Chapter FOUR

53 2 0
  • Dedicated kay Gilbert Marata Villareal
                                    

a/n: Hello sa inyong lahat! :) Next week final exam na namin. Goodluck sa akin at sa iba pa! Wish me luck guys :)))))

Charles' POV

Tsk! Sabi ko na nga ba mangyayari ito eh. Yan tuloy, parang nagsisisi na akong sinabi ko pa sa kanya. Pero sabagay, kahit naman hindi ko sabihin malalaman niya pa rin. Wala namang natatagong lihim diba?

Dapat... Nagisip na lang ako ng magandang dahilan o kaya nang magandang pangyayari kung paano at bakit naging kami. Haynako!

"Oh ano?! Charles Villaseñor?!" nakatingin siya sa akin na parang nanay ko siya tapos may nagawa akong kasalanan. "Hindi ka talaga nagiisip no?!"

"Sorry. Sorry na Yuki." wala akong ibang masagot. Ano ba? Paano ba ito?

"Sorry?! Wala ka na talagang ibang alam na salita bukod sa 'sorry' no?!" bakit ba? Para yun lang eh. Malaki naman na ako, ay mali! Hindi lang pala ako malaki, matanda na ako. Alam ko na ginagawa ko. Pero ang OA niya makareact. Grabe.

Hindi ako umimik. Nasa room kami at nandito rin lahat ng mga kaklase namin pero kanina pa niya ako pinapagalitan tungkol dun sa "pseudo-relationship" nga namin ni sungit. Pinagtatawanan tuloy ako mula sa corner ng room ng mga kabarkada kong lalaki.

"Charles... Bakit ba kasi pumayag ka?"

Ulit-ulit yung tanong niya! Ano ba iyan! Takot lang ako sa kanya kaya hindi ko siya masagot eh. Parang lalaki kasi magalit ito eh.

"Wala nga. Trip niya, trip ko lang din. Oh ano namang masama dun?!" tinignan ko siya. Magkatabi kasi kami sa upuan.

"Charles, hindi mo ba naisip? Sa BNY lang kayo nagkakilala and that was only two weeks ago! Eh ang kwento mo pa nga sa akin nun, magkagalit kayo eh! Siya alam kong galit sa iyo dahil sa kalokohan mo pero ikaw di ko alam kung bakit ka galit sa kanya. Nung isang araw ka lang yata nagkwento na nakita mo siya sa school pero nothing special naman kamo. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na kayo na?!"

"Eh ganun talaga ang pagibig." nangiti ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan ko napulot. Nabatukan tuloy ako nitong nanay-nanayan ko. "Aray! Bakit? Tama naman ako ah?"

"Pagibig? Sa isang total stranger? Nagpapatawa kaba?!" nakakunot yung noo niya sa akin. Diba ganoon naman sa ibang teleserye?

"Hmm... medyo?"

Peste! Binatukan na naman ako. Nakakalima na siya ah.

"Umayos ka ng pagsagot mo ah. Pwes! Ako hindi nagpapatawa." halata nga sa mukha niya eh. Galit talaga siya. Bakit?

"Hindi ka talaga nagiisip no? Iyang utak mo sinliit ng pambura ng lapis!" grabe naman ito magsalita. Haha. Matalino rin naman ako ah. Ngayong mga panahon lang na ito ako hindi nakapagisip talaga.

"Pa-paano kung may gusto lang pala siyang kunin sa iyo?"

Napatingin naman ako sa kanya. Parang napansin ko kasing may pagaalinlangan sa tono niyang sabihin yung gusto niya sabihin eh.

"Paano kung gusto ka lang perahan nun? O kaya naman may modus operandi lang sila?" Huh? Siya naman ngayon yung nagpapatawa?! Haha.

"Alam mo kasi Charles... Hindi mo naman talaga siya kilala diba? Ayon pa sa kwento mo, siya lang nagsabi na gusto niya maging kayo. Yun lang at wala nang ibang dahilan. Baka isipin niya masyado ka namang uto-uto saka tanga-tanga." kalmado na ngayon yung tono niya at hindi na siya sumisigaw. Yung mata niya pa parang malungkot. Bakit? Kanina pa talaga ako nawiweirduhan sa kanya.

"Isa pa, wala ba talaga siyang nabanggit na may gusto siyang ipagawa sa iyo or may gusto lang siyang something na mayroon ka?" hindi ako makaimik. Yung tanong niya kasi totoo na eh. Mayroon siyang gustong ipagawa sa akin. Yung 'tatlong wishes' daw at yung kagabi, tuwang-tuwa siya kasi nanuod kami ng sine at libre ko yun. Baka gusto ng mayaman.

Until I met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon