Chapter 13

362 7 5
                                    

Yumi’s POV

“Hoy Kyla! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na di tayo roommates?!”

Pagkatapos nung program dumiretso na kami dito sa Masayang Bubuyog este Jollibee para kumain ng dinner namin.

Grabe yung pagkain dun sa hotel eh. Panis na rice, tutong na ulam, matabang na juice, kinakalawang na kutsara’t tinidor, at basag na plato. Joke lungs. Tawa kayo ah.

Ayaw ko muna kasi bumalik sa impyerno. Masyado na dun hot eh.

Hot na nga ako, hot pa yung temperature. Kumusta naman yun noh? Hahahaha!

Pagpasensiyahan na. Bihira lang naman mangarap eh. Hihi :3

“Kyla, anu ba? Kanina ka pa tawa ng tawa diyan ng mag-isa ah?”

Simula kasi nung matapos yung program, babad na babad na siya sa phone niya at nakangiti pa.

“KYLA!”

Snob si lola mo -_-

“Hoy babae, anu ba yan?! Ha?”

Nakangiti pa rin siya ng magisa. Urgh.

“Nasisiraan ka na ba?”

Di pa rin namamansin. Tchhhh. Makaalis na nga! >.<

“Bahala ka nga! Aalis na ako.”

Patayo na ako ng bigla niya akong hinila kaya napaupo ako.

“Wait lang, Yumz! Katext ko kasi si Crush. Ahihihi.”

“At sino naman yang crush na yan?”

“Sikretong malupet. Ahihihi.”

What the ef? Ngayon ko lang nakitang ganito si Kyla ah.

“Share mo naman!”

“Basta taga-school rin natin siya.”

“Oo? Sinoooo?”

“Secret nga eh! Di ka ba nakakaintindi, Yumz?! Gusto mo ba ulit-ulitin ko pa?”

Ayan na naman ang Menopause Queen. Araw-araw higblood eh >.<

“Tch. Sama naman nito. Kahit first letter lang ng name niya.”

“Kulit naman nito eh!”

“Pleaseeeee.” Sabi ko habang yung dalawang kamay ko magkadikit, yung position ng hand pag nagdadasal.

“Di ka talaga titigil?”

“Hindi.”

“Urgh! Sige na nga. B.”

Anu raw?! B?!?!

Wag mo sabihing si Brian ang tinutukoy niya?!?!

Di naman siguro.

Pero… posible yun. Kasi di niya naman alam na crush ko si Brian eh.

Ughh. Think positive, Yumi! Di yan pwedeng mangyari.

Para naman kasing si Brian lang ang may pangalan na nags’start sa B. Psh.

After namin kumain, bumalik na kami sa hotel dahil pagod na rin kami dahil dun sa program kanina.

Pagdating ko sa room ko, wala pa si Kevin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 Days With Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon