Chapter 12

169 3 1
                                    

Yumi’s POV

Alam niyo ba kung ano ang ginagawa ko ngayon?

Dala-dala ko lang naman ang pagkarami-raming pinambili ni Kabayo.

Bakit ako pumayag?

Tinakot niya ba naman ako na malalaman daw nang buong school namin and ng school nila yung tungkol sa bet >.<

Eh di naman yun pwede.

Dahil mas lalo ko lang sisirain ang tingin ng mga taga-Xavier sa school namin -_-

“Bilisan mo nga ang paglakad mo! Bagal nito eh.” 

11 na paperbags ang dala ko tapos ganyan siya?! Urgh!

Sino ba naman ang bibilis ang lakad sa ganitong lagay? Ha? Ha?!

“Kung ikaw kaya dumala? Puro reklamo eh. Tss.” Bulong ko.

“Anung sabi mo?!”

“Wala po, SIR!” 

Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami, lunch palang kasi.

Eh mamaya pang 1PM mags-start yung program para sa aming students.

At ang mas malala, andun din ang mga taga-Xavier mamaya -_- 

“I will order the blabla and blabla for the main dish, and blabla for the drinks.”

“How about for the dessert, sir?”

“Two blabla.” 

Sarap ng pagkain namin noh? Puro blabla! 

Natikman niyo na rin ba yun? HAHAHA

Pero wait, two blabla daw?!

Di ibig sabihin nun, saming dalawa yung inorder niya?! O.O

“Nag-order ka rin para saakin?” Tanong ko sakanya nang makaalis na yung waiter.

“Oo.”

Anung sabi niya? OO?!?!

OMG. Kala ko di niya ako papakainin.

May puso rin pala itong lalakeng ‘to.

“A-ah. S-salamat.”

“Anung salamat?! Babayadan mo yun. Bobo!”

“Hindi ikaw ang kausap ko! Feeler ka naman!” Palusot ko.

Panira naman ‘to ng mood! Ok na sana eh! Ugh.

Wala pala talaga ‘tong puso. 

Pagkatapos nun, dumating na yung pagkain. 

ANG SARAAAP NIYAAA! HEAVEEEEN *O*

Sa sobrang pagkasarap, naubos ko lahat kaya ang linis na ng plato ko.

Di na kailangan hugasan. Haha!

Nang dumating na yung bill, tiningnan ko at tig-compute ko yung saakin.

At 2, 085 ang lumabas.

What the fudge?!?!

Mas malaki pa yan sa extra money kong dala eh!!

Anung ipapambayad ko?! Waaaah TOT

Di ko naman ineexpect na ganun kamahal dito eh! Amfufu T__T

Tapos nakita ko na naglagay ng 5k si Horsey dun.

“Keep the change.” Sabi niya dun sa waiter.

Teka lang, 5k linagay niya diba?

Eh 2.5k+ lang naman yung sakanya ah?

Tumayo na siya.

Nakatunganga lang ako habang nakatingin sakanya.

“Saraduhin mo nga bunganga mo! Saka anu pa bang ginagawa mo? Halika na!”

“W-wala kasi akong p-pambayad eh.” Sabi ko habang nakatungo.

“Tss. Tumayo ka na diyan kung ayaw mong iwan kita!”

“P-pero di ko pa nga kasi n-nabayaran yung sakin.”

“Binayadan ko nga yung sayo! Gusto mo bang bawiin ko pa?! Tch.”

Natameme naman ako dun sa sinabi niya.

Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.

HANUDAW?!?!

Rewind. 

“Binayadan ko nga yung sayo! Gusto mo bang bawiin ko pa?! Tch.”

O.O

Nang makarating na kami sa kotsye niya sa parking lot, linagay ko na yung mga pinamili niya sa back seat.

Saan ba ako mauupo? Front seat? O sa likod nalang? 

Sa likod na nga lang, awkward much eh ~__~

Silence..

Silence..

Silence..

“S-s-salamat *lunok laway* p-pala.” 

Tsk. Nakakahiya naman ‘to oh!

Kaso ang kapal na niyan ng mukha ko kung di ako magpapasalamat.

Pero bakit niya kaya binayaran yung saakin?

Hmmm. Papabayarin niya rin lang naman ako eh. I'm sure of that.

Di siya nagsasalita hanggang makarating kami sa hotel.

Dinala ko na lahat ng paperbags sa room namin.

Pagkapasok namin sa kwarto, dumiretsyo siya sa C.R.

Baka na-LBM?

Kaya pala ang tahimik buong biyahe eh.

Kevin’s POV

Binayadan ko lang naman yung pagkain niya dahil nakita kong paiyak na siya.

Baka isipin pa nung mga tao na ako ang nagpaiyak sakanya.

Tsss. Kahit kailan pahamak talaga ‘tong babaeng ‘to.

Habang nasa kotsye kami…

“S-s-salamat p-pala.” 

Bigla naman akong napangiti dun sa sinabi niya.

ANO!? Potcha! 

Anung nangyayari saakin?!

Kulang lang ata ako sa tulog.

Tama, yun nga!

Nang makarating kami na kami sa kwarto namin, nag-shower agad ako.

Biglang uminit yung mukha ko nung nasa kotsye kami eh.

Hayp yan. Epekto rin ba yun ng hindi pagtulog ng maaga?! 

100 Days With Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon