Finally, the Sun Shines [Waiting Shed (2)]

1K 36 8
                                    




"Ba't kaya antagal tumigil ng ulan?"


"'Di ko rin alam, Bea. Pwede bang 'yun nalang itawag ko sa'yo? Mahaba yung Beatriz eh." Ngumiti naman siya at tumango.


"Kahit ano pa 'yan, basta ikaw ang tumatawag, okay lang saakin."


"Ang bongga ng linyahan mo ah. Banat ba 'yun?" Biro kong sabi sa kanya. Natawa nalang siya.


"Pag sinabi kong oo, anong gagawin mo?"


Napatagal naman akong tumingin sa kanya. Ewan ko, pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis lang ng mga pangyayari. Parang kanina sobrang kinamumuhian ko siya, 'tas ngayon, biglang may ganito akong nararamdaman?!


"A-ah, e-edi ano. Wala." Tumingin narin kasi siya saakin kaya napaiwas na 'ko ng tingin. Ang awkward.


"Kinilig si Ineng!" Pang-aasar niya saakin.


Hinampas ko naman siya sa braso. "'Di ako kinikilig! Asa ka!" Nagbelat naman ako sa kanya. Childish, right?


"Ouch.." sambit niya habang nakapikit. Shemay, baka nasaktan ko talaga siya! Namumula yung arm niya!


"Hala! Sorry, Bea! 'Di ka ata sanay mahampas!" Pinipigilan ko yung tawa ko. Nakakatawa yung itsura niya. Parang batang nasugatan tas anytime soon iiyak na. Hahahahaha.


"Ansakit, Jho."


Okay, kung kanina natatawa pa'ko. Ngayon... pinagpapawisan na'ko ng malamig dito kay Beatriz! Ba't ang hot nung pagkasabi niya ng, "Ansakit, Jho." Parang gusto ko na siyang paluin palagi. Chos.


"Akin na nga." Hinawakan ko yung parteng masakit sa kanya. Napaaray naman siya ng mahina nung dumaplis ang thumb ko duon. Parang magpapasa nga eh. Hay, sorry talaga.


Hinipan-hipan ko ito. At 'di ko akalain ang sunod na ginawa ko.


I kissed the spot.


Gulat na gulat siya nung ginawa ko 'yun. Ako rin naman. Nadala ako sa aking damdamin. Nasanay kasi akong ganyan 'pag may nagkakasugat saamin. Sa family ko, sa mga kaibigan ko.


Syempre 'di ko ikikiss kapag sa mga part na sensitive and full of germs. Yuck.


"T-thank you, Jho." Nauutal na sabi ni Bea at lumunok. Kita ko ang awkwardness niya towards me ngayon. I'm sorry. 😅


"You're welcome. Huy, sorry for doing that. Nasanay lang kasi ako. " tipid na ngumiti ako sa kanya at nagpeace sign.


"O-okay lang 'yun." Ngumiti naman na siya kaya I think we're good na?


Lumipas ang ilang minuto pagkatapos ng scene namin na 'yun. Nanahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan parin yung ulan. 'Di parin tumitigil eh. Palakas nga ata nang palakas.


And finally, she broke the silence.


"Jhoana, have you ever been in love?"


Matagal tagal bago ako nakasagot. Huminga muna ako nang malalim.


"I have."


"Did it make you happy?"


"I was."


"But why it went wrong?"


Collective Mumbles (JhoBea oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon