Chapter 09

181 2 0
                                    

Yumi’s POV

Nandito na naman ako sa school. Brr. Kung nagtataka kayo kung ba’t hindi ako pumasok kahapon, hindi kasi ako pinapasok kasi rest day ko DAW dahil nga dun sa NQB. Pero di naman naging rest day kasi pinalinis nga ako ni kabayo ng kwarto niya, diba? Pshhh.

Habang naglalakad ako sa hallway, andaming nagc-congratulate saakin. Kung alam lang nila kung gaano kasaklap ang nangyayari sakin ngayon, sure ako di sila magsasabi niyan. Pero siyempre di ko naman pwedeng sabihin na slave ako nung halimaw na yun kasi mapapahiya lang ako. Kaya ayun, fake smile here, fake smile there, fake smile everywhere :S 

“Congrats Yumz!” Is this real? Am I dreaming? Kasi kung oo, please wag niyo na akong gisingin. “Yumi?” Ay shet totoo nga! Kelegmatsss ♥_♥

“A-ah. T-thank you, Brian.” Meet Brian Angeles, ang aking crush since first year. Nasakanya na lahat eh, gwapo, matalino, mabait, mayaman, popular, basketball player pa! Kaso ngayong year ko lang siya naging close, parehas kasi kami kasali sa Student Council. 

“Galing mo nung Monday ah! Okay lang yun na second ka. At least nakasali, diba? :D” OHMYGOLLYWOW. Abot tenga na ngiti ko. Ganito ba talaga pag kinikilig? Ahihihihi :’’’’) Kung kanina plastic ang smile ko ngayon rubber na. Hahaha. Waley.

“O-oo nga eh.  Thanks ulit ah!” Ba’t ba lagi nalang akong nauutal pag gwapo kaharap ko? Except ki kabayo ha! Nautal lang ako nung time na yun dahil sa abs niya, hindi sa mukha niya, OKAY?

“O sige, balik na ako sa room namin. Magta’time na eh. Maya nalang, Yumz. Bye! :)”

“Bye!” Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa parte ko na hayaan kang umalis. Hahaha. CHOS! 

Hay samalat at malapit na maglast period. Nakakagatak na kasi ng ulo magparabasa at magparasulat eh.

“Who can answer this question? Write your solution on the board.” I raised my hand. “Ms. Lopez.” Naglakad na ako papunta sa unahan at sinulat na ang solution. Math kami ngayon eh (¬_¬)

Now Playing: James Reid - Natataranta

Napapadalas ka ng gabi-gabi

Naglalalabas d’yan sa tabi-tabi

At inuumaga na sa pag-uwi

Magpapalit lang at lalakad nang muli

Akala ko ba tayong dal’wa’y nagkasundo

‘Diba pangako’y magbabago

Pero ba’t nagkagan’to, oh

A/N (Author’s Note): Pa-epal lang po ah. Panuorin niyo po ang Diary ng Pangit starring James Reid and Nadine Lustre. Haha! Pagbigyan niyo na, die-hard fan kasi ako ng JaDine. Mehehehe ^o^

“Whose cellphone is that?” Medyo kinabahan ako kasi ganyan rin ang ringtone ko kaso bigla kong naisip na silent naman lagi phone ko kaya sure ako di yun sakin saka karamihan naman sa classmates kong babae ganyan rin ang ringtone.

Natataranta na, natataranta na

Di mapakali ang isip, kakabakaba

Natataranta na, natataranta na

Bakit nga ba may mali sa nadarama?

Natataranta na, natataranta na

Sabihin mo nga

Kung ako lang ba ang nag-iisa

Ako’y natataranta na, natataranta na

“Pssst!” Tumingin ako sa likod para makita kung sino yung sumitsit. Si Kyla lang pala. 

“Ano?” I mouthed. Tinuro niya sakin yung bag ko. At dun ko lang napansin na lahat sila nakatingin saakin including my teacher. Ohnoes, I’m dedzzzz (╥﹏╥)

“Ms. Lopez, go out and answer that call! You’re disturbing my class!” Takte yan oh. Ngayon palang ako napagalitan ng teacher ko, sa harap pa ng buong room!!! Sino ba kasi yang bwisit na tumatawag na yan?!

Kinuha ko na yung phone ko sa bag at lumabas na. Unknown number yung tumatawag eh! Pshh. 

- - - - - - - - - - - - -

‘Hello?’

‘Hoy Lopez!’

‘Kabayo?!’

‘Anung kabayo?!? Si Kevin ‘to!’

‘Saan mo nakuha number ko?!’

‘Di na yun importante. Pumunta ka dito sa school ko. NGAYON NA!’

‘May pasok pa ako!’

‘Wala akong pakialam! Gumawa ka ng paraan!’

‘Bahala ka sa buhay mo! Bye na!’

- - - - - - - - - - - - -

Nakakabad-vibes talaga yung mokong na yun! Kala ko pa naman kung sino na ang tumatawag, siya lang pala. Napagalitan pa tuloy ako! Fuuudge. Pumasok na ako sa classroom. Pero siyempre nakasilent na yung phone ko. Para di na ako magulo pa nung halimaw na yun! Tssss.

Last period na. Yesss! Nagq’quiz kami ng biglang magtilian yung mga classmate kong babae. Di ko nalang sila pinansin kasi nagc’concentrate ako sa quiz ko. *sulat* *sulat* *sulat*

“Ms. Lopez?” Tinawag ako ni Sir.

Pumunta ako sa table niya sa may unahan. “Ano po yun, Sir?”

“Just finish your test tomorrow at the faculty room. You may now leave.” 

“Bakit po Sir?” Bakit naman kaya ako ie’excuse? Don’t tell me pinapapunta ako sa Principal’s Office dahil dun sa nangyari kanina?!

“Someone came here and asked me if you can leave early. He told me it was an emergency so I agreed.” Emergency?!?! 

“Sino po Sir pumunta?”

“I don’t know him.”

“Uhm, okay po Sir.” Binigay ko na yung paper ko. Sino naman kaya yung nagpa-excuse sakin? Hmmm.

Kinuha ko na yung bag ko. Dumaan muna ako sa seat ni Kyla at nag-bye sakanya. Di naman ako pinansin -_- Masyadong busy sa test niya eh. 

Pagkalabas ko ng room, may nakita akong lalake na nakasandal dun sa may pader, naka-uniform siya. Di ko masyadong napansin mukha niya kaya lumapit ako sakanya.

“ANUNG GINAGAWA MO DITO?!?!”

100 Days With Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon