Behind the Bushes

2.4K 30 20
                                    




"Hoy, mamshie! Today is the daaaaaaaaaay!"


Teka nga. Ang ingay ingay naman eh. Mananampal nako ng tao dito ah. Yung tulog ko.. yung pinakamamahal na tulog ko..


"Jhoana Maraguinot! 'Di ka ba babangon diyan?! Ngayong araw mo na makikita 'yong crush mo!"


Crush ko? Oo nga noh. Wait...


"Waaaaaaaaaaaaaaah! Nico! I'll see my bebe loves todaaaay!" Kilig na kilig kong sabi. Isang bagay lang talaga tungkol sa kanya napapabangon ako eh. Hihihihihi. Lande.


"Hoy! Share kaya tayo sa kanya. Bleeeeh!" Aba't ayos 'to ah. Akin lang siya! Akin lang ang asawa ko!


"'Wag kang feeling! Mas maganda ako sa'yo kaya ako ang may mas karapatan!" Mataray kong sabi sabay hairflip.


"Besh, okay na sana... kaso lang amoy laway bes." Takip-ilong niyang sabi saakin. Oops. Oo nga pala, kakagising ko lang.


"Whoops. Sorry, baks! Maliligo na'ko!" Kumaripas ako ng takbo mula sa kama ko papunta sa banyo namin.


Phone, check. Towel, check. Outfit, check. Speaker, check. I guess, I'm all set! Time to take a baaaath!


"I need a one dance! Got a henessy in my hand!" Pagsabay ko sa kanta na tumutugtog. Thank goodness for my ate's spotify account. Premium baby!


At sa wakas, natapos rin ako maligo. Syempre, kailangan fresh ako para pag nagkita kami, mabango ako at mainlove siya nang tuluyan saakin. Waaaaaaaaah. Sorry, feelingera talaga ako.


"Mamsh, saan na raw si Beadel?" Di-makapaghintay kong tanong.


"Wala pang update si Tita Det. 'Wag kang makulit diyan."


Actually, Nico's a good friend of Bea. Bea De Leon is my ultimate crush since my freshman year. She's the team captain of the ADMU volleyball team. She's really famous kasi nga naman... ang gandang gwapo niya. Halos lahat ng straight saamin, nabaliko niya. Ganun kalakas yung impact. Buti nalang talaga close kami nito ni Nico. Atleast, I'd get to meet Beadel my loves.


"Hoy, Jho! I'm asking you something, tulala ka nanaman diyan. Maya mo na pagnasaan si Beatriz!" Maarteng sabi ni Nico saakin. Bitter talaga 'tong isang 'to. Palibhasa, walang jowa!


"Ano ba kasi tanong mo?!" Iritang sabi ko kay Nico. Napakajudger talaga nito.


"As I was saying, I'm asking you if you wanted to...." Nagsimula na siyang magsalita pero dahil masyadong occupied ang utak ko with Bea and only Bea, 'di ko na maprocess yung sinasabi ni Nico. Hayaan mo na siya. Bahala siya dyan. Hahahahaha.


Nagopen muna ako ng social media to check for updates... syempre charot lang. Stalk ko muna si Bea.


"_beadel: 👀 you."


Luh? Ano kayang ibig sabihin nitong tweet niya? Mata you? Bulag you? Kita you? See you? Ahhhhh. See you!


Eh sino namang kikitain nito? Hala selos na 'ko agad. Eh keshe nemen my bebeleves hehehehehehehe.


Bigla namang bumusina ng napakalakas itong si Nico Evangelista. Nagulat ako kaya nauntog ako sa may ceiling ng sasakyan. Spell shunga.. J-H-O.


"Buti nga sa'yo. Isinisumpa kong di kayo magkatuluyan ni De Leon! " Lumaki naman ang dalawa kong mata na malaki na nga mas pinalaki pa. Anong pinagsasabi nito ni bakla?! Hindi pwede! Bawiin mo yaaaaan!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collective Mumbles (JhoBea oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon