Yumi’s POV
“IKAW NA NAMAN?!?!” Sabay naming sinabi ni kumag.
“Hoy babae! Nakakasobra ka na! Kahapon ka pa ah!”
“Kasalanan ko bang lagi tayong nagkakasalubongan?!” Good lord, bakit nakita ko na naman ‘tong hinayupak na to? Don’t tell me destiny ko siya?!?!? Hahaha. Spell Y-U-C-K-S! :D
“Tch. Tingnan mo ginawa mo sa uniform ko oh!” Kahit di mo sabihin, nakikita ko naman. Shunga lang?
“Sorry pooooo!” Chichay style. Haha.
“Aba! Sasapakin ko na to eh!” So, tinakot niya ako?
“Edi sapakin mo ako! Total bakla lang naman nananakit ng mga babae, diba? And bakla ka naman, kaya gorabells na!”
“T*ngina. Tumigil ka ng babae ka kung ayaw mong may mangyaring masama sayo.”
“Bakit? Concerned ka sakin? Saka di mo ba alam? Ngayon pa lang, may nangyayari ng masama saakin dahil nasa harapan kita. Ang sakit sa mata eh.”
“Pota.” Tumingin siya sa ibang direksiyon and I can see na nangangalaiti na siya sa galit. Mwahahaha! Well done, Yumi. Well done. “Papalampasin ko ito ngayon pero sa susunod na magkita tayo,” He poked my forehead. “Humanda ka sakin.” Tinakot pa ako nitong kumag na to! Urgh. Please lord, give me the courage not to kill this animal, I mean, MAN.
“Huwaw. Takot na takot ako.”
“Ampota! Di ka talaga titigil?! Ikaw na nga tong may kasalanan tapos ikaw pa yung umaasta ng ganyan!”
Tinaasan ko lang siya ng kilay then I smirked. Bwahaha. Evil much ba? :P Akmang sasapakin niya na ako ng biglang humarang si Kyla.
“Pasensiya na. Ako na magsosorry para sa nagawa ng kaibigan ko. Pwede na ba kaming umalis?” What the hell?! Ikaw ba yan? Ohmygods. Shet. Anung nangyayari ki Kyla? O.O
“Tsk. Pasalamat ka nandito kaibigan mo! Kung hindi, di ko na alam kung ano nagawa ko sayo eh.” Humarap siya ki Kyla, “Sabi-sabihan mo yang lintik na kaibigan mo na ayusin niya ugali niya ah. Hindi na nakakatuwa. Tch.” PARA NAMAN KASING NAKAKATUWA UGALI NIYA EH! Hmp. Naglakad na sila palayo nung mga kasama niya. Pero narinig ko kung anu yung sinabi niya sa mga kasama niya, “Yan ang dahilan kung ba’t ayaw ko dumadaan dito eh. Daming taga-public. Kakasuka!”
“Oo nga. Walang mga modo. Nahahalata na hindi sila tinuturuan ng Good Manners And Right Conduct. Kinulang ata yung pera pangbayad sa teachers. Hahaha!” Sabi nung isa niyang kasama. PUTRAGIS YAN!
“Hoy kayo! Sumosobra na kayo ah! Kung makaasta kayo parang ang gagaling niyo!” And humarap sila saamin.
“What the f*ck? Di ka talaga titigil?!”
“Hindi! Bakit ikaw? Di ka rin naman tumitigil ah! Saka ano naman masama kung taga-public kami? Ibig sabihin ba nun mas magaling na kayo saamin at pwede niyo na kaming lait-laitin? At may gana ka pang magsabi na nakakasuka kami. Nakakahiya naman sainyo. Eh mas nakakasuka pa nga ugali niyo eh!”
“Hindi na namin yan kasalanan kung ganyan ugali niyong mga taga-public. Saka anu bang gusto mong palabasin? Ha? OA ‘to kung makadada eh.”
“Kung pangit ugali namin, anu nalang ang tawag sa ugali niyo? Pang demonyo? At hindi kami katulad ng iniisip niyo na mahina at walang alam. Kung makapanghusga kayo eh parang kilalang-kilala niyo kami eh. Lahat naman kasi kayong mga taga-private ganyan! Kung makapagsalita parang ang galing sa lahat ng bagay!”
Linapitan ako ni Kyla at hinawakan braso ko. “Yumz, tama na. Uwi na tayo.”
Inalis ko yung kamay niya sa braso ko. “Anu ba, Kyla? Hahayaan mo nalang ba na pagsalitaan nila tayo ng ganun? Kung sayo ok lang, sakin hindi.” Huminga nalang ng malalim si Kyla. Alam niya naman kung anu ugali ko eh, di ako basta nagpapatalo. Humarap na uli ako ki kumag.
“Tsk. So what do you want us to do? Kneel and beg for forgiveness?” Nagenglish pa talaga. Kaartehan nitong baklang ‘to.
“Pigilan niyo na yang pagsasalita ng masasamang bagay tungkol saamin dahil hindi niyo naman kami kilala! Wala naman kaming ginagawang masama sainyo ah.”
“E panu kung ayaw namin? Anung gagawin mo para gawin namin yang sinasabi mo?” Nakangiti niyang sinabi. Ugh.
Hindi ako makapagsalita. Anu nga bang gagawin ko? Shete yan.
“O ano? Suko ka na? Yan napapala ng mga feeling magaling. Hahaha.” Nagtawanan sila nung mga kasama niya.
Tengene yan! Isip, yumi, isip. Kailangan ang gawin ko yung talagang mapapahiya sila. Hindi lang sila, buong school nila. Bwahahaha. Nahahawa na ata ako sa kademonyohan nila eh. Pero wait! Isip muna! Think, think, think.
“National Quiz Bee.” OWMAYGAHD. Bakit? Bakit yan pa lumabas sa bibig ko? Shemay. Shemay. Shemay. Ughhh. Anu ba, Yumi?!? Bakit yan pa?
“Hinahamon mo ako diyan? Hahahahahaha.” Tumango ako. Wala na akong magagawa. Mapapahiya lang ako kung bawiin ko pa yung sinabi ko, diba?
“Oo. Kung matalo kita, gagawin niyo yung sinabi ko sainyo. At hihingi ka ng tawad. Hindi lang saakin, kundi sa buong school campus namin.”
“Para naman kasing matatalo ako ng isang tulod mo eh.” Sabay smirk. Ugh.
“Kung wala ka ng matinong sasabihin, mauuna na ako.” Humarap na ako ki Kyla, “Halika na. Sayang ng oras natin dito.”
Paalis na kami ng bigla siyang sumigaw, “Hoy taga-public! Di ko pa sinasabi yung kondisyon kapag ako nanalo ah!” Ughhhh. I didn’t see that coming. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang humarap ki Mr. Demonyito. Tinaas ko yung isang kilay ko. Nagsmirk siya at sabi niya. . .
“You will be my slave for 100 days.”
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr. Arrogant
FanficAnung mangyayari kung sakaling natalo ka sa isang pustahan at ang parusa ay magiging alipin ka niya for 100 days? Mas lalaki ba ang galit mo para sakanya? O kabaliktaran ba ang mangyayari?