I'm Beatriz, and I still love my ex."Isabel de Leon! Ang kupad mo talaga!" Reklamo ng bestfriend ko, si Maddie.
"What the hell, Mads! Ayoko ng Isabel diba? Ang girly!" Umarte pakong nasusuka.
"Bilisan mo nalang! Mauubusan tayo ng tickets sa concert ng The Script." Kinurot niya yung braso ko kaya napangiwi ako sa sakit. Ang brutal!
At dahil hinila na niya ang kumot, wala akong choice kundi bumangon sa higaan. Epal sa tulog 'to si Madayag.
"Lumayas ka dito sa kwarto. I'll do my thing na so we can leave as soon as possible." Masungit kong sabi sa kanya. Ngiting tagumpay naman niya kong tinanguan at umalis na ng kwarto ko.
Tapos na 'ko maligo at magbihis. I'm just wearing a simple shirt and black shorts tsaka white sneakers. Di talaga ako girly, and I like girls.
Bumaba nako ng kwarto at kinitongan si Maddie na nasa sofa.
"Ano ba?! Ambagal mo na nga, nananakit ka pa." Umirap siya sakin habang hinahawakan ang ulo niya. Hahahahaha!
"Tara na, Madeleine." Hinila ko na siya papuntang sasakyan.
Tinurn on ko ang player at sinaksak ang phone ko doon.
The Script is our favorite band. Actually, favorite rin ito ng ex ko.
Nagdalawang isip ako kung pupunta ako, pero in the end, pumayag rin ako. May deal kasi kami ng ex ko na dapat kaming dalawa ang magkasama sa concert ng The Script kapag pumunta na sila dito, kaso lang, we broke up.
Pero anyways, I love The Script kaya sure go na talaga ako na manunuod ako, kahit di ko na siya kasama.
"And you'll see me waiting for you, at the corner of the street so I'm not moving.." Pagsabay sa kanta ni Maddie.
Pinatay ko na ang player. We arrived na sa mall eh.
"Ba't mo pinatay?!" Inis na sabi ni Maddie. Shunga.
"Andito na ho kasi tayo, Ms. The Script fangirl." Lumabas na 'ko ng sasakyan at sumunod naman na siya.
Marami ng tao ang nakapila. First day kasi ito.
"Bei! Andami ng tao! Paano 'yan?"
"Wait, ako bahala."
I called my Tito John.
"Beatriz, napatawag ka?"
He's my ex's father. Close na talaga ako sa family nila kaya kahit break na kami, I still contact them.
"Tito, can I ask a little favor from you? Please, Tito?"
"Of course, Bea. Ano 'yon?"
"Tito, pwede po ba kaming makahingi ng ticket ng The Script? 2 tickets po sana."
"Sure, why not? Buti nalang nasabi mo. I have spare tickets. Don't worry. Nandyan ba kayo sa selling today?"
"Yes! Thank you po, Tito! Opo. There are alot of people eh. I don't think we'll be able to buy kaya I called you."
"Oh. Two tickets, di'ba? Manunuod kayo ni Jhoana?"

BINABASA MO ANG
Collective Mumbles (JhoBea oneshots)
FanfikceRoller coaster ride. This is just a product of my imagination. It's purely fictional.