"I love you."'Di siya sumagot. Nararamdaman ko na.
"Mahal kita.."
Tumingin ako sa kanya para makita ko ang reaksyon niya.
Blanko. Mukhang pagod. Nahihirapan.
"Jhoana, itigil na natin 'to."
"Edi tapusin na natin yung usapan na 'to. Ano bang gusto mong topic?"
"Hindi ako nakikipagbiruan, Jho. Ayoko na."
"Bakit.. bakit naging ganto?"
Isa, dalawa, tatlo.
"Pagod na ako."
Apat, lima, anim.
"Pwes ako, 'di ako napapagod, Bea."
Pito, walo, siyam.
"Maaaring mahal kita.. pero mahal nalang kita."
Sampu. Sampung beses ako nagbilang habang yung puso ko ay unti-unting pinapatay.
"Saan ka ba sasaya, Beatriz? Sabihin mo sakin."
Gustong gusto kong magmakaawa. Gusto kong sabihin niya na nagbibiro lang siya.
Gusto kong yakapin niya 'ko't ulit at halikan sa noo.
Gusto kong ibalik yung dating Bea na nakilala ko.Ninanais ko muling marinig ang tatlong mga salita. Kahit alam kong 'yun na ang magiging huli.
"Kasama siya."
'Di ako umiiyak. Marahil, naubos na sa tuwing gabi kong paghikbi, habang siya'y nasa tabi ko.
Katabi ko siya, pero pakiramdam ko na malayo siya. Malayo na siya.
"Anong nangyari saatin?"
"Wala na ang ikaw at ako sa tayo. Tinatapos ko na. Hindi na tama."
Sana pinatay mo nalang ako.
"Minahal kita, Jho. Maniwala ka sakin. Pero.. pinagtagpo lang tayo at hindi itinadhana."
Nararamdaman kong sumuko na ang mga tuhod ko. Napapaupo na 'ko sa sahig. Niyakap ko ang mga binti ko.
"Jhoana, palayain mo na 'ko."
At sa unang pagkakataon.. sa hinaba haba ng kalbaryo. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya, habang pumapatak ang mga luha ko sa aking mga mata.
Lumuhod siya sa harapan ko para maging pantay kami.
Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.
"Forgive me, Jhoana."
Nakangiti parin ako sa kanya.
I held her hands na nasa pisngi ko.I remember how comforting it was, holding her hand when I'm afraid.
I remember how these hands held me when I was falling apart.And now, I'm falling apart again.. but there are no hands to catch me anymore.
Mawawala na siya saakin.
"I forgive you, mahal. Kahit ilang beses pa, I'll always forgive you.."
Nagsimula na siyang umiyak. Alam kong nasasaktan din siya. Alam na alam ko 'yun.
"I don't want to see you hurt like this... mahal." Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang matawag siya.. kahit hirap na hirap na 'ko.
"I'm sorry.."
"You know how much I love you.." She held my hand holding hers. "Even if it takes hurting.. just to see you happy.."
"And with that.. I'm letting you go."
In that moment, alam kong malaki ang magbabago sa buhay ko.
I'm letting go someone I thought I'll be with in the future.
I had my life planned out with her.
Everything is perfect.
Everything was perfect.
But perfection doesn't exist.
"But I have one favor to ask you.. before you go.."
"Anything, mahal." I can feel my heart getting shattered slowly.. at mas lalo pa nang tawagin niya 'ko..
Which I guess, is the last time.
"Can you tell me I love you.. for the last time?" I'm helpless. "Alam kong hindi na 'yun totoo.. pero please pretend you still do.. sa pinakahuling pagkakataon."
"Mahal kita, Jhoana."
"Mahal na mahal kita... paalam."
------------------------------------------
Sorry na agad. Pwede niyo na 'ko awayin sa comments. 😇
BINABASA MO ANG
Collective Mumbles (JhoBea oneshots)
FanfictionRoller coaster ride. This is just a product of my imagination. It's purely fictional.