Yumi’s POV
“ANUNG GINAGAWA MO DITO?!?!”
“Binabaan mo na nga ako, di mo pa sinasagot mga tawag ko! Ayos ka rin talaga noh?”
“Ilang beses ko ba sasabihin sayo na may pasok pa ako!” Alam niyo ba yung sumisigaw ng pabulong? Yun ang ginagawa ko ngayon. Haha. HANUDAW? XD
“Pina-excuse na kita kaya sumunod ka nalang! Sinasayang mo oras ko!” Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang ako sakanya.
“So oras mo pa yung nasayang? Di ko nga natapos yung test ko dahil sayo eh! Pinagalitan pa ako sa harap ng buong room namin dahil rin sayo!”
“Tumigil ka na nga! Ang ingay-ingay mo!”
“Ba’t ka ba kasi nandito?!”
May inabot siyang pera at papel sakin.
“Bilhin mo lahat ng yan. Tapos dalhin mo sa classroom ko pagkatapos. Dapat before 5 PM, andun ka na. Kapag nalate ka kahit isang minuto lang, patay ka saakin!”
“Ang dami naman nito! Hindi ko naman ‘to kayang bitbitin nang sarili ko lang.”
Nandito na kami sa parking lot.
“Problema mo na yan.”
Pumasok na siya sa kotsye niya, pinaandar at umalis na.
GAGO TALAGA YUNG KEVIN NA YUN! Arghhhh!!!
After one hour, natapos na rin akong mamili sa NBS.
Isipin niyo nalang, isang hamak na estudyante ang may dala ng tatlong malalaking plastic bags na punong-puno ng kung anu-anung chorvaness?
Hindi na nga ako katangkaran, ang dami ko pang dala, kumusta naman nito height ko? Amfufu.
Ayaw mo ba talagang tumangkad ako, Lord? Ahuhuhu T______T
@XavierUniversity
Sinabi ko dati sa sarili ko na hinding-hindi ako pupunta sa lugar na ‘to pero tingnan mo nga naman ang tadhana oh.
Kung minamalas nga naman talaga. Tch.
“Who is that?”
“Eww! Is she from a public school?”
“Yucks! So kadiriiii.”
“What the hell is she doing here?!”
“I can’t believe I’m breathing the same air with that commoner!”
Bwisit yan.
Ang aarte naman ng mga tao dito!
Parehas na parehas dun sa gagong Kevin na yun! Tch.
Umiinit na naman tuloy ang ulo ko. Zzzz.
Inhale, exhale. Inhale, exhale.
Wag mo nalang silang pansinin, ok?
Naglakad-lakad nalang ako para magchill yung ulo ko.
Puro lang restaurants, salons, spas, boutiques, at kung anu-anu pang kaechosan ang nakikita ko.
School ba talaga ‘to o mall?
Nag-aaral pa ba dito yung mga estudyante?
Ang dami-dami pang pasikot-sikot, hindi ba sila nawawala dito?
Hoy magfocus ka nga, Mayumi!
Di yan ang kailangan mong atupagin.
Nasaan na ba kasi yung kabayong yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/5717648-288-k839075.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr. Arrogant
FanfictionAnung mangyayari kung sakaling natalo ka sa isang pustahan at ang parusa ay magiging alipin ka niya for 100 days? Mas lalaki ba ang galit mo para sakanya? O kabaliktaran ba ang mangyayari?