Mondays

1.5K 33 0
                                    




Ugh, school sucks. Lalo na kapag Monday na. Pare-parehas lang naman tayo ng iniisip diba? Lol.


Narinig ko na ang panglimang ring ng alarm clock ko. May training pa pala.


I growled in frustration. Simula highschool years ko, ganto na yung routine ko, pero nagrereklamo parin ako. LOL.


Ngayong season na ako paglalaruin dito sa Ateneo. Kailangan ko muna kasi ng 1 year residency, kaya training training lang muna ako last year pero ngayon, sasama na'ko sa mga games.


"Jhow, tayo na dyan. Baka maunahan pa tayo ni Coach." Pagpalo ni Jia sakin sa braso.


"Eto na, tatayo na nga eh." Niligpit ko na ang kumot at pillows ko.


Naligo na'ko't nagbihis rin. Bumaba naman na'ko agad para magbreakfast with the team.


"Goodmorning, Jho!" Bati nila saakin. Ngumiti naman ako sa kanila.


Syempre, tumabi ako kay Jia. Seatmates kami eh. LOL.


"Bes, may bago daw tayong teammate." Excited niyang sabi saakin.


Napataas naman ako ng kilay. "Talaga? Sino?"


"Papakilala pa raw mamayang afternoon training eh." Sabi ni Jia.


"Oh okay." Tipid kong sabi at naglagay na ng pancakes sa plate ko.


So may bago palang teammate... I wonder who it is. Sana 'di attitude. Lol.


"Uy, Jho. Ngumingiti ka mag-isa dyan? Baliwan na?" Natatawang sabi ni Ate Mae.


"Hehe, lam mo na 'yan, 'Te!" Tas nagapir kami ni Ate Mae. Baliw nation kami eh.


Pumunta na kaming BEG. At dahil badtrip si Coach Tai, ayun. Sobrang beastmode. Lahat kami nakalupasay sa sahig dahil sa pagod. Wala pang scrimmage nito ah. I really really hate Mondays. Tas marami pakong class mamaya. Haaaaaaay!


MagCCR muna ako. Kahit masakit katawan ko, naiihi na kasi ako kaya no choice. Lolskie.


"Psst." May nagsitsit dun sa madaling part ng gym. Babae... nakaupo.


Napatingin naman ako. She smiled at me. And guess what? Kinikilig ako, shet! I don't know who she is pero ang attractive niya. WAIT! Straight ako. Straight ako. Straight ako. Straight ako.


Di ko nalang siya pinansin at pumunta na sa CR.


Pagbalik ko, wala nang nakaupo dun sa madilim na part. Umalis na siya?


Wait, ba't ako nadisappointed? Luh, self. You're losing your mind.


"Jhow, u go here go here spike." Sigaw ni Coach T. Shet. Eto na.


Syempre, ginalingan ko. Kaya nagthumbs up naman siya sakin at pinagpahinga na ako. Wooooooh! Kapagod! Grabe!


May nakita naman ako gumulong na gatorade sa paa ko. May message. Napakunot naman ako ng noo.


You did a great job spiking those balls. Idol na kita.

P.S. You look cute. But next time, smile ka na para mas cute ka. ;)

-B


Napangiti naman ako. Tumingin naman ako sa pinanggalingan nung gatorade. I know this is from the girl in the dark earlier. Pero, malapit na siya sa exit at naglalakad na paalis.


Collective Mumbles (JhoBea oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon