Yumi’s POV
“NASISIRAAN KA NA BA NG BAIT, CHARINA MAYUMI RAFALLO LOPEZ!? HA?!” Lechugas. Kailangan pa talagang sabihin yung buong pangalan ko? Eh di ko nga yan sinabi nung nagintroduce ako kasi ayaw ko sa name kong Charina eh. Too girly -___- Anyway, andito kami sa bahay ko. Dumiretso kami dito after nung nangyari kanina. Ugh.
“Chill ka lang, Ky-“ Naputol yung sasabihin ko kasi nagsalita na naman si Kylita Bungangera. Haha
“Chill? Anung sabi mo, Charina? CHILL?! Pano ako makakachill sa ganitong sitwasyon?! Sa tingin mo ba may oras pa akong magchill kung alam kong malapit ka na mamatay?! Ha?!”
“Masyado ka naman concerned sakin, Kylita Rosas!” Kyla Rose kasi name niyang babaeng yan kaya Kylita Rosas ang tawag ko. Haha. “Saka ako mamamatay? Hahahahahaha.”
“Loka-loka ka na ba talaga, Mayumi?! Diba sinabi pa lang sayo kanina ni Joyce at Karen na isa ang pamilya ni Kevin Reyes sa pinakakilalang mga tao dito sa Pilipinas?! Di mo ba naisip kung anu ang pwede niyang gawin sayo? Ha?!” Umiling ako. Then biglang naging ganito yung feslalu niya: -_-. Nag peace sign nalang ako. Haha! “Shet talaga, Mayumi. Bakit ka pa kasi pumatol dun?!”
“Anu gusto mong gawin ko?! Hayaan lang sila na lait-laitin tayo? Na pagtawanan tayo at itrato tayo na parang basura? Ha? Yun ba dapat ginawa ko?” Natahimik siya sa sinabi ko. “Anu, Kyla? Diba tama naman yung ginawa ko?”
“Oo, alam kong mali yung ginawa nila.” Huminto siya. “Pero I have a feeling na mali ang kinalaban mo Yumz eh.”
“I don’t care. Kahit anak pa siya ng presidente ng Pilipinas, kakalabanin ko pa rin yung mokong na yun. Hindi naman pwedeng ganun nalang siya magasta. Dapat turuan yun ng leksyon eh. Saka sino kaya saming dalawa ang hindi tinuturuan ng Good Manners And Right Conduct? Bwisit na yun.”
“Hayyy. Di na kita papakialaman sa desisyon mo, Yumi. Pero ito lang masasabi ko,” She flashed me a naughty smile then sabi niya, “Wag na wag kang magpapatalo sa lintik na yun ha!” Yun oh! Hahaha! Lumapit siya sakin then yinakap niya ako. After ilang minutes, umalis na siya. Malapit lang naman kasi bahay niya dito eh. Sa kabilang street lang.
Nung natapos na akong kumain ng dinner ko, dumiretso na ako sa kwarto ko. Sa wakas, makakapahinga na rin ako. Nakakapagod todamax ang araw na ‘to! Brrr.
“You will be my slave for 100 days.”
Gahhh! Just thinking about it gives me the creeps. Still can’t believe na pumayag ako dun sa kondisyon nung kumag na yun. Parang wattpad story lang eh?! Which reminds me..
Dali dali akong pumunta sa desk ko and binuksan laptop ko. I opened Google and typed Kevin Reyes. Tig-click ko yung pinakaunang link.
Kevin Jhonathan C. Reyes
-Born on November 13, 1998
-The youngest child of Karl Dominic Reyes and Jane Zharine Reyes
-Has one sibling: Kryzle Janice Reyes
-Since preschool, he has always been the top one in his batch
-Won a silver medal in the Olympics for competing in swimming last year
-Learned Judo and Karate when he was only 7 years old
-Model and endorser
-Studies at Xavier University
(o.O )
( O.o)
(O.O)
OH. MY. GOD.
Goodness gracious. Shete. Shete. Shete. Otso. Tungunuuuu >//< Tama na nga yang kaiisip mo Yumi! Para naman kasing magagamit niya yung galing niya sa pagswimming or sa karate and judo sa contest eh. Di naman yun kailangan para manalo diba? Diba? Diba? @.@
Saka top one? Psh. Para lang niyan. Ever since preschool, ako rin naman yung laging top one sa batch namin eh. Though I really didn’t expect na top one yung kumag na yun. Parang puro lang naman hangin nasa loob ng utak nun eh. Grr.
Hoy Mayumi! Get a grip of yourself! Mag-aral ka nalang nga kaysa magisip tungkol diyan sa Kevin Reyes na yan. Baka malason pa precious brain mo eh. Wahaha. Pero wait, anu na bang araw ngayon? Tiningnan ko yung calendar.
September 12 na?!?!?! September 15 yung NQB (National Quiz Bee) eh! Bweset yan! Zzzz. By the way, nasabi ko na ba na isa ako sa representative ng school namin para diyan? Ang kinuha kasi nila yung may highest average score sa bawat year level. Last month pa nila sakin sinabi na kasali ako dito pero bakit ngayon pa lang ako mag-aaral? Pft. Kailangan ko na talaga mag-aral!
I won’t let that pathetic jerk win.
Kevin’s POV
“Hoy Kevin Jhonathan! Lintik ka. Anu na naman ginawa mo?!” Meet James Gabriel Vargas aka Jem. Best friend ko since elementary.
“I was just having fun, Jem. Hahaha.” Di ko talaga mapigilang tumawa pag naiisip ko yung bitch na yun eh. Haha. Ampota kasi ng ugali! >:D
“Langya. Wag mo sabihin napaaway ka na naman?!”
Sinabi ko sakanya yung nangyari simula kahapon.
“Pati ba naman babae pinapatulan mo?! Naglaladlad ka na ba, Kevz?!? O.O”
“Pota. Siya naman yung nakabunggo ah! Di man lang nga humingi ng tawad. Basura na eskwelahan, basura pa ugali.”
“Lakas naman ng loob mo, bro! Eh ba’t ikaw? Di ka rin naman humingi ng tawad nung nabunggo mo siya kahapon ah.”
“Kasalanan rin yun nung lecheng babaeng yun.”
“Tinulungan mo sana siya, bro. Saka di niya siguro alam kung sino ka.”
“Di talaga ako kilala nung hayp na yun. Taga-public nga, diba? Mga mangmang yun mga nandun.”
“Grabe ka naman, paps.”
“Edi kampihan mo yung t*nginang yun!”
“Hahahahahahahahaha.” Tawa lang siya ng tawa. Anu nakakatawa? Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagsalita na siya at sabi niya, “Wengweng na wengweng ka na diyan sa babaeng yan ah! Hahahaha. Ampota. Baka may gusto ka na diyan pre.”
“HA HA. Pakyu .|.”
“Love you too, bakx! :*” Nagpout siya na parang manghahalik.
“Hayp yan. Hahahaha!”
Nagtatawanan lang kami nang magsalita siya, “Pero di ako nagbibiro pre,” Biglang naging seryoso mukha niya. “May gusto ka na ata talaga sakanya.”
“Yucks pare! Ampota?! Hahaha! Lul.” Sino naman magkakagusto dun sa feeler na yun? -__-
“Sabi mo. Haha. Sige papabear, may gagawin pa ako.” He patted my shoulder at umalis na. Psh. May gagawin daw, manch’chicks lang yung mokong na yun eh!
Saka anu yung sinasabi niyang gusto ko yung babaeng yun?! YAK! Napakafeeler nun eh. Parang ang galing, e taga-public lang naman. Hinamon pa ako nung hayp na yun. Pero nakakaintriga rin yung bubwit na yun ah, siya kasi pinakaunang babae na ginawan ako ng ganito. Kala niya siguro basta-basta nalang siya makakatakas ah.
Humanda yung bitch na yun pag naging slave ko na siya.
I will make her regret all the things she did to me.
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr. Arrogant
FanfictionAnung mangyayari kung sakaling natalo ka sa isang pustahan at ang parusa ay magiging alipin ka niya for 100 days? Mas lalaki ba ang galit mo para sakanya? O kabaliktaran ba ang mangyayari?