onti, kahit katiting. Atleast, kahit papano, nakakausad naman ako.
BINABASA MO ANG
Collective Mumbles (JhoBea oneshots)
FanficRoller coaster ride. This is just a product of my imagination. It's purely fictional.